IRON'S POV Pero yung Thomas na yan, hindi ko kayang tiisin ang galit ko sa kanya. Tinitigan ko ng masama si Thomas. At naramdaman rin siguro ni Xenon ang matalim kong tingin sa kaibigan niya kaya tumingin rin siya dito. Xenon sighed. Napahawak siya sa noo niya tapos ilang segundo lang... ...hinawakan niya ang kwelyo ni Thomas tapos marahas niya itong isinandal sa pader. Nanlaki ang mata ko dahil sa mabilis na pangyayari. Nakita ko pa ang pagpikit ni Thomas dahil sa lakas ng impact nang paglapat ng likod niya sa pader dahil kay Xenon. Nakita ko rin ang madiin na paghawak ni Xenon sa kwelyo niya at walang dudang mahigpit ang kapit niya rito. *buuug* Sinuntok ni Xenon si Thomas dahilan para mapahiga ang huli sa lupa. May kakarampot din na dugo na lumabas sa bibig ni Thomas.

