Tatlong araw na mahigit simula nang magkausap sina Elyan at Professor Yugi. Matapos ang pag-uusap na iyon ay pareho na silang naging abala sa kaniya-kaniya nilang mga gawain sa university. Ang professor ay busy sa pag-aasikaso at pag-aayos para sa gaganaping acquiantance party habang ang dalaga naman ay abala sa drama project nito kasama ang ilang mga kaklase nito.
Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makalimutan ni Elyan ang mga sandaling magkaharap sila ng professor.
Bagamat noon pa man ay sinusungitan na siya nito, she had never seen him that irritated. Bukod pa roon ay hindi nito magawang salubungin ang kanyang mga titig at hindi rin nito magawang ituon ang buong atensyon nito sa kanya. Pansin din niya ang paulit-ulit na pag-iwas nito ng tingin sa tuwing kinakausap niya ito ng masinsinan.
Honestly, she hates people not looking at her in the eye when they talk to her. Pero sa kaso ng professor ay tila ba mas ikinatutuwa pa niya ang pag-iwas nito sa kanya sa kadahilanang alam niya sa paraang iyon ay labis itong apektado sa kanyang presensya.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang inaalala ang mga sandaling kaharap ang professor. Ngunit hindi rin naman nagtagal ay naputol ang pagmumuni-muni niyang iyon nang maalala niya ang mga pinag-usapan nila.
He gave her lists of things she needed to familiarize for their tutoring session.
Agad niyang inilabas ang notebook na ibinigay nito sa kanya mula sa kanyang bag at binasa ang mga iyon.
[The tutoring session will be starting next week, Friday and Saturday everyday at 3pm]
[Tutoring session venue: Armingston Library at the second floor]
[As much as possible, no one should know about the tutoring as per Mr. Yal's request]
[After every two weeks, we were going to visit the Marquez family company]
[No partying or hanging out with friends, but you will be given time for your personal interests every last week of the month]
Matapos niyang basahin ang ilan sa mga listahang isinulat ni Professor Yugi ay napabuga siya ng hangin. Bagamat tuwang-tuwa siya na makakasama niya ito nang matagal ay dismayado pa rin siya. Hindi niya akalain na mas strikto ito ngayon bilang kanyang tutor kaysa ang pagiging professor nito sa university.
Bukod pa roon ay tuluyang mababawasan ang pagiging lakwatsera niya ganoon din ang paglabas-labas niya at ng mga kaibigan niya tuwing weekend. For every month, isang linggo lang ang ibibigay sa kanyang pagkakataon na magawa ang gusto niya.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya kasunod niyon ay ang pagsubsob niya ng kanyang mukha sa lamesa.
Although, malinaw na ang pag-uusap nila ng Professor ay gusto pa rin niyang makausap ang kanyang mga magulang tungkol sa usaping ito. Kailangan niya silang kumbinsihin at kung maaari ay limitahan ang pagiging strikto sa kanya ng professor.
After all, this is just a tutoring session.
Maya-maya ay nabulabog ang kanyang pananahimik nang makita niyang papalapit ang kanyang tatlong kaibigan. Nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito habang tila ba kilig na kilig sa kung anong tinitingnan nila sa cellphone ni Jessica.
"What's up?" bungad niyang tanong nang tuluyan na silang makarating sa table niya. "Anong meron at parang ang ganda ng ngiti niyo? Anything good happened? Or did you bully someone on the way here?"
Natigil ang kanyang mga kaibigan at saglit na nagkatinginan. Hindi kalaunan ay umupo si Jessica sa kanyang tabi habang sina Lorea at Malea naman ay umupo sa bakanteng upuan sa tapat nila. Maya-maya ay inilapag ni Jessica ang cellphone nito sa kanyang harapan.
Dahil sa kuryosidad ay agad niyang tinapunan ng tingin ang cellphone nito at doon ay nakita niya ang kuhang stolen picture ni Professor Yugi.
Nakangiti ang binata habang naglalakad kasama ang isang babaeng nakasuot ng red dress. Pakiwari niya ay magkasing-edad sila at bukod pa roon ay tila ba close na close ang mga ito. Napalunok si Elyan nang makita niya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mga labi ng professor.
Kahit minsan ay hindi niya pa nakitang ngumiti ng ganoon ang binata. Palaging nakabusangot ito lalong-lalo na kung siya ang kaharap nito. Ngunit maliban sa ngiting iyon ay pansin din niya ang nakapulupot na kamay ng babae sa braso ni Professor Yugi.
He seems to be enjoying that moment with her.
Pakiramdam ni Elyan ay nobya ng professor ang babaeng kasama nito sa picture na iyon.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at gigil na in-off ang cellphone ng kaibigan. Gigil niya iyong dinampot at nang akmang ibabato niya na iyon ay dali-daling inagaw iyon ni Jessica mula sa kanya. Pabagsak niyang isinandal ang kanyang sarili pasandal sa kinauupuan kasabay ng pagguhit ng hindi maipintang reaksiyon sa kanyang mukha.
"Who's that girl?" aniya at mataray na tinapunan ng tingin ang kanyang mga kaibigan. "Sobrang sweet naman nila! Nakakainggit!"
Malea cleared her throat. "Knowing that you had a huge crush on him, what do you feel about this? Actually, nadampot lang namin 'to sa student's portfolio and blog ng university website. It's Tyron who got this picture pero hindi namin alam kung saan niya 'to nakuha or kung paano."
"Malea's right," sabat naman ni Jessica. "Ang totoo nga niyan ay nagkalat na ang picture na 'to ni Professor Yugi sa buong campus. But still, wala pa ring nakakaalam kung sino nga ba 'tong babaeng kasama niya. Some says that she's his girlfriend. Kita mo naman siguro kung gaano sila ka-close at-"
Napabuga siya ng hangin na agad na ikinatigil ni Jessica sa mga sandaling iyon. Muli ay nagkatinginan silang tatlo kasunod niyon ay ang tinging ibinato nila kay Elyan na tulala na nakatitig sa kawalan.
Nagsalita si Lorea, "You're bothered about this, aren't you? Of course you are! After all, matagal ka nang patay na patay kay Professor Yugi at hindi na lihim sa amin 'yon. So..."
Wala ni isa mang salitang lumabas mula sa bibig ni Elyan sa pahayag na iyon ng kaibigan. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng gana sa mga sandaling iyon dahil sa nakita niyang litrato ng binata na may kasamang ibang babae. Kung tutuusin ay hindi na dapat siya magtaka pa sa impormasyong iyon dahil minsan niya nang narinig ang pag-uusap nina Professor Jack at Professor Jack.
Habang nasa library siya ay narinig niya ang pag-uusap ang dalawang Professor tungkol sa lovelife ni Professor Yugi. Tila ba kilig na kilig ang mga ito habang pinagkakaabalahan ang buhay pag-ibig ng kanilang katrabaho. Sa katunayan ay ayaw niyang maniwala sa narinig niyang iyon ngunit ngayon na mayroon nang pruweba ay tila ba pakiramdam niya ay sinasaksak siya ng paulit-ulit.
Maya-maya ay natigil ang kanyang pagmumuni-muni nang maramdaman niya ang paulit-ulit na pagsiko sa kanya ni Jessica. Iritable niyang tinapunan ito ng tingin at nang akmang itutulak niya na ito ay saka naman nahagip ng kanyang paningin si Professor Yugi na pumasok sa library.
"s**t! If this girl in the picture is his girlfriend? What a lucky woman!" nakangiting bulong ni Jessica na ikinatango lamang nina Malea at Lorea.
"Kung girlfriend nga niya ang babaeng 'to na nasa picture..." anas ni Malea at bahagyang pinisil ang pisngi ni Elyan. "That means, you had no chance to-"
Pagak siyang natawa. "I don't care if she's the girlfriend, ipagpapatuloy ko kung ano ang nasimulan ko. And this time, hindi na 'ko aatras o magdadalawang-isip pa. I'll make my move, with or without your help."
Matapos ang sinabing iyon ay agad niyang tinapunan ng tingin ang Professor na sa mga sandaling iyon ay abalang nakatuon ang tingin sa cellphone nito. As he held his head up, they met each other's gaze. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa binata.
Bahagya siya nitong nginitian ngunit hindi rin naman nagtagal ay muli nitong hinarap ang cellphone nito.
Not long after that, nakatanggap siya ng text.
It was from Professor Yugi saying, "Magkita tayo after class. We'll talk about the acquiantance party."