CHAPTER 8

3548 Words
Grae     My lips rose in irritation nang hindi niya pa rin ako sinasagot. Unti-unti nang umuusbong ang mga hinala sa utak ko pero ayoko siyang pangunahan. After all, I can give him the benefit of the doubt.   “Ano na? Hindi ka pa rin magsasalita?” I snapped. I am starting to lose my patience.   Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. I saw his weary and worried stares. Iba na talaga ang kutob ko sa kanya.   Then he sighed. “I already told him about us.” Malumanay niyang sinabi sa akin.   Tumaas ang kilay ko at napatuwid ako sa aking pagkakatayo. “What do you mean about us? Alam niya na ‘yong sa…” nabitin ang mga salita ko.   He nodded. He came closer to me again and held my elbow. “Don’t think too much, Grae. You’re just stressing yourself.”   Ako naman ngayon ang tumango sa sinabi niya. Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinagot niya sa akin. May bumubulong sa sulok ng isip ko na may kailangan pa akong malaman. Kaya nang tapatan ko ang mga titig niya sa akin, I grimaced at him.   Malalaman ko rin ‘yang tinatago mo, Alfie.   He just laughed at my reaction. Akma pa akong magsasalita nang biglang tumunog ang intercom sa mesa niya.   “Sir, Ma’am Venice is here.” Sabi ni Harold.   I stiffened when I heard her name. Finally, makikita ko na rin ang sinasabi nang mga nagbubulungang bubuyog sa elevator noon. Hindi agad sumagot si Alfie sa sinabi ni Harold. Instead, he pulled me against him and wrapped his strong arms on my waist. Hindi na ako nakapag-protesta sa ginawa niya.   He brushed the tip of his nose on mine. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin. I placed my hands on his chest para hindi tuluyang dumikit ang katawan ko sa kanya.   “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo.” Anas ko sa kanya.   Ngumisi lamang siya sa sinabi ko. “Stop being curious, honey. Ang importante, akin ka na ngayon.”   Natawa na lang ako sa sinabi niya. I shook my head in amusement. Muling tumunog ang intercom.   “Sir?” ani Harold.   I pinched the sides of his abdomen and pushed him so I could get out from his caging arms. “Mamaya ka sa’kin pag-uwi. Humanda ka.”   He winced from the pain while laughing. Muli niyang kinagat ang kanyang mga labi. Ang lalaking ito! Hindi ko nakita sa kanyang mukha ang pagkakabahala sa banta ko. Instead, I saw how his eyes gleamed when I spat my words at him.   Nakita kong pinindot niya ang intercom at sinagot si Harold.   “Let her in, Harold.” Alfie said with authority.   Bumalik ako sa aking mesa at nag-simulang ayusin ang mga gamit ko. It’s almost five in the afternoon. Ganitong oras ang uwi namin kahit abala si Alfie. Kung kailangan niyang mag-overtime ay nag-uuwi na lamang siya ng trabaho.   Maluwang na bumukas ang pintuan ng opisinang iyon at iniluwa ang isang babaeng maputi at matangkad. She looks sophisticated in her all white one sided balloon sleeve jumpsuit na pinaresan niya rin ng itim na stiletto. Her long and straight jet black hair flows smoothly as she graces on her way to Alfie’s office table. Plastado rin ang mukha niya dahil sa kanyang make-up.   Maganda nga talaga. Parang beauty queen.   Pero mas cute ako.   “Hi! I haven’t seen you for a while.” She said while she smiled widely at him.   Hindi niya napansin ang presensya ko. Dumiretso siya kay Alfie at walang hiyang humalik sa kanyang labi! She even clung her arms at his neck bago dumausdos ang kanyang mga palad sa dibdib ni Alfie.   Napaismid ako. I rolled my eyes. Ramdam ko ang namumuong iritasyon sa loob ko at nagsisimulang mag-init ang pakiramdam ko. I can’t understand myself. Is this…jealousy?   Nabaling ang tingin ko kay Alfie. Mariin na rin pala siyang nakatingin sa akin. I saw his jaw clenched. He held Venice’s hands and politely removed it in his chest. Nakatingala siya kay Alfie na para bang naghihintay ng reaksyon sa kanya. But she noticed his stares towards me kaya dahan-dahan niya iyong sinundan.   Nalusaw ang matamis na ngiti ni Venice nang magtama ang mga mata naming dalawa.   “Oh. I didn’t know you have a… Who is she, darling?” malambing na tanong niya kay Alfie. She even pointed her index finger on me.   She called him ‘darling’. Ibig sabihin, may espesyal nga silang kaugnayan. Maybe girlfriend? Fiancé? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.   Mabilis na naglakbay ang isip ko. Agad na nagngitngit ang kalooban ko. Paano niya nagawang tratuhin ako nang ganito sa simula pa lang kung may ibang babae pala na dawit dito?   Bahagya pa akong nakaramdam ng pagkabahala at takot para sa aking sarili. Baka malaman niyang kay Alfie pa ako nakatira. And worst, malaman niyang buntis ako at siya ang ama!   Pinilit kong hindi ipahalata ang tunay kong nararamdaman nang mga oras na iyon. Pero hindi nawala ang nginig sa boses ko. I cleared my throat and greeted her. “G-good afternoon, Ma’am.” I even gave her a small, assuring smile.   Nagtagal ang titig niya sa akin na para bang naninimbang. Baka tinutubuan na ito ng hinala. Mas lalo akong nakaramdam ng pangamba. Tensyonado man ako sa mga titig niya ay inayos ko pa rin ang aking sarili.   Then she returned my smiles and greeted me, too. “Good afternoon. I presumed you are Alfie’s… new secretary?” sabay baling niya sa lalaking katabi niya.   I answered her quickly but with my voice cracked. “Y-yes---“ngunit mabilis iyong pinutol ni Alfie.   “What brings you here, Venice?” he asked with a stern voice.   Ngumiti lamang ang babae sa kanya. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Agad akong kumilos para sinupin ang mga gamit ko. Baka mamaya ay isipin pa niyang nakikinig ako sa usapan nila.   Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang malambing niyang sagot kay Alfie. “Let’s have dinner, babe? I missed you already, you know.” She said.   Langya, tinawag pa niyang ‘babe’ si Alfie, eh ganoon din ang tawag sa akin ng lalaking ‘to.   Mariin akong pumikit sa narinig ko. I can even imagine Venice’s hand wrapped around Alfie’s neck habang magkadikit ang kanilang katawan. Unti-unting gumapang ang sari-saring negatibong emosyon sa sistema ko. Galit, selos, at pagkalito sa mga nangyayari.   Nanginginig ang mga kamay ko habang isa-isa kong pinulot ang mga gamit ko. Gusto ko na silang iwan na dalawa. Hindi ko na kayang makarinig at masaksihan ang ganitong eksena. Tutal ay pasado alas singko na. Pwede na akong umuwi.   Pero saan? Sa bahay ni Alfie? I can’t go home there now. Lalo na ngayon at ganito pa ang nalaman ko.   Isinukbit ko ang aking shoulder bag habang hawak ang aking cellphone. I looked at them again to bid my goodbye. “S-Sir, mauuna na po ako.” Sabay baling ko kay Venice. “M-Ma’am.”   Letseng boses ‘to. Ba’t ba ako nauutal sa dalawang ‘to?   Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nila. I stormed out of his office as quickly as possible. Nadatnan ko pang nakatayo si Harold sa kanyang desk habang nagso-sort ng mga dokumento roon pero hindi na ako nagpaalam sa kanya, hindi katulad nang dati kong ginagawa sa tuwing magu-uwian na.   Lakad-takbo kong tinahak ang papuntang elevator. Ang mga traydor kong emosyon ay umaapaw na. Nagsisimula na ring uminit ang gilid ng aking mga mata. I even heard Alfie calling me pero lalo lamang akong nagmadali na makalayo roon.   Pinindot ko ang button down ng elevator. Mabuti na lamang at mabilis iyong bumukas. Bago ako nakapasok ay nahagip na ng mga mata ko si Alfie. He followed me. Agad kong pinindot ang button para magsara na ang pintuan noon.   Bago iyon magsara nang tuluyan, nagtama pa ang mga mata naming dalawa.   “Grae---!“ Akma niyang pipigilan ang pagsara ng elevator pero hindi niya na iyon nadatnan. “s**t!” I heard him cursed at malakas na pinalo ang pintuan.   I gasped heavily. What the hell, Grae! Ano itong pinasok mo? Halatang may relasyon sila base sa pagu-usap at kilos nilang dalawa. But the way Alfie’s interaction with her seems cold. I shook my head. Malamang ay ganoon ang magiging reaksyon niya dahil nahuli ko na ang kalokohan niya.   Rumagasa ang mga luha sa aking mukha. Sobrang bigat ng dibdib ko. I felt betrayed big time. Pakiramdam ko ay napaglaruan ako. Sinasabi ko na nga ba, a playboy like him… hindi dapat na pinagkakatiwalaan.   Damn him for treating and making me feel this way!   Bakit ako pa ang nako-konsensya sa mga nangyayari eh ako nga itong biktima sa sitwasyon na ito? Ako ang agrabyado. Ako ang niloko. Kung alam ko lang na may Venice na pala, eh ‘di sana sa umpisa pa lang, hindi ko na iginiit ang sarili ko kay Alfie.   Nang marating ko ang ground floor, maraming nagkalat na empleyado sa lobby. Malamang ay magsisiuwian na ang mga ito. Habang tinatahak ko ang main door ng building, hindi nakatakas sa aking mga mata ang mga lalaking mukhang may inaabangan. Ang ilan sa kanila ay namukhaan ko pa.   Mga tauhan iyon ni Alfonso.   Mabilis akong nag-isip kung paano ako makakalabas sa building na iyon na walang nakakapansin sa akin. Tinahak ko ang pasilyo papuntang parking lot. Bahala na kung paano ako makakalabas doon.   Nakita ko si Ate Gareth na pasakay sa isang puting kotse. Mabilis ko siyang hinabol. Kakapalan ko na ang mukha ko para makisakay sa kanya. Makaalis lang ako sa gusaling ito.   “Ate Gareth!” I shouted. She looked around when she heard me calling her name. When her eyes landed on me, I saw her forehead creased in confusion.   Patakbo akong lumapit sa kanya. Binitawan niya ang pintuan ng kanyang kotse at naga-alalang sinalubong ako. “Huwag kang tumakbo! Baka madapa ka!” sigaw niya pabalik sa akin.   Hinihingal ako habang sapu-sapo ko ang aking dibdib nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Nagpalinga-linga rin ako dahil sa takot kong baka nasundan ako ng mga tao ni Alfie. Pero maliban sa ibang empleyado na naroroon, wala na akong nakitang ibang taong kahina-hinala.   “Ano ba’ng nangyayari sa’yo?” takang tanong niya. Tiningnan niya ang bandang likuran ko na parang naghahanap kung may kasama ako. “Nasaan si Sir Alfie?” she asked again.   I gasped for air before I answered her. “Ate, p-pwede ba akong makisabay sa’yo? M-May humahabol sa a-akin.” naluluha kong sabi sa kanya.   Mariin niya akong tiningnan bago dahan-dahang tumango sa akin. Kita ko man sa mukha niya ang pagkalito ay hindi na siya nagtanong. “Halika na, nandito ang kotse ko.” Aniya.   Muli akong lumingon sa pinanggalingan ko bago ako mabilis na sumunod sa kanya. Nang makasakay kami sa kanyang sasakyan, nilisan namin ang building na iyon na walang nakakapansin sa akin.   Tahimik lamang ako habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA. Hindi ako nagpahatid kay Ate Gareth sa condo ni Alfie. Ayoko nang umuwi roon. Hindi ko na siya kayang harapin pa. Sapat na ang nalaman ko kanina.   Malakas akong bumuntong-hininga. I heard Ate Gareth’s chuckle.   “Ang lalim naman no’n.” Nakangiting sabi niya sa akin, like she’s trying to make the atmosphere lighter.   Nangiti na rin ako sa tinuran niya. “S-sorry ate, naabala pa tuloy kita.”   Ngumuso siya. “Hindi na kita tatanungin kung ano ang nangyari sa’yo kanina. Pero kung gusto mong mag-kwento, handa akong makinig.”   I bit my lip. Kanina ko pa gustong iwaksi sa isip ko ang nangyari. Pero sa tanong ni Ate Gareth, awtomatikong nabuhay ulit ang mga nasaksihan ko kanina sa loob ng opisinang iyon.   “Pasensya ka na talaga, ate.” Iyon na lamang ang tanging nasabi ko.   She nodded. “Saan kita ihahatid? Sa Pasay ang sa amin.” malambing na tanong niya sa akin. Suddenly, I felt calmer by her side. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi.   “Sa Baclaran station mo na lang ako ibaba, ate. Magji-jeep na lang ako pauwi sa apartment.” Wika ko.   “Hindi na. Ihahatid na kita.” She said.   Ilang minuto pa ay narating namin ang kanto ng apartment namin nila Lizette. Hindi ko na ipinapasok doon ang sasakyan niya dahil nahihiya na ako sa kanya. I thanked her for driving me home here. Makailang ulit niyang sinabi sa akin na magi-ingat ako. Pinaalis ko muna si Ate Gareth bago ko tinungo ang papasok sa amin. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay nakita ko na ang isang van sa harap ng gate sa apartment. Mabilis akong nagtago sa karinderya ni Aling Onya.   I saw Cholo in his white uniform. Mukhang papunta pa lang ng trabaho. Kinausap siya ng isa sa mga lalaki na naroon. Bumaling pa si Cholo sa bahay at binuksan ang gate. He let two men go inside the apartment. I became vigilant in my surroundings dahil baka may biglang humablot sa akin mula rito.   Napansin ni Aling Onya ang presensya ko roon.   “Oy, Grasya! Ano’ng ginagawa mo diyan?” palatak niya.   Napatalon ako nang malakas niyang pinansin ang presensya ko roon. “Ah bibili po ako, Aling Onya! Isang ulam at isang kanin.” I said without looking at the dishes. My eyes are busy with the people outside of our apartment.   “Ano’ng ulam ang gusto mo?” tanong niya sa akin.   “Bahala ka na po.” Sagot ko sa kanya. Ni hindi ko man lamang siya tinapunan ng tingin.   Nakita kong lumabas ang dalawang lalaking pumasok kanina sa apartment. Kasunod nila si Cholo. Ang isang sa kanila ay mukhang may kausap sa kanyang cellphone. Naalala ko ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa aking bag and was shock when I saw numerous texts and missed calls from Alfie.   Inabot ni Aling Onya ang supot na may lamang kanin at ulam. Wala sa loob kong kumuha ng pambayad sa aking wallet at inabot ko iyon sa kanya. I thanked her but I didn’t leave there yet.   Nang makita kong umalis na ang van, I dialed Cholo’s number. Tanaw na tanaw ko pa siya rito mula sa kinatatayuan ko. I saw him answered his phone.   “Chol---“   “Gaga! Nasaan ka? Pinaghahanap ka ng tao ni Alfie rito sa bahay!” he said frustratingly.   “Nandito ako sa karinderya. Tanaw kita mula rito.” Sagot ko.   Nakita kong tumingin siya rito. I waived at him. Nang makita niya ako, ibinaba na niya ang tawag at patakbo siyang lumapit sa akin. Ibinaba ko na rin ang cellphone ko.   “Ano’ng nangyayari? Lumayas ka ba sa kanila?” he asked. I gulped hard bago ako tumango sa kanya.   “Tulungan mo akong makapasok sa loob. Baka may makakita sa akin.” May bahid ng takot ang boses ko.   Lumingon-lingon siya bago kinuha ang kamay ko. He gave his hooded jacket to me and let me wear it. Sinabihan niya akong huwag lumingon-lingon. Malalaki ang hakbang naming tinungo ang apartment. He let me in first bago siya muling pumasok sa gate.   Pagkapasok ko sa loob ng unit, I felt relieved and safe from that tiring chase. Nadatnan kong kumakain si Lizette sa mesa. Pagtataka rin ang nakita ko sa kanyang mukha kung bakit ako narito sa kanila ngayon.   Hinubad ko ang jacket ni Cholo at inabot ko iyon sa kanya. Kay Lizette na siya ngayon bumaling.   “Hoy keps! Ikaw muna ang bahala sa bruhang ‘to. Kalohka.” Sabi niya. Tinapunan niya ako ng masungit na tingin bago lumabas ulit sa pintuan.   Nilapitan ako ni Lizette mula sa kinatatayuan ko. She even checked me. Tahimik ko lang siyang tiningnan habang ginagawa iyon. Nang makita niya ang plastic bag na hawak ko, kinuha niya iyon sa aking kamay at inilapag sa center table. Dahan-dahan niya akong hinila paupo sa sofa.   “Ngayon ka mag-kwento sa akin, Grae. Halos halughugin ng mga tao ni Alfie ang apartment kanina. Pinapahanap ka niya sa kanila. Tell me what happened.” Kalmadong sinabi niya sa akin.   Hinubad ko ang shoulder bag sa aking balikat at itinukod ang magkabilang siko ko sa aking tuhod. Ang mga palad ko ay inihilamos ko sa aking mukha. I’m really exhausted not just physically but also emotionally.   “Sabi sa inyo eh, hindi na dapat natin sinabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.” I indirectly blamed her.   “Bakit nga?”   I tsked. Muli kong inalala ang nangyari sa kanyang opisina. Muling gumuhit ang naramdaman kong sakit sa aking puso.   Kung kailan pa umusbong ang pagmamahal ko sa kanya, saka pa nangyari ito.   “May girlfriend siya, Zette.” Ani ko. Sapo ko na ngayon ang aking noo.   Nangunot naman ang kanyang noo sa narinig. Pero hindi siya umimik at mukhang naghihintay siya ng karugtong sa una kong sinabi.   “Nakita ng dalawang mata ko kung paano niya lambingin si Alfie. She’s---“   Pinutol niya ako sa pagsasalita. “Paano mo nalamang girlfriend niya nga ‘yon?”   Natigilan ako sa kanyang tanong. Hindi ko narinig na girlfriend niya nga si Venice. But actions speak louder than words.   “Iba ito, Zette. She kissed him! I saw the way she moved in front of Alfie. Very territorial. She called him with her endearments. Niyakap pa niya. She even asked him to dine with him tonight because she missed him already at matagal na raw silang hindi nagkikita!” palatak ko.   Namilog ang mga mata ni Lizette sa narinig niya. She even mouthed ‘gago’.   Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pareho kaming malalim ang iniisip dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Lizette pero ako, sa dami ng iniisip at alalahanin ko, gusto ko na lamang magpahinga.   I heaved out a sighed and stood up. Ngunit lumukot ang mukha ko nang maramdaman ko ang sakit na bumalatay sa balakang at puson ko. I felt like a pain of dysmenorrhea. I took a deep breath and calmed myself. Baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko.   Mabilis na umagapay sa tabi ko si Lizette nang mapansin ang pag-ngiwi ko habang hawak ko ang aking balakang.   “Bakit, Grae? Ano’ng masakit sa’yo?” She asked worriedly.   Umiling ako. “Gusto ko nang mahiga, Zette. Pagod na pagod ako.”   “Kumain ka muna para may laman ang tiyan mo.” Suhestiyon niya.   Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom dahil sa dami ng kinain ko kaninang hapon. “Mas gusto kong matulog na, Zette. Maghihilamos lang ako tapos magpapahinga na.”   Hinayaan na ako ni Lizette sa gusto kong mangyari. I went upstairs and entered in my room. Pinasadahan ko iyon ng tingin. Ganoon pa rin ang itsura nito bago ako umalis at nag-desisyong sumama kay Alfie.   Nilapag ko ang aking bag sa kama at naghubad ng sapatos at damit ko. Underwear na lamang ang tanging suot ko bago ko kinuha ang tuwalya at itinapi sa aking katawan. I took a brisked shower to make myself comfortable. Mataboy man lang ang kamalasan na nangyari sa akin ngayong araw.   Lizette was not there in the kichen when I went out of the bathroom. Siguro ay nasa kwarto na niya siya. Nakita kong naka-lock na ang pintuan kaya pinatay ko na ang ilaw sa baba at mabilis na umakyat sa aking kwarto.   It’s already 8:30 in the evening. Hindi ko pa rin ramdam ang gutom. Mamaya na lamang siguro ako kakain. Mabilis akong nagpalit ng pambahay. I took out my phone from my bag and settled myself in my bed.   Inisa-isa kong binasa ang mga text ni Alfie. Unti-unting bumabalik ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari ngayong araw. Kahit ako, hindi rin makapaniwala sa mga nangyari. Ang lakas ng loob ni Alfie. Ibinahay niya ako at inalukan pa ng kasal pero may Venice pala sa buhay niya.   Tama nga ang hinala ko nang alukan niya ako ng kasal. It’s his guilt that is speaking that’s why he asked me to marry him.   “Grae, you’re making me worried.”   “Please come home now. I’ll explain everything to you.”   “Nasaan ka? Susunduin kita.”   “Gabi na. Where are you? Please come home.”   “Please be safe.”   I exited my inbox at inilapag sa kama ang cellphone matapos kong basahin ang mga text niya sa akin. Hindi ko inaasahang ganitong sakit ang kapalit ng sayang naramdaman ko sa mga nakalipas na linggo. Ano ba’ng nagawa ko at kailangan kong pagdaanan ang mga ganitong bagay?   Lumandas muli ang mga luha ko sa aking pisngi. Pagod na akong mag-isip. Saka ko na lang iisipin ang magiging desisyon ko kapag kumalma na ang nagwawalang puso ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD