Elyan's POV Ilang minuto ang nagdaan ay nakarating na rin kami sa kubo kung saan ay ilang kilometro rin ang layo niyon sa mansion. Hindi kalaunan ay bumaba na kami ni Yugi mula sa jeep. Bahagya pa akong natigil nang mapagmasdan ko ng mabuti ang lugar na iyon. Sa katunayan, ang inaasahan kong makikita kong uri ng kubo sa mga sandaling iyon ay maliit at simple lamang. Ngunit hindi lang pala iyon ordinaryong kubo. It was a rest house. Malaki iyon at halos one-fourth ng laki ng mansion nila ni Yugi. Mula sa labas ay masasabi ko na maluwag iyon sa loob at sigurado ako na presko roon. Puro kawayan kasi iyon habang ang bubong naman nito ay gawa sa kugon. Napangiti ako habang ini-imagine ko ang sarili kong nasa loob habang nagpapahinga - malayo sa mga bagay-bagay na maaaring maging distracti

