Kate Evangelista
Kinagabihan ilang oras matapos kaming ihatid ni Mark sa bahay, hinuhugasan ko ang ilang pinagkainan namin habang si Jude ay nasa sala, nanunuod ng cartoons. Wala naman daw siyang assignments kasi natapos na daw nila ng so-called Dad niya sa school at hindi pa naman daw siya inaantok. I wonder where do he get his energy after what happened, sabuong araw niya sa school at sa pagba-bonding namin nila Mark kanina sa mall. Hindi pa siya napapagod? He still have classes tomorrow. Binilisan ko nalang ang paghuhugas para makatulog na rin kami.
Kanina, tinext ko rin si Mark at tinanong kung nakauwi na ba siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako ni-reply-an. I asked him if he's okay, ayos lang naman daw siya. Nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko alam kung apektado pa rin siya sa sinabi ko kanina. It wasn't my intention to hurt his feelings. Baka ma-misinterpret niya ang mga sinabi ko. Sinabi ko lang naman kung ano ang nararamdaman ko. Maybe he's right. Our four years relationship is enough para patunayan ang kapasidad naming magpakasal. We've been through a lot of struggles, we faced a lot of circumstances, yet, we are still standing and proving them that our love is worth fighting for. Sapat na dahilan na 'yon para magpatuloy kami. Wala namang problema kay Mark, ako lang talaga.
Hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Sa long term commitment. Totoo 'yong sinabi ko sa kanya na gusto ko munang enjoy-in kung ano ang mayroon kami ngayon. Ang dami ko pang gustong gawin na baka hindi ko na magawa kapag nasa ganoong estado na kami kung sakali ni Mark. Though, alam pagbibigyan ako roon ni Mark kung sakali. Pero magiging unfair rin 'yon sa kanya at baka isipin ng iba, sunod-sunuran siya sa mga gusto kong mangyari. Everything else in marriage is transitory. Ang daming mga bagay ang dapat i-consider para maging handa.
Matapos kong malinis ang kusina, tinawag ko na si Jude para makapagpalit ng pantulog. He turned off the television and headed to me. Kinuya ko 'yong nakahanda niyang pajamas at pinalitan siya. After that, I asked him to stay in our bed while I'm having my half bath. Sinabihan ko na siyang matulog na kung inaantok siya pero hihintayin nalang daw niya ako.
Pagkatapos kong maligo, naabutan ko si Jude sa kama namin at naglalaro sa cellphone ko. Isinampay ko 'yong towel na ginamit ko at tinabihan na siya. Itinabi na rin niya 'yong cellphone at nahiga na.
Niyakap ko siya at hinila palapit sa 'kin. Niyakap niya rin ako pabalik. "How's your day, Jude? Hindi ka pa nagku-kuwento kay Mama."
"Masaya naman po, Mama. Nakakuha po ako ng mataas na score sa quiz sa Filipino, tapos sa chess club po, nakakuha ako ng isang gold star kasi natalo ko si Ate Felicesca. Kapag daw po nakakuha kami ng twenty stars, ililibre daw po kami ni Dad ng kahit anong gusto namin. Tinulungan na rin po kami ni Dad sa assignments namin kanina tapos binunutan niya po kami ng sisiw. Mama, ang galing po ni Dad nang mga invisible na symbols. Parang magic po!" na-a-amazed na sabi niya.
Hindi maipinta ang ngiti sa mukha ni Jude. Parang inaalala niya 'yong nangyari kanina sa so-called Dad niya. Bigla siyang napapangiti. A smile grazes his feature, genuinely smiles, even wider. He's really into him. May mga araw nga minsan na wala siyang ibang naging bukambibig kundi 'yong so-called Dad niya at 'yong mga mini adventure niya. Sobrang lapit ng loob ni Jude sa kanya, sobrang komportable ng anak ko sa kanya at nagiging masaya rin siya. My son is gaining a different kind of experience. As far as I'm concern with my son, kung saan siya nagiging masaya, susuportahan ko siya. Wala naman akong nakikitang mali doon.
"Mama," he called. He stared at my eyes intently. Ang seryoso ng mukha niya. I patted his head and combed his hair using my fingers. "Mama, si Papa po ba, marunong ring manghula ng invisible na symbols? Marunong din po ba si Papa mag-chess? Nasaan po ba si Papa?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Madalang lang siyang magtanong tungkol sa Papa niya at hindi ako masyadong nagku-kwento. I just can't. Alam ko namang karapatan 'yon ni Jude na malaman ang tungkol sa totoong Papa niya, pero kasi, may pinangangalagaan ako. Hindi pa marahil maiintindihan sa ngayon ni Jude 'yon, pero kasi, hindi na rin niya kailangab pang malaman ang tungkol doon. Besides, we're happy for the kind of life we have. Simpke lang pero masaya. Nandiyan si Mark, sila Jericka, 'yong mga kaibugan namin. Kuntento na ako sa buhay na mayroon kami.
I bump our foreheads together, keeping the eye contact. "Jude, sinabi ko na sa 'yo dati ang dahilan."
"Pero bakit nga po tayo iniwan ni Papa? Hindi niya po ba tayo love? Hindi ka po ba love ni Papa?"
"Jude, aren't you happy with Mama? Masaya naman tayo kahit tayong dalawa lang, 'di ba? Nandiyan rin naman si Tito Mark mo. Aren't we enough for you?"
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nakikita ko sa mga mata niya na parang bigla siyang nakaramdam ng lungkot. He seemed disappointed. He was expecting for an apparent answer. Hindi niya kailangan sabihin sa 'kin dahil nararamdaman ko 'yon. "Masaya naman po, Mama. It's just that, I still want to meet my real Papa. Buti nga po nandiyan si Tito Mark saka si Dad. Kahit papaano po, hindi ko po masyadong hinahanap si Papa. Good night na po, Mama."
Jude pressed a soft kiss to my lips and he closed his eyes. I pulled him closer and wrapped him in a hug. I brushed my lips against his forehead. Nalulungkot rin ako dahil ganoon ang nararamdaman ng anak ko. It wasn't my intention to make him feel sad, feel bereavement. Can he just accept the mere fact that we have a new life and we can live with it? Matanggap niya sana na mukhang imposibleng mabuo na pamilya namin. Masakit, sobrang sakit para sa 'kin pero tinanggap ko rin. It's a sad reality. May mga bagay talaga na dapat mas binibigyang importansya. There is always an option, but unfortunately...
I'm not his option.