Grae Nagising akong may pumupupog ng mga halik sa mukha ko. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng taong na nasa aking tabi. Antok man at hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko, alam ko na kung sino iyon. “Sorry for waking you up, hon. I just missed you so much.” He said huskily. Muli niyang hinalikan ang pisngi at labi ko hanggang bumaba iyon sa leeg ko. “Hmmm.” I groaned. He softly chuckled. Niyakap niya ako at pumirmi ang mukha niya sa aking leeg. “I’m sorry. I came home late.” he said. Dumilat ako. Dahil inaantok pa, pinilit ko ang aking mga mata na mag-adjust sa paligid. Dim na ang ilaw sa kwarto namin pero kita ko pa rin ang kabuuan no’n. I equaled his warm embrace, causing him to hold me a little tighter. Hinaplos at pinaglaruan ko ang kanyang buhok. I heard

