[4] Kenzo Vergara

1728 Words
Kenzo Vergara Nasa loob ako ng principal's office upang hintayin ang principal nitong bagong school na papasukan ko. Na-promote ako sa dati kong pinapasukan kaya kinailangan kong lumipat. Dahil pinaghirapan ko rin naman para ma-promote ako. MSEP ang tinuturo kong subject, bagay kasi sa 'kin at alam ko sa sarili kong 'yon talaga ang gusto ko. During my school days, active ako sa mga activities sa school namin. Kung saan-saan akong clubs sumasali no'n. Naging school varsity ako sa basketball, track and field, high jump, kahit sa mga sports fest at maging sa chess o kahit board games or indoor games pa 'yan, game ako. Dumadaloy na nga siguro sa pamilya namin ang pagiging athletic. Hindi na nga rin siguro mawawala 'yon sa sistema ko. Naging malaking parte na ng buhay ko ang sports kaya siguro ito 'yong subject na ginusto ko. Para i-share rin sa mga magiging estudyante ko lahat ng experience at nalalaman ko sa larangang ito. Inikot ko ang paningin ko sa buong silid ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok mula rito si Mrs. Rin Park, 'yong principal at isa pang teacher. Tumayo ako para batiin sila at pinaupo rin matapos. Naupo ako sa harapan ko 'yong isang teacher habang si Mrs. Rin ay naupo sa swivel chair niya. "You must be Mr. Kenzo Vergara?" tanong nito sa 'kin at tumango naman ako bilang tugon. "I see. Tama nga ang sinabi sa 'kin ni Mrs. Louelle, gwapo at makisig ka nga." Natawa naman ako ng bahagya at napakamot sa batok ko matapos sabihin 'yon. "Si Ma'am talaga." "I'm telling you the truth, Mr. Vergara. Don't be shy. ANyway, meet Ms. Faustine Francisco, siya ang head ng MSEP/MAPEH department dito sa school at siya na rin ang bahala kung may i-a-assign siya sa 'yo. P'wede ka ring magtanong sa kanya if ever you have a questions. In behalf of all the teachers here, welcome." "Thank you, ma'am." tumayo akong muli at nakipag-kammaay sa kanya. Nagpa-salaat na rin ako para sa pagtanggap nila sa 'kin sa school na 'to. Nagpaalam na rin si Miss Faustine sa kanya at sinabihan akong sumunod sa kanya. Nilibot ko ang paningin ko habang naglalakad kami. Para maging pamilyar na rin siguro ako sa school na 'to. May kalakihan rin pala talaga 'tong school kaya good luck sa 'kin. Biglang huminto si Miss Faustine kaya huminto na rin ako. Nang silipin ko ang taas ng pintuan, nakalagay do'n ang signage na 'MAPEH Department'. Bumukas ang pintuan no'n at lumabas ang dalawang teacher rin do'n. Kaagad naman akong pinakilala ni Miss Faustine sa kanila at vice versa. Pumasok na kami sa loob at pumukaw sa atensyon ko ang amga trophies na naka-display do'n. Nakakamanghang tignan ang iba't ibang laki no'n. at mas lalo naman ang mga malalaking trophies. Pansin ko rin ang ilang basketball balls na nakakalat sa sahig at 'yong mga tarpaulins na may mga picture ng mga teams. Mas lalo tuloy akong na-excite magtrabaho. Napansin ko ang biglang pananahimik ni Miss Faustine kaya nilingon ko ulit siya. Nakangiti lang siyang nakatingin sa 'kin kaya humingi ako ng paumanhin ukol doon. "As you can see, this is the MAPEH department at 'yong table na 'yon malapit sa bintana ang magiging table mo," nilingon ko ang nasabing mesa niya at napatango ako. Wala naman akong problema do'n dahil sa gilid ng mga bintanang 'yon ay tanaw ko ang school grounds. Para if ever na may mga games doon, madali kong makikita. Nilingon ko ulit si Miss Faustine at tumango bilang pagsang-ayon. "Good to know that. Mr. Vergara, alam kong bago ka lang dito at ito ang magiging first day mo pero may hihilingin rin sana akong malaking pabor sa 'yo. Sabihin nalang natin na parte rin 'yon ng trabaho mo." "Ano po ba 'yon, Ma'am?" "Wala na kasi akong ibang mapagbilinan no'n since halos lahat ng co-teachers natin sa subject na ito ay occupied na at ang ilan ay may designated positions na. Naka-maternity leave kasi si Mrs. Jessica, 'yong head sa chess club. Gusto ko sana, kung ayos lang naman sa 'yo, ikaw na muna ang mag-take charge sa club." aniya. Hindi ko namang maiwasang mapangiti. "Kung hindi naman po magiging problema 'yon sa ibang teachers dito, eh 'di, ayos lang po sa 'kin." "Not a problem at all. To be honest, sila pa nga ang may gusto na ibigay sa 'yo 'yong trabaho. They do believe in your abilities. Kaya nga, na-promote ka 'di ba?" "Naku, huwag po masyadong umasa sa 'kin. I'm still open to learn and experience something new. But then, nagpapa-salamat po ako sa tiwalang ibinigay niyo sa 'kin at ipinagka-tiwala niyo sa 'kin 'yong trabahong ito." I humbly said. Nakipagkamay rin siya sa 'kin at nagpa-salamat sa pagtanggap ko sa inalok niya sa 'kin. Inabot na rin niya sa 'kin ang isang brown envelope na naglalaman ng schedules at masterlist ng mga Grade 5 students na tuturuan ko. Nagpaalam na rin ako sa kanya matapos sabihin na p'wede na daw akong maghanda para sa una kong klase. I checked my schedule and to found out that, after break pa ang magiging first class ko. I still have time to explore this school. Lumabas ako sa silid dala ang bagpack ko at nagsimulang maglakad-lakad muna. Ang dami kong nakakasalubong na estudyante at ang ilan ay hindi ako nagawang batiin. Siguro nga, dahil hindi naman nila ako kilala at hindi nila alam na teacher na ako dito. White long sleeves, black slacks at black shoes. Semi-formal or corporate attire. Sino bang mag-aakalang teacher ako dito? Kung ibang tao nga lang siguro ako, iisipin kong isa akong sales agent na nag-aalok ng insurance. Nakakatawa lang. Napadpad ako dito sa school canteen kaya naisipan ko na ring bumili ng makakain. Sa paglalakad ko, hindi ko napansin ang batang nabunggo ko at natapon ang chocolate shake niya sa sapatos ko. Nagkatinginan naman ang tatlong bata at sinimulang tuksuhin 'yong batang nakatapon sa sapatos ko. Mukhang nag-panic 'yong bata. Kaagad siyang pumilas ng papel sa notebook niya at akmang pupunasan ang natapos na shake sa sapatos ko pero pinigilan ko siya. Bigla namang tumakbo ang dalawang batang kasama niya. Akala siguro nila, papagalitan ko sila. Kinuha ko mula sa kamay ng bata 'yong papel at ako na ang nagpunas. "S-sorry po, S-sir. H-hindi po kasi ako tummitingin sa dinadaanan ko." he utterly said. Nang matapos kong punasan ang sapatos ko, ibinato ko papasok sa basurahan 'yong papel. Shoot! Hinarap ko 'yong bata at nakatingin lang siya sa 'kin. He look scared. Tinapik ko ang ulo niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Don't be scared. Hindi naman kita papagalitan, eh. And besides, you don't have to say sorry. Aksidente ang nangyari at hindi tayo nakatingin sa dinadaanan natin. Kaya next time, parehas na tayong titingin sa dinadaanan natin, okay?" "Hindi mo po talaga ako papagalitan? Hindi mo po ako dadalhin sa guidance office? Hindi mo po ipapatawag 'yong parent ko?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Mukhang nakot nga talaga siya. "Of course not. I told you, it was an accident. You have nothing to worry about. Wala lang sa 'kin 'yon. Halika, sama ka sa 'kin," tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko ng kalebel niya. Inalok ko ang kamay ko sa kanya pero hindi niya hinawakan. "You are really scared at me, aren't you?" "Sabi po kasi ni Mama, huwag daw po ako sasamasa hindi ko kilala. Hindi naman po kita kilala, eh." He has a point. Nasapo ko tuloy ang ulo ko dahil do'n. Ang tanga mo, Kenzo! Bata nga pala siya at hindi sasama ng basta-basta. Bumaba ulit ako ng kalebel niya at hinarap siya. "Sorry, my bad. I'm a new teacher here and I won't hurt a kid like you. Harmless ako. Sige ka, magagalit ako kapag hindi ka sumama sa 'kin." pagbibiro ko sa kanya. Inalok ko ulit sa kanya ang kamay ko and this time, hinawakan na niya ito. Tumayo na ulit ako at naglakad kami papunta sa stall kung saan may nagtitinda ng shakes. Pinapili ko siya kung ano ang gusto niyang flavor kapalit no'ng natapon niyang shake. Ayaw pa nga niya sana pumili dahil sabi na naman daw ng mama niya, huwag tatanggap ng kahit ano sa hindi niya kilala pero napilit ko rin siya kalaunan at pinili ang chocolate shake. Buili ako ng dalawa para tig-isa kami. Inabot ko sa kanya ang shake na para sa kanya at hinila ulit siya papunta sa burger stand. Wala rin naman siyang nagawa kaya sumunod nalang ulit siya. Ako ang pumili ng kakainin niya at nang matapos na 'yong maluto ay kaagad kong binigay sa kanya 'yon. "You may go now. Treat ko na sa 'yo 'yan and I'm really sorry if you find me really scary. Sorry if I scared you. Baka ma-late ka sa next class mo." He gave me a candied smile. "Thank you po dito and sorry po ulit kasi natapon 'yong shake ko sa shoes niyo. I'll be more careful next time. Thank you po ulit dito." Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad. Wala pa siya sa kalayuan ng biglang may malaglag na papel na nakaipit sa notebook niya. Kaagad kong pinulot 'yon at tinignan kung nao ba 'yon. Registration form sa chess club. Mukhang kakukuha niya lang nito dahil first name pa lang ang information na nakalagay do'n. "Jude," tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at naglakad pabalik sa 'kin. "Bakit po?" Kinuha ko ang notebook na naka-ipit sa kili-kili niya at inipit ulit do'n ang registration form. "So, you're joining chess club?" tumango naman siya bilang tugon. "Great. Then, we will see each other more often. See you later. Go back to your class?" "Really? Na-e-excite na po ako kasi ito po 'yong first club na sasalihan ko. See you later po. Thank you po ulit." Naglakad na ulit siya palabas. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makita kong nakalabas na siya ng pintuan. Natutuwa ako sa batang 'yon. Naaalala ko sa kanya 'yong kabataan ko. Napaka-pleasant niya sa paningin ko. Looking forward sa susunod at sa marami pa naming pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD