Kenzo Vergara Halos isang oras bago ako makarating ng bahay at sumasakit pa rin ang ulo ko. Binuksan ko kaagad ang pintuan at nagtungo kaagad sa kusina para kunin ang medicine kit at naghanap ng pain killer o gamit sa sakit ng ulo. Hindi naman kaagad nawala ang sakit pero ininda ko nalang. Parang binibiyak sa dalawa ang ulo ko sa sakit. Matagal na panahon nang huli akong uminom ng alak at hindi ko alam na magiging ganito ang epekto sa 'kin. Pagod, alak, overthinking, hindi ko alam. Madilim na ang buong bahay kaya nasisiguro kong tulog na nga si Krisler. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto namin at inilapag ang bag ko sa mesa. Kaagad rin naman akong nagpalit ng damit ko at umakyat sa taas ng double deck kung saan ako natutulog. Sinusubukan kong matulog na sa kabila ng sakit na nararamdam

