"W-what do you think you're doing?" Sinikap ko ang sariling hindi pumiyok sa tanong na 'yon, kinakabahan ako dahil kami nalang dalawa dito, paano pag may gawin siya sa'kin paano ako hihingi ng tulong. Chars. Pero alam ko naman hindi 'yun gagawin ni Nj, ngunit ang pinagkakatakahan ko bakit parang hindi sila nagsasama ni Kali. Napalingon kami nang sabay dahil may nagbukas ng pinto, inagaw ko agad ang pulsuhan ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa'kin. "What's going on here?" Tanong ni Carl habang nagtatakang nagpapalit-palit ng tingin sa'min ni Nj, pumasok naman agad si Rose. Nagtataka din itong tinignan kaming dalawa at sumilay ang mala impaktang ngisi nito. "N-nothing, nagsusukat ako." Palusot ko nalanng at saka dumiretso sa table ko para kuhanin ang bag ko at susi ng sasaky

