Kenzo Vergara Matapos ang tryout ng mga estudyante sa chess club, isinara ko na ang pintuan at bumalik muna sa department namin para makapag-paalam sa mga kasamahan ko. Matapos no'n, nagtungo na ko sa principal's office para makapagtime-out. Doon ko ring naabutang naghihintay ang ilan sa mga co-teachers ko kasama si Dianne. "Ready na ba kayo? Tara na! Para makarami tayo." saad ni Sir Mikhail, 'yong birthday celebrant at nagtawanan naman ang ibang kasamahan namin sa biro niya. Dahil wala na rin akong choice at mukhang isa rin ako sa hinihintay nila, sasama na ako. Sabay-sabay na kaming naglakad sa nirentahan daw niyang sasakyan. Nauna nang pumasok ang ilang teachers na mas matanda sa'min at nahuli kami dahilan para sa likuran kami maupo. Naunang umakyat si Dianne, sumunod ako at si Mrs.

