Grae Her hands snaked on his nape while he’s holding both of her shoulders. Agad na kumalas si Alfie nang marinig niya ang biglang pagpasok ko, kasunod si Harold. His eyes widened in shock. Agad niyang inilayo ang sarili sa babaeng kahalikan. Tuluyan nang naumid ang dila ko dahil sa matinding pagkagulat. Ngunit ang loob ko, nagpupuyos. Nag-iisip kung paanong reaksyon ang gagawin ko. I am speechless and broken at the same time. Ang mga sama ng loob na naipon at ibinaon ko noon ay muling lumitaw sa puso ko. Idagdag pa itong nadatnan ko. Lalong lumakas ang haka-haka kong siya rin ang may pakana sa pagpapadala ng video na iyon sa akin. Pain is an understatement. I call this wrath. “Grae…” Si Alfie. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong nasa harapan

