[19] Life Changes

1531 Words

Kate Evangelista Lunch break, nakasabay ko pababa ng escalator si Jaycee at napagdesisyunan naming sabay na mananghalian sa pantry. Sa ibang department naassign si Jaycee pero matunog ang pangalan niya sa company namin sa galing niyang makisama sa ibang tao kahit baguhan pa lamang ito rito. It is very evident. Hindi naman kasi ganoon kahirap pakisamahan si Jaycee. "Anong oras ka na nakarating sa inyo, Jaycee? Traffic ba?" panimula ko. Huminto naman sya sa pagkain at napatango. "Medyo traffic lalo na sa may Commonwealth dahil sa mga road reblocking at sa ginagawang extension ng MRT. Halos dalawang oras naging biyahe ko, jusko!" Natawa na lamang ako ng bahagya sa kanya at itinuloy na ang pagkain namin. Ilang saglit lang ay dumating ang ibang kasamahan namin at sinaluhan kami sa pagkain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD