Kenzo Vergara
Dismissal time at katatapos lang rin ng huling klase ko. Iniwan ko na muna sa table ko 'yong bag na dala ko at nagtungo na muna sa canteen para bumili ng makakain ko for lunch. Mayroon pa akong one and a half hour para maghanda bago ako pumunta sa chess club for my first meeting with the club members. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala 'yong excitement na nararamdaman ko nang ibigay at ipagkatiwala sa 'kin ang trabahong ito.
Nasa canteen na ako at namimili ng kakainin ko nang may biglang babaeng dumating sa tabi ko. Base sa suot niya, co-teacher ko rin siya dito. Yumuko ako bilang paggalang sa presensya niya at tumingin na ulit ng makakain ko. Nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng bigla siyang magsalita kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
"So, you're Kenzo, Kenzo Vergara. The new MSEP teacher and acting head ng chess club," she stated. Tummango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya. "The rumors are right. You're not just an amazing teacher, but you're also a good looking educator."
"T-thank you." I utterly said. 'Yon nalang ang nasabi ko at tumingin na ulit ako ng kakainin ko. Nasanay na rin siguro ako na ganoon ang madalas na sabihin ng tao sa 'kin.
"By the way, I'm Dianne Enriquez, Science teacher. Would you mind me joining you for lunch?"
Nabaling ulit ang atensyon ko sa kanya. She was smiling at me and waiting for me to answer her request. Hindi ko alam kung parte ba 'yon ng pagpapakilala niya sa 'kin or if she has to something. Hindi lang kasi komportable para sa 'kin 'yong ganoon. Iba talaga ang dating. May mga kilala akong ganyan pero ayoko muna mag-conclude. Baka mali ang interpretation ko, pwede ring tama. Hindi ko malalaman kung hindi ko aalamin. Baka kasi, ganoon lang siya mag-approach sa mga baguhang tulad ko.
Nahiya naman akong tanggihan ang offer niya kaya pumayag nalang ako na samahan niya akong kumain. Sabay na kaming bumili ng makakain namin at naupo sa kalapit na mesa. Nagtaka pa nga siya kung bakit 'yong tortang talong ang pinili ko sa dami daw ng masarap na ulam. Hindi ko nalang pinansin ang tanong niyang 'yon at kumain nalang. Hindi ko magawang sabihin na hindi naman ako mapili sa kinakain ko, na kahit tuyo o itlog na pula pa 'yan, kakainin ko. Baka ma-offend siya at isipin niyang iniisip kong maarte siya. though... nevermind.
"Alam mo ba na dito sa school, may monthly celebration ang bawat subject department. Pero mas inaabangan ng lahat 'yong foundation day dito. Kahit kaming mga teachers, required na sumali sa mga activities. Talking about equality. Did you know that, there is also a school pageant for the teachers here? And guess what? I'm a title holder for three consecutive years!" she stated full of vigor.
"Really? That's great," matipid kong tugon sa kanya at itinuloy na ang pagkain.
Itinuloy niya ang pagku-kuwento habang ako naman ay tumatango nalang na kunwari, naiintindihan ko. Madalas niyang i-angat ang sarili niya sa bawat kwento niya. Hindi sa ayokong makinig kay Dianne, pero kasi, ang dami pang pagkakataon para malaman ko ang lahat ng 'yon, hindi rin siya kayang i-absorb ng utak ko ng sabay-sabay. Hindi talaga ako komportable sa paraan niya kung paano niya ako i-accomodate as a new teacher here. Ang odd lang kasi.
Matapos naming kumain, naglakad na kami pabalik sa mga pupuntahan namin. Babalik na muna ako sa department namin since may oras pa naman ako para makapag-pahinga at maghanda bago ako tumuloy sa chess club. Papasok na sana ako sa department namin dahil mauuna 'yong madadaanan bago ang Science department nang bigla niyang hilain ang braso ko kaya natigilan ako.
"Type in your number here." saad niya at pilit na inaabot sa 'kin ang cellphone niya.
"For what?" I asked
"Just in case you needed my number and if you needed something, you can ask me. Ters and policy, history, background and everything about this school, pwede ong itanong sa 'kin."
"Thank you for your concern, Dianne, but, no thanks. Kaya ko nang gawin mag-isa 'yon. Anyway, salamat sa pagsama mo sa 'kin. Mauuna na ako sa loob. ay kailangan pa akong asikasuhin."
Hindi ko na siya nahintay magsalita at pumasok na ako sa loob ng department. Baka kasi, ipilit pa niya na i-type ko ang cellphone number ko sa phone niya, which is, hindi ko ugaling gawin lalo na kung hindi kailangan. Malinaw na sa 'kin ang lahat pero as much as possible, ayoko nang isipin 'yon at gagawin ko nalang ang lahat para ipaintindi sa kanya kung ano ang gusto kong mangyari. Not in a mean and offensive way but in a way that she'll understand what I'm implying at.
Kinuha ko na muna ang masterlist ng mga estudyante ko sa brown envelope na binigay sa 'kin kanina ni Ms. Park. Tinignan ko ang mga listahan at ang daming pangalang kailangang isulat sa class record ko. Simulan ko nalang kaya 'to? Oo, ito nalang nga siguro ang gagawin ko habang naghihintay.
———★———
Nasa chess club na ako at nakikipag-usap sa mga elected officers habang ang ilang members ay nakatutok sa mga chess boards nila. Pinag-uusapan namin ang rules na implemented dito sa club since bago lang ako at walang ideya kung paano papatakbuhin itong club. Pero dahil tinanggap ko 'tong trabahong ito, paninindigan ko ito at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapatakbo ito ng maayos. It was a big responsiiblity, indeed, yet, a very exciting job to be accomplished.
"Sir, may hinahanap po ba kayo?" tanong ni Elijah, president nitong chess club.
Huminto ako sa paghahanap sa buong silid at hinarap siya. "I was looking for Jude. Wala pa ba siya?"
"'Yong Grade 1 student po ba?" tanong naan ni Renna, treasurer nitong club. Tumango naman ako bilang tugon sa kanya. "Bagong member pa lang po kasi siya, hindi rin siguro alam kung ano ang oras kaya na-late. Pero, nakita ko na po siya kanina sa canteen, pinapakain ata ng ate niya sa canteen." pagpapatuloy niya.
Tumango nalang ako ulit at nagpasalamat sa kanila. Itinuloy nalang namin ulit ang discussion tungkol sa mga nangyari sa club sa mga susunod na araw o buwan, sa mga gusto kong mangyari habang ako pa ang acting head sa club, sa mga unit meets or school competitions at sa kung ano-ano pang bagay na related sa club. ay mga suggestion rin silang sinasabi pero iilan lang ang napagkasunduan ng lahat. 'yong iba naman, gusto muna nilang pag-usapan at tignan muna kung ano ang posibleng outcome no'n kapag ginawa nila 'yon. Pero for now, gusto na muna nilang mag-focus sa pagre-recruit ng mga bagong members.
Nanunuod ako ng match ng dalawang members ng biglang may kumatok sa pinto. Nabaling ang atensyon naming lahat sa pinto at natanaw namin ang isang batang lalaki na naka-blue shirt. It was Jude. Nakatayo lang siya sa labas at ukhang naghihintay na papasukin siya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kanya.
"You're late," sabi ko.
Napayuko siya ng kaunti. "S-sorry po. Si Ate Jericka po kasi, eh. Ayaw niya po kasi ako paalisin kapag hindi ko daw po inubos 'yong baon ko." he sadly said.
Mukha ba talaga akong nakakatakot sa paningin niya kaya siya biglang nagkaka-ganoon? Parang gusto kong matawa. Hindi ko intensyong takutin siya pero ganoon ang naiisip niya. Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. Tiningala naman niya ako at nginitian ko siya. "You don't have to defend yourself, it's okay. Tama rin naman si Ate mo kasi bad nga 'yong hindi inuubos 'yong pagkain. Ako nga rin kanina, na-late dito kasi akala ko, 2:30PM ang start, 'yon pala, after dismissal dapat nandito na. Kumain rin kasi ako kaya na-late ako."
"Talaga po?"
"Oo. Sabi nila, may punishment daw dito kapag late comer ka, pero dahil bago daw ako, next time nalang daw. Ikaw, bagong member ka rin naman kaya, next time nalang rin 'yong punishment mo. Pero sa susunod, hindi na tayo p'wedeng ma-late, okay?" tanong ko. Tumango naman siya at nginitian na ako. That smile, tho. "Magaling ka bang mag-chess?" I asked.
Umiling naman siya. "Hindi po pero marunong ako. Tinuruan po kasi ako ni Tito Mark saka sabi po ni Mama, genetic na daw po sa 'min 'yon."
"I see. Ganito nalang, let's test your skill. Labanan mo ako." panghahamon ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Baka matalo po ako. Baka hindi niyo po ako tanggapin dito sa club." he said.
Nagdadalawang isip pa nga siya kung lalabanan niya ako dahil baka matalo daw siya at hindi ko siya tanggapin dito sa club. Hindi ko naan mapigilang mapangiti dahil sa pagiging exaggerated niya. Ang cute lang. Sinabihan ko siyang parang try-out lang ang gagawin namin at wala akong planong tanggalin siya. Kumalma naman siya at sinabing gagawin niya ang lahat para mag-enjoy daw ako sa pakikipag-laro sa kanya. Nakakatuwang bata. Hindi niya naisip na talunin ako, instead, mas inisip pa niya na dapat mag-enjoy ako sa pakikipaglaro sa kanya.
Pinaupo ko na siya sa isang bakanteng table habang ako naman ay kinuha na muna ang mga chess pieces mula sa isang box. Inilapag ko sa harapan ang mga pyesa at pinapili siya kung anong kulay ang kanya. Black ang napili niya kaya ako ang unang titira. Kinuha na niya ang mga chess pieces niya at tinignan ko kung paano niya iset-up ang mga ito. Mula sa mga pawns, sa mga rooks, knights, bishops, king and queen, lahat, nailagay niya sa tamang posisyon. Marunong nga talaga siya.
Nang matapos na ako sa pagse-set up ng akin, itinira ko na kaagad ang pawn na nasa harap ng isang bishop ko. Hindi naman siya nagsayang ng oras at tumira rin kaagad gait ang isa niyang knight. Na-amazed ako kahit papaano sa move niyang 'yon. Kung ibang bata siguro 'yon, una nilang ipantitira ang mga pawns nila, pero siya, 'yong knight talaga ang una niyang tinira. Pinatutunayan nga niyang marunong siyang maglaro at pinaninindigan niya ang sinabi niyang mag-e-enjoy ako sa pakikipaglaro sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto at mas marami na ang nanunuod sa 'ming dalawa. 'Yong iba, hininto na ang paglalaro para manuod sa 'min. Marami na rin kaming naitira at marami-rami na rin akong nakain mula sa kanya. Nagfocus ako sa kung paano ko siya iche-checkmate at nang wala na siyang maitira. Ako na nag titira at inilagay ko na ang queen piece ko sa pwesto nito para siguradong panalo na ako.
"Checkmate," naka-ngiting sabi ko sa kanya. Sure win na ako dahil sa tira kong ito, siniguro kong wala nang maigagalaw ang king piece niya.
Isang square lang ang kayang igalaw ng king ayon sa rules pero unlike pawn na isang square at diretso lang ang tira nito, kahit saan mo pwedeng ilagay ang king basta ba, isang square lang mula sa point of origin nito. Yon ang advantage ng king sa larong ito, magagawa niyang lumusot sa lahat ng squares dito. Pero sa sitwasyon ngayon, siniguro kong hindi magagamit ng king piece ni Jude ang advantage na 'yon. Mula sa point of origin ng king piece ni Jude, kapag humakbang ito ng one square to the left, makakain siya ng kalalagay ko lang na queen. If he move it one square forward, makakain naman siya ng bishop ko. Kung one square to the upper right naman, nag-aabang doon ang isang horse ko. Kung one square to the right, hindi siya makakatira dahil nandoon pa rin ang queen piece niya. Wala na talaga siyang maititira. Wala ng lusot ang king piece niya sa pagkakataong ito. Hindi naman niya pwedeng igalaw one step backward ang pawn niya para harangan ang queen piece ko dahil bawal 'yon ayon sa rules. This is a sure win.
Ni-relax ko na ang pagkaka-upo ko at isinandal ang likuran ko sa upuan. "Any move, Jude? Wala ng maigagalaw ang king mo. I won."
"Oo nga po. Wala na pong maigagalaw ang king ko," napangiti naman ako sa sinabi niya, dahil tanggap niya ang pagkatalo niya. Ililigpit ko na sana ang mga ches pieces sa side ko ng magulat ako ng iginalaw niya bigla ang rook niya at kinain ang queen piece ko na isa sa mga nagbabantay sa king piece niya. "Pero 'yong ibang chess pieces ko po, pwede pa po gumalaw. Ikaw na po ang titira." pagpapatuloy niya. Bigla naman siyang ngumiti na parang ang ibig sabihin ay hindi ko siya mauutakan.
I was shocked, amazed at the same time. Hindi ko napansin ang rook piece niya. Halos mapanganga ako sa galaw na 'yon, dahil akala ko, sure win na ako. Hindi pa pala. Masyado akong nag-focus sa king piece niya at hindi ko namalayan na may butas pala ang plano ko. Masyadong natuon ang atensyon ko sa isang bagay na hindi ko na naisip ang ibang bagay na posibleng makapagpabago sa takbo ng lahat. Kagaya nga ng sinabi ni Jude, maaaring ang king piece niya ay hindi na makakagalaw pero ang mga pyesa nito na nasa paligid, pwede pa. A something I learned from Jude.
Katulad ko, batid sa mukha ng mga estudyanteng nanunuod sa 'min ang pagka-mangha. May mga nagbubulungan at 'yong iba, napapalakpak pa. halos lahat siguro sila, napabilib ni Jude. Nahiya ako bigla dahil ang yabang ng dating ko kanina. Akala ko talaga, mananalo na ako dahil sa plano kung 'yon, hindi pa pala. At ang masaklap pa doon, ang queen piece ko pa ang nakain niya. Blunder. It was an honest mistake, hindi ako anging observant kaya nagka-ganoon.
Hindi pa naman tapos ang laban namin kaya itinuloy na namin ang pagtira. Pero hindi tulad ng inasal ko kanina, naging mas observant ako sa paglalaro. Mahirap na, baka doon pa ako matalo. Habang lumilipas ang oras, unti-unti nang nalalagas ang mga chess pieces namin. Ako ang lamang sa laban namin hanggang sa ako na ang nanalo. Nagawa ko nang bawiin ang queen ko matapos makarating ng isang pawn ko sa teritoryo niya matapos ang ilang tira. Pero that time, siniguro kong hindi na niya makakain 'yon at mananalo na ako.
Natapos ang laban namin na ako ang nanalo. It was a great game at nag-enjoy talaga ako ng sobra kagaya ng siniguro niya sa 'kin. Si Jude daw ang isa sa pinakabatang member dito sa club at magiging masakit para sa 'kin na ang isang batang katulad niya ang makakatalo nalang sa 'kin. Pero kahit ganoon, natutuwa ako sa kanya dahil may laban naman talaga siya sa 'kin. Kaunting practice nalang siguro, magagawa na niyang manalo. Magiging madali nalang para sa kanya 'yon dahil may mga qualities na siya; attentive, observant, seryoso, nandoon rin ang dedication niya sa paglalaro at 'yong magaling siyang mag-formulate ng mga strategies. Practice makes everything perfect. Besides, bata pa naman siya. Marami pang lilipas na taon and by that time, mas magaling na siya.
Nang mailigpit na namin ang chess pieces, pinakilala ko na si Jude sa ilang members including the officers since na-late rin siya kanina. Masaya naman niyang binati ang bawat isa sa kanila.
"Since nakilala mo na silang lahat, ako naman. Kagaya ng sinabi ko kanina sa 'yo sa canteen, new teacher ako dito at ako ang acting head ng chess club. Ako si ---"
"Siya ang Daddy mo!" biglang nasambit ni Renna kaya hindi ako natapos sa pagpapakilala ko. Napalingon naman ako at ang ilang members sa kanya. "I mean, Daddy nating lahat. Kasi 'di ba, nanay ang tawag natin kay Mrs. Jessica? Kasi nga, parang anak na daw niya tayo. Naisip ko lang na, Daddy nalang natin si Sir. Kung ayos lang naman 'yon sa kanya." pagpapatuloy nito.
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit 'Nanay Jessica' ang tawag ng ilan sa kanila. Kasi nga naman, parang isang pamilya na rin kung tutuusin itong club. At nakakatuwa kung ganoon nga ang samahan nila dito.
Sumang-ayon naman silang lahat sa suhestiyon ni Renna. Wala naman na akong magagawa dahil halos lahat sila, ganoon na ang gustong mangyari. "Okay. From now on, you'll call me 'Dad' or 'Daddy', bahala na kayo. Pero sana, kahit ganoon na ang tawag niyo sa 'kin, huwag niyong kalilimutan na teacher pa rin ako. Makikipagkulitan ako sa inyo minsan, minsan naman, strict rin. Understood?"
Pumayag naman silang lahat at naiintindihan naman daw nila kung ano ang gusto kong iparating. Napangiti nalang ako at hinayaan na silang mag-usap usap> Bumalik naman na ang iba sa harapan ng mga chess boards at nakipaglaro.
"Dad," biglang tawag sa 'kin ni Jude.
Jude calling me Dad gives me jitter. Kakaiba sa pakiramdam, na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Nilingon ko siya at nakatingin lang siya sa 'kin. "Bakit?"
"Wala lang po." then he gave me a candied smile.
That smile gives me jitter once again. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman 'yon. Kakaiba talaga sa pakiramdam.