Bumaba ako sa taxi at palihim siyang sinusundan sa isang park rin sa Quezon City. It's almost 6PM at medyo dumidilim na rin. Dala niya 'yong cake na binili niya at naupo siya sa madamong parte nitong park, malapit sa isang tulay. Pinagmasdan ko lang siya roon habang kinakain niya mag-isa 'yong cake na binili niya. Ilang minuto lang ang lumipas, bigla siyang nagsalita na para bang may kausap siya. Hindi ko marinig ang sinasabi niya kaya dahan-dahan akong lumapit at nagtago sa kumpol-kumpol na halaman. Kita ko mula sa mga siwang na kinuha niya mula sa bag niya ang wallet niya at may kinuha roon, na I assumed, 'yong picture ng babaeng mahal niya. Kinausap niya ulit 'to ng parang nasa harapan niya talaga ito and this time, mas naririnig ko na ito. "Today is the 19th day of the month, n

