[8] Assurance

1463 Words
Mark Mendoza  Kailangan ko muna sigurong makapag-isip ng maayos at kailangan ko rin ng makaka-usap. Day-off ko naman at bukas pa ng gabi ang pasok ko, ayos lang naman siguro kung iinom ako paminsan-minsan. Hindi naman ganoon kataas ang alcohol tolerance ko kaya, kaya ko namang i-manage  ang sarili ko.  Halos isang oras bago ako makarating sa San Antonio Village kung nasaan ang bar na pinapasukan ng kaibigan ko. Pinarada ko ang kotse ko at pumasok na kaagad sa loob.  Biyernes ng gabi ngayon at expected ko nang maraming tao talaga dito. Biyernes at Sabado ng gabi kadalasang maraming tao ang nga bar dito dahil sa mga araw na iyon, natatapos ang isang linggong pagta-trabaho nila. Mga wala ng pasok kinabukasan kaya they can spend their whole night drinking high dosage of alcohol drinks, without thinking about their jobs. Magapapakasaya kapalit ng  isang linggong pagod na naramdaman nila. Katulad ko rin, sa ganitong paraan rin sila makakapag-isip-isip.  May banda nang tumutugtog pagpasok ko at halos wala nang maupuan sa dami nang tao. Mabuti nalang at may nakita akong lalaki na tumayo mula sa upuan niya na malapit sa counter kung saan ako madalas maupo. Nang masiguro kong hindi na babalik 'yong lalaki, kaagad akong naglakad palapit doon at naupo.  "Oh, Mark. Napadaan ka ata? Ano ang order mo?" tanong ni Alex sa 'kin. Siya 'yong kaibigan kong nagta-trabaho dito. Working as an all around service crew. Bartender, waiter, minsan kitchen staff. Kaibigan ko since high school.  "Bigyan mo nalang ako ng whisky at saka... fries."  Tinignan naman niya ako ng masama at inilapag ang isang bote sa harapan ko. "Baka gusto mong basagin ko 'tong bote sa mukha mo, Mark? Seriously? Whisky tapos fries? Sira-ulo ka ba?"  "Basta bigyan mo nalang ako. Kakakain ko lang rin naman, mamaya na ako oorder."  "Ang weird mo rin minsan. Hintayin mo nalang dito." Hinintay ko nalang bumalik si Alex habang tinuon ko naman ang buong atensyon ko sa bandang tumutugtog. Ininom ko na rin ang whisky na in-order ko.   May babaeng naupo sa kanan ko at um-order rin ng inumin na tulad nang sa 'kin. Humarap siya sa 'kin at nginitian ako. I smiled at her in return and took a sip at my drink. Inilapit pa niya ng kaunti ang kanyang upuan sa 'kin habang ako naman ay umupo ng diretso.   "Hi. Wala ka bang kasama? If you needed someone to talk to, I'm here. Kung may problema ka rin, pwede mo rin akong sabihan. If you want to feel loved, I'm here," hinaplos niya ang mukha ko pababa sa  braso ko. "I'm Alyssa, by the way. And you are?" she asked. She smiled at me seductively and offered her hand for a handshake.  "Thank you for your concern, miss, but, may kasama ako. Nandoon lang siya," may tinuro ako sa gitna ng dancing floor at lumingon naman siya do'n. Kumaway naman ako sa kahit sinong nandoon at may kumaway naman pabalik sa 'kin. Hindi ko kilala kung sino 'yon, pero salamat sa kanya. Lumingon pabalik sa 'kin 'yong babae at nginitian ako. "See? I don't need companion. And besides, I don't need to feel to be loved, not the type of love you want me to feel at this moment. May nagmamahal sa  'kin." sabi ko sa kanya.  Napangiti nalang siya sa 'kin at ininom ng isang lagukan ang inumin niya. Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo niya at naglakad palayo sa 'kin without saying good bye. Nakita ko siyang umupo sa tabi ng ibang lalaki at napa-iling nalang ako.   Bumalik na si Alex dala ang fries na in-order ko at may kasama pang beef salpicao rice meal. Tatanggihan ko pa sana pero pinagpipilitan ni Alex na kainin ko daw at minsan lang daw siya magpakaltas sa sahod niya. Kinukonsensiya pa niya dahil naaawa daw siya sa 'kin dahil mukha daw akong gutom kaya um-order siya ng rice meal. Sinabihan ko naman kasi siya na mamaya na ulit ako kakain tapos ngayon, mag-iinaso siya? Tinawanan ko nalang siya at sinimulang kainin ng paunti-unti 'yong salpicao. Baka mag-drama pa siya na sayang ang pagkain.   Matapos niyang i-served ang isang drink sa isang customer, wala pa namang um-o-order ulit sa kanya kaya naupo siya sa harapan ko. "What brings you here? May problema ka ba?" tanong nito sa 'kin.  "Wala naman. Day-off ko at naisipan ko lang dumaan dito."   "Come on, dude! Imposibleng wala ka namang pino-problema o kahit anong bumabagabag sa 'yo. The last time I checked, pumunta ka dito kasi nag-away kayo ni Kate, 'yong araw na muntik ng mawala si Jude. Is it Kate again?" he asked inquisitively. Tinignan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.   Napasinghap ako ng malalim at ininom 'yong whisky na kasasalin niya lang sa baso ko. "Ayaw niya pa akong pakasalan."   "Baka naman kasi hindi pa ready 'yong tao, Mark. Alam mo naman ang sitwasyon. May anak na siya at gusto na muna niya i-secure ang future ng anak niya."   "Kaya ko nga siya gustong pakasalan, eh. Para matulungan ko siya. Ano pang silbi ng apat na taon naming pagsasama kung hindi rin iami magtatapos sa ganoong sitwasyon? Natatakot lang akong mawala si Kate sa 'kin. Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Kate. Paano kung bumalik ang aman ni Jude? Paano ako? Malaki ang posibilidad na mabuo ang pamilya nila. Samantalang ako, masasaktan habang pinapanuod silang masaya,"  "Ang drama mo, Mark. Ano naman ang pumasok sa isipan mo at biglang naging ganyan ang naiisip mo? Dahil ba 'yan sa hindi pa pagtanggap ni Kate sa kasal? Pero dahil nabanggit mo nalang rin ang tungkol sa ama ni Jude, natatakot kang maiwanan kang mag-isa. Ano?" tanong nito sa 'kin.   "Pareho." saad ko sa kanya.   "Pag-usapan natin 'yan mamaya. Hintayin mo lang ako dito at aasikasuhin ko muna 'yong ibang customer."   Umalis na muna si Alex sa harapan ko at naiwan ulit akong mag-isa sa counter. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi makinig nalang ulit sa bandang tumutugtog.  Wala pa naman talaga akong balak tanungin si Kate tungkol sa kasal na hinihingi ko sa kanya kanina. Dahil kung tutuusin, malaki ang kumpyansya ko sa sarili ko na kahit hindi ko siya kaagad alukin ng kasal, ako pa rin ang pipiliin niya. Pero nagsimula akong matakot kanina tungkol sa coach ni Jude na kung tawagin niya ay Dad. Ni minsan, hindi ako tinawag na ganoon ni Jude. Laging 'Tito Mark' ang tawag niya sa 'kin at nakuntento na ako sa ganoon. Pero hindi ko lubus akalain na may kaunting selos at takot akong naramdaman sa tinatawag ni Jude na Dad.   Crazy it may sound but hell knows  that losing Kate scares me. Hindi ako natatakot sa coach o sa so-called Dad ni Jude dahil alam kong imposibleng magkaroon sila ng koneksyon ni Kate, ang kinatatakot ko ay ang baka sakaling pagbabalik ng totoong ama ni Jude sa buhay nilang mag-ina. Natatakot ako na kapag dumating ang panahong bumalik at magpakita ito sa mag-ina, bumalik ang dating nararamdaman ni Kate sa kanya at baka mabuo ang pamilya nila. Natatakot ako na sa isang iglap ay mawala ang pagmamahal sa 'kin ni Kate at maging wala nalang ako sa buhay nila.   Bumalik na ulit si Alex sa puwesto niya at kumuha ng ilang bote ng alak at naglagay ng yelo sa isang bucket. "Alam mo, dude, wala ka naman dapat ikatakot kung sakaling bumalik man 'yon. Ganito ang gawin mo. Ipamukha mo sa gagong 'yon na hindi na siya kailangan nila Kate at Jude. Gamitin mong advantage 'yong tagal ng pagsasama niyo ni Kate. Ipamukha mo sa kanya 'yong mga ginawa mo ng mga panahong wala siya sa buhay nila Kate. Sabihin mong hindi niya matutumbasan ang lahat ng sakit na naramdaman ni Kate ng mga panahong wala siya sa pilng nito. Sabihin mo rin na kaya mong akuin ang responsibilidad niyang maging ama kay Jude. Ipamukha mong hindi na siya kailangan at wala na siyang babalikan. Dapat magsisi siyang nawala pa siya sa buhay ng ina at the same time, dapat magmukha siyang kaawa-awa. Ganoon ang gawin mo, dude. About sa kasal, baka nga hindi pa ready si Kate. Binigla mo naman kasi. In right tine. In right time. Assurance lang naman ang kailabgan mo, 'di ba? Darating rin 'yan. Diyan ka muna ulit at dumadami ang customer." saad nito at nagmamadaling lumabas ng counter dala ang ilang bote at bucket ng yelo.   Napatango nalang ako sa sinabi niya. Siguro nga, tama si Alex. Kailangan ko lang naman ng assurance na sa 'kin lang talaga si Kate at masyado kong minadali 'yon. Alam ko namang mahal ako ni Kate at naniniwala akong darating rin kami sa puntong iyon. Tungkol naman sa totoong ama ni Jude, tama si Alex. Dapat ko lang ipamukha sa kanya na hindi na sila ang mag-inang naiwan noon, na kaya nila mabuhay na wala ito sa kanila, na kahit sa piling ko, kaya nilang mabuhay. Kailangan ko lang paghandaan ang pagkakataong iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD