IRON'S POV "Bakit yan lang ang dala mo?" My forehead creased. "Ano pa bang kulang dito?" sabay tingin ko sa maleta na dala-dala ko. "Tsk. Iron, kulang yan. Pupunta tayo sa magandang lugar, dapat nagdala ka ng marami-raming damit! Di mo mae-enjoy yun kung konti lang ang dala mo." Mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Paki niya ba? Unang-una, kung magkukulang ang damit na dala ko, hindi ko naman sa kanya ipapalaba ang mga 'to. Pangalawa, hindi naman ako sumama sa bakasyon nila para mag-enjoy, sumama ako para mabantayan ko ang mga taong dapat bantayan. Kasi kahit nasa bakasyon ako, ipinangako ko sa sarili ko at kay Master na dapat misyon pa rin ang iisipin ko. Hinawakan ko ang handle ng nag-iisang maleta na dala ko at hahakbang na ako para malampasan si Cream p

