Professor Yugi's POV For about 30 minutes, habang naghahanda kami para sa birthday ng pamangkin ko ay dumating na rin ang ilan sa mga kamag-anak namin. Mula sa di kalayuan ay tanaw ko si Karlo na tuwang-tuwang sinalubong ang kanyang mga pinsan at ganoon din ang mga ito sa kanya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang batang paslit. Ngunit agad din namang nabali ang ngiting iyon nang mapadpad ang tingin ko kay Elyan. Nakaupo lamang siya sa couch habang tahimik na nakatuon ang tingin sa ilang mga kamag-anak namin na pumasok sa loob ng mansion. Napailing ako at muli ay ibinaling ko ang atensyon ko sa pinagkakaabalahan ko. Gusto ko siyang lapitan at kausapin. Pero ang masaklap ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula. It all started last night when I saw her wearing a white dress.

