"Eat." sambit niya Gutom na ako kaya agad na akong umupo sa high chair, nag-angat ako nang tingin sa kaniya dahil napakadaming pagkain sa harapan ko, for sure kami lang naman dalawa dito at wala namang employees na napapalakad lakad tulad dati. "May bisita ka bang dadating?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Why?" nagtataka din niyang tanong sa'kin. "Ang dami ng pagkain na ito, hindi natin mauubos yan? Asan na ba ang mga employees niyo dito, sabay sabay tayong kumain." I heard him chuckled kaya natigilan ako at tinignan na lamang siya habang sinasandukan ako ng pagkain sa plate. "Linuto ko 'yan, just for you, you didn't eat anything the whole day, and the employees ay nasa kabilang resort." pagpapaliwanag niya sa'kin. "Bakit akala ko ba sa resort mo ito? Yung dati to di'ba?" Umilin

