CHAPTER 37

1873 Words

Hindi ko alam ang nagyari after nang makatulog ako basta nalang nagising ako dahil sa ingay na naririnig, parang may nag uusap. Hindi ko muna idinilat ang aking mga mata para pakinggan ang usapan. "Magigising na din siya mayamaya, thanks Bud." Pagkarinig ko niyon ay idinilat ko na ang mata ko at kasabay nun bumalikwas ako nang bangon at agad inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng silid, the room was very familiar. Nakita ko si Nj na nakaupo sa sofa malapit sa kama ko, hawak hawak ito ang labi na para bang ang lalim ng iniisip. "Nasaan ako?!" sigaw ko kahit namamaos pa ako. "You're finally awake.."  Sabi niya na para bang natuwa pa siya dahil nagising ako, medyo dumusog ako sa pagkaka upo sa kama para layuan siya agad dahil naglalakad siya papalapit sa'kin. "Wag kang lalapit!" pigil ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD