IRON'S POV Ang dugong bughaw ang siyang madidiin. "Alam mo ba kung sino ang tinutukoy ni Dutch sa sinabi niyang 'May mawawala, may magtatago, at may mamamatay'?" [Hindi.] Akala ko pa naman... [Pero a-ako ang nagsabi no'n... kay Dutch...] Kulang na lang at malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi umabot sa iniisip ko mula kanina hanggang ngayon na makakausap ko ang nagsabi ng pangungusap na 'yon kay Dutch. "Anong sinabi mo?" Dahil baka namali lang ako ng dinig. [Ako ang nagsabi no'n sa kanya. Gusto kong malaman kung nagkatotoo na ba-hindi... Nawawala na si Dutch ngayon at maliwanag na na nagkatotoo na...] Originally, hindi kay Dutch ang pangungusap na 'yon kundi sa kanya. "Sandali, pati ba yung 'Ang dugong bughaw ang siyang madidiin'?" [Oo.] "Anong ibig s

