Kenzo Vergara
Break time na at hindi ko magawang makaalis sa table ko para gawin 'yong visual aid na gagamitin ko sa para sa discussion sa isa kong klase. Sa sobrang pagmamadali ko nga siguro kanina, naiwanan ko sa bahay 'yong mga nagawa ko na. Wala naman akong ibang magagawa kundi gumawa ng bago. Mahihirapan lang silang sundin ako kapag dictation ang gagawin ko at mahihirapan silang intindihan kapag ganoon nga. At saka, kailangan rin nilang magtake-down notes dahil requirement nila 'yon sa klase ko.
Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko nalang tinignan dahil for sure, isa lang 'yon sa mga co-teacher ko. Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat para makatapos ako.
Pero nahinto rin ako sa pagsusulat ng may huminto sa harapan ko. Nakasuot siya ng yellow skirt at white sweater. Pagtingala ko, napangiti nalang ako. "Jaycee!" tawag ko sa kanya.
Napangiti rin siya at inilapag ang dala niyang plastic bag sa desk ko. "Muntik na akong hindi papasukin sa gate ng school niyo, huh? At muntik na rin akong maligaw para lang makita 'tong department niyo."
"What brings you here? At wow, himala ata na nakabihis babae ka ngayon. Have a sit,"
Nanghiram na muna siya ng isang upuan mula sa isang co-teacher ko at doon naupo. "Galing ako sa job interview. Alam mo na, nag-endo na ako no'ng isang buwan at kailangan ko na rin ng pera. No choice naman ako kundi magbihis ng ganito, para alam mo na, kailangan daw nila ng pleasing personality." at natawa kami parehas sa sinabi niyang 'yon.
Inalok niya sa 'kin 'yong plastic na dala niya na naglalaman pala ng pagkain para sa 'ming dalawa. Tamang-tama lang dahil hindi nga ako makakalabas dito sa department para tapusin 'tong visual aid na ginagawa ko. Jaycee is a very good friend of mine. Nakilala ko lang siya two years ago sa pinapasukan niyang bakeshop malapit sa dati kong pinapasukang school. Sa bakeshop kasi nila ako madalas bumili ng cakes na madalas namang gamitin kapag may mga school events. Madalas rin akong bumili sa kanila kapag may special occasion sa bahay at siya ang madalas na nakatoka sa shop na 'yon kaya nagkakausap na rin kami.Hindi rin nagtagal at naging matalik kaming magkaibigan. Halos bilang lang ng kamay ang mga kaibigan kong babae dahil bihira lang ako mag-reach out sa kanila. Mas madalas kasi akong mairita o makaramdam ng discomfort kaya siguro ganoon. Pero sa kaso naman ni Jaycee, mukha siyang lalaki sa buhok niya na maiksi, medyo lalaki rin kung minsan kumilos at masarap siya kasama at magandang kausap. Kaya siguro, naging mas komportable na rin ako sa kanya. Pero kahit ganoon siya, sa umpisa pa lang ay sinabi na niyang babae daw talaga siya.
Nag-uusap lang kami ni Jaycee ng bigla na namang bumukas ang pinto at pumasok mula rito si Dianne na may dalang styropor at isang mango shake. Naglakad siya papunta sa desk ko at inilapag at dala niya sa harapan ko. "I was looking for you pero wala ka sa canteen. I assumed na nandito ka nga at I brought you food just in case na hindi ka pa kumakain." ani Dianne.
Nagkatinginan naman kami ni Jaycee at nilingon ko pabalik si Dianne. "Thank you for your efforts, Dianne, but, kumakain na kami. By the way, this Jaycee, a very good friend mine. Jaycee, this is Dianne, Science teacher dito." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
Nginitian naman siya ni Jaycee at inalok ang kamay for a hand shake pero biglang tumayo si Dianne at hinawi ang buhok. "Hi. I have to go. Napadaan lang ako para ihatid 'yong food mo. See you around."
Naglakad na palabas ng pintuan si Dianne at naiwan kami ni Jaycee na tulala. Nagkatinginan ulit kami ni Jaycee at napailing siya. "May attitude problem rin 'yong babaeng 'yon, 'no? Grabe ka talaga, Ken! Pangalawang araw mo pa lang dito tapos may babae na kaagad na humahabol sa 'yo? Paano mo ba ginagamit 'yang flaming charisma mo nang magamit ko rin sa interview ko."
"Well, 'di ko na kasalanan kung ganoong ka-effective 'yon. At saka, hindi natututunan 'yon. Natural na sa 'kin 'yon." sabay kindat pa sa kanya.
Pinalo niya sa 'kin 'yong kutsarang hawak niya at natawa nalang kami parehas.
Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang siya ng kaunti at hinatid ko na siya palabas ng gate. May interview pa daw siya ngayong hapon at napadaan lang sa school para ihatid 'yong pagkain. Nagpaalam na ako sa kanya at nag-good luck. Bumalik na ako sa department para tapusin 'yong ginagawa ko. May kaunting oras nalang ako para matapos 'yon.
-----x
Kate Evangelista
"Thank you pala sa lunch, Mark."
"You're always welcome, babe," humalik na siya sa 'kin at inabot na 'yong bag ko. "Susunduin ko kayo mamaya ni Jude. See you later."
"Okay. Mag-ingat sa pagmamaneho."
Naglakad na siya palabas ng lobby habang ako naman ay naglalakad na papunta sa elevator. Pagpunta ko palang sa elevator, may bumukas naman kaya nakapasok kaagad ako. Pipindutin ko na sana ang close button para sumara na ang elevator ng may nakita akong babaeng tila hinahabol ang pagsara nito. Kaya pinindot ko kaagad ang open button para pagbuksan siya.
"Thank you." hinihingal na sabi niya.
Parehas lang kami ng floor na bababaan kaya I assumed, applicant siya. Inaayos niya 'yong isang folder na naglalaman ata ng mga credentials niya. Hingal na hingal na para bang sobrang nagmamadali talaga siya at parang may humahabol sa kanya. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa dumating na kami sa floor na pareho naming bababaan. Isinara niya ang folder niya at sinuklay ng kaunti ang kanyang buhok. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng elevator, humakbang na kaagad siya palabas at mabilis na naglakad. Sa sobrang bilis ng paglalakad niya, hindi niya napansing may nalaglag mula sa folder niya kaya binilisan ko rin ang paglalakad ko at kinuha 'yon.
"Miss Jaycee!" tawag ko sa kanya. Pinakita ko sa kanya 'yong ID niya na nalaglag kaya naglakad siya pabalik sa 'kin. "Applicant?" I asked.
She nodded her head as an approval. Kinuha niya 'yong ID niya sa 'kin at inipit ulit sa folder niya. "Sorry. Nagmamadali kasi ako, baka ma-late ako sa interview ko ngayon."
"Calm down, Miss. Hindi pa naman tapos ang lunch break and for sure, wala pa rin 'yong mag-i-interview sa 'yo. Well, I assumed. But seriously, you have to calm down, relax. Baka sa pagmamadali mo, malito ka sa mga isasagot mo sa interview. May oras ka pa para ayusin 'yong sarili mo. Nandoon ang wash room. Hindi mo kailangang mag-madali." tinuro ko kung nasaan ang wash room at hinarap ulit siya.
She sighed in relief. "Maraming salamat talaga at pasensya na. Empleyado ka dito?" she asked. I nodded my head as an approval. "Wow. Sana, ito na ang huling a-apply-an ko. Balita ko kasi, maganda ang mga offer na trabaho nila dito. Just in case na matanggap ako, I am looking forward to work with you."
I smiled in return. "Good luck, then. I am looking forward, too. See you tomorrow?"
"Magdilang anghel ka sana. Sige, pupunta na muna ako sa wash room. Ang haggard na nang face ko."
Natawa nalang kami pareho at naghiwalay na kami ng dadaanan. She walked her way to the wash room while I walked my way to our room department.
Pagdating ko sa desk ko, inayos ko ang files na nandoon, nag-assort ng mga files at inayos ang mga nakakalat doon. Bigla namang nag-ring ang phone ko at nang tignan ko ang caller ID, nakita ko ang picture ni Jericka kaya sinagot ko kaagad 'yon.
"Mama!" bungad sa 'kin ng nasa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng marinig ko 'yon.
Binitawan ko na muna 'yong folder na hawak ko at naupo sa swivel chair. "Baby, patapos na ang lunch break, huh? Bakit wala ka pa sa room mo?"
"Hinatidan po kasi ako ni Ate Jericka ng pagkain tapos sa canteen po kami kumain. Mama, may stars po ako ulit! 'Di ba, Ate Jericka? Look!" narinig kong inutusan niya si Jericka na tignan 'yong stars niya. Natatawa ako dahil niloloko siya ni Jericka na wala naman daw siyang makitang stars kay Jude, kaya si Jude, naaasar na. How cute! But later on, sinabi na rin ni Jericka na mayroon nga. "See, Mama! May stars po ako."
"Very good, baby. Jude, pasabi kay Ate Jericka mo na huwag ka na niyang sunduin mamaya, okay? Kami ni Tito Mark mo ang susundo sa 'yo tapos mamamasyal tayo."
"Talaga po? Yehey!" he excitedly said.
Napangiti nalang ulit ako. "So, mamaya after ng try-out mo sa chess club, mag-stay ka lang malapit sa waiting shed para makita mo kami kaagad, okay? Huwag kang lalabas at aalis ng gate hanggat hindi kami dumadating. Sige na, ibaba mo na 'yong call at ibalik mo na kay Ate Jericka 'yong phone niya. Bumalik ka na sa classroom mo."
"Okay po. I love you, Mama! Ba-bye po!"
"I love you, too. Give mo na kay Ate 'yong phone niya."
Binaba na niya ang tawag. Napatingin ako sa picture namin ni Jude sa desk ko at hindi ko maiwasang mapangiti. God knows how thankful I am to have Jude in my life. He's sweet, caring, adorable, cute, inquisitive at times, a loving son, what else? He is my inspiration and motivation, the reason why I am working so hard. He is my stress reliever, my source of happiness... my everything. As long as I am with him, wala na akong ibang maiisip kundi ang makasama lang siya.
I smiled at the thought. Tinapos ko na ang paglilinis sa desk ko at kinuha ang isang folder para i-submit sa head ng department ko. Nasalubong ko ulit si Jaycee and I asked her about the interview. Ang sabi niya lang, mukhang naging maayos naman dahil pinababalik na siya bukas for the orientation and final interview. It's good for her. Mukhang dito na rin sa company namin siya last na mag-a-apply at mukhang dito na rin siya makakapag-trabaho.
Nagsabay ulit kami sa elavator but this time, mas mauuna akong bumaba. Nagpaalam na ako sa kanya at bid her good luck.
-----x
Nasa labas na kami ng school at hinihintay nalang namin si Jude na lumabas. Pinasundo na namin si Jude sa isang guard na nagbabantay doon dahil according to him, kanina pa daw naghihintay si Jude sa shed at sinundo lang daw siya ng isang teacher papunta sa isang subject department. Natext ko na rin si Jericka na huwag ng magsaing sa bahay dahil sa labas na kami kakain.
Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Jude kasama no'ng guard. Kumaripas naman siya ng takbo ng makita kami ni Mark. Kinuha ni Mark 'yong bagpack na dala niya and he was about to get the small cage, too, pero pinigilan siya ni Jude. "Mama, look, oh! Bigay po sa 'min ni Dad!" masiglang sabi ni Jude.
"Dad?" nagtatakang tanong ni Mark.
Nilingon ko siya pabalik at nakatingin lang siya kay Jude, na mukhang naghihintay sagutin siya nito. "Na-kuwento ko na sa 'yo, 'di ba, na sumali si Jude sa chess club? If I'm not mistaken, 'yong Dad na sinasabi niya is 'yong coach nila do'n. Right, baby?" tumango naman si Jude at tinignan ulit 'yong mga sisiw niya. Tumango nalang rin si Mark. "Jude, where have you been? Sabi ko sa 'yo, hintayin mo lang kami dito, 'di ba? Saka, saan niyo nakuha 'yang mga sisiw?" tanong ko sa kanya.
"Mama, maaga po kasi kaming pina-uwi ni Dad kaya maaga rin po akong naghintay dito sa waiting shed. Kasama ko po 'yong isa kong classmate tapos nakita po kami ni Dad dito. Sinama niya po kami sa labas tapos nakita po namin 'yong nagtitinda ng sisiw. You know what, Mama? Tinuruan po kami ni Dad bumunot ng sisiw. 'Yong huhulaan mo po 'yong invisible na symbol sa papel tapos kapag binasa po sa tubig, malalaman mo na po 'yong sagot? Ang galing nga po, eh." na-a-amazed na sabi ni Jude.
"I see. But, where are you all this time?"
"Nasa MSEP department po, sa table ni Dad. Mama, ginawa na po namin ni Dad 'yong assignments ko tapos tinuruan niya rin po ako sa chess. Tito Mark, matatalo na po kita next time."
Tinignan ko si Mark and he was stunned. Nakatulala lang siya kay Jude at nang tapikin ko siya, para pa siyang nagulat at sinagot 'yong sinabi ni Jude na tatalunin siya next time. Niyaya na niya kami papasok ng kotse at nag-maneho na. Hindi naman kami lalayo at dito lang rin sa Cubao mamamasyal. Kailangan lang maghanap ni Mark ng pag-pa-parking-an ng sasakyan niya.
Pagdating sa Gateway, sa Timezone kami unang pumunta dahil 'yon ang kagustuhan ni Jude. Iniwan na muna namin 'yong mga sisiw niya sa sasakyan ni Mark. Bumili si Mark ng reloadable card at binigay 'yon kay Jude. Sinusundan lang namin si Jude sa kung saan niya maisipang maglaro. Kung minsan, nakikilaro rin sa kanya si Mark at kitang-kita ko kung gaano sila kasaya. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng pictures. Tinignan ko 'yong mga nakuhaan ko at napangiti nalang.
Nakasakay si Jude sa isang car ride habang nakatayo lang kami ni Mark sa hindi kalayuan sa kanya. Nakangiti kong pinagmamasdan ang anak ko na mukhang nag-e-enjoy sa sinasakyan niya. I was about to say the same thing to Mark pero napansin kong tulala na naman siya.
"Is there a problem, Mark? Is there something bothering you?" I asked.
Nagulat naman siya ng bigla akong magsalita. Nilingon niya ako at humarap sa 'kin. "Wala naman. I was wondering. Halos apat na taon na rin tayong in a relationship at maganda naman ang pagsasama natin. I was thinking, what if, you know, we start planning about our future, of getting married. Wala naman sigurong magiging problema kasi tanggap ko nang buo si Jude. Minahal ko rin siya ng parang sarili ko nang anak. And even if we already have our own child, I promised na hindi magbabago 'yon. I love you, Kate, and I am more than willing to spend the rest of my life with you." he seriously said.
Ako naman ang nagulat sa pagkakataong ito. Hindi ko inaasahang maririnig ko 'yon mula kay Mark. He was dead serious about it. Napayuko ako ng bahagya at lumingon sa kinaroroonan ni Jude. "To be honest, Mark, hindi ko pa naiisip ang ganoong bagay. Hindi sa ayokong magpakasal pero, mas gusto ko munang i-enjoy kong anong mayroon tayo ngayon. Mahal rin kita, Mark, pero, hindi pa siguro ako handa para doon. Gusto ko munang pagtuonan ng pansin si Jude. Ayokong kapag dumating na sa puntong gusto ko nang magpakasal at magkakaroon ulit ako ng anak, ayoko ng unintentionally neglecting him kasi nada-divert na ang atensyon ko sa ibang bagay. Gusto ko munang maintindihan niya ang ilang bagay, mga bagay na dapat niyang intindihin. Magiging mahirap kasi para sa kanya kapag biglaan ang lahat. Marami pang panahon, marami pang p'wedeng magbago, marami pang p'wedeng mangyari. It's not that I am rejecting you, it's just that... I'm not yet ready."
Binigyan naman niya ako ng isang pilit na ngiti at hinawakan ang mga kamay ko nang mahigpit. "I understand. I love you and I'm willing to wait. In right time, yes, in right time." hinalikan niya ang mga kamay ko at binitawan rin ito para pumunta sa kinaroroonan ni Jude. Naiwan naman akong nakatayo roon.
Nararamdaman kong parang unintentionally kong na-disappoint si Mark sa mga sinabi ko. Pero 'yon kasi ang totoong nararamdaman ko. Marami pang panahon, marami pang p'wedeng magbago, marami pang p'wedeng mangyari. Naiintindihan naman niya siguro kung ano ang mga pinagdaanan ko at hindi naging mdali para sa 'kin ang lahat. All I have to do is to wait.