Grae
Tiningnan ko ang mga gamit sa working table ko. Kumpleto talaga. May nakita akong bagong planner. Wala pang ka-sulat sulat. I wrote my name in the upper right corner of the first page.
I turned on the computer, too. Kahit Nursing ang tinapos ko, maalam din ako sa pag-gamit nito. Bago ako naging president ng student body sa university namin noon, dumaan ako sa pagiging sekretarya. Kaya kahit papaano, kaya ko rin maging sekretarya ni Alfie rito sa opisina niya. Proper orientation at training lang ang kailangan ko.
Mukhang bago rin itong computer dahil wala pang files na naka-save dito. Tiningnan ko ang calendar of activities. Ayun! May mga notes. Inisa-isa kong basahin ang mga nakasulat doon. Karamihan doon ay shareholder’s meeting. Pero pagbuklat ko sa pangatlong buwan, nakuha ng atensyon ko ang isang date na naka-highlight doon.
SVN’s company anniversary.
Baka malaking selebrasyon iyon. May party! Tinuloy ko ang pagbabasa ko nang biglang may pumasok sa loob. Medyo tinubuan ako ng kaba at mabilis akong nag-angat ng tingin para makita kung sino iyon but when I saw that it was Harold, medyo nakaramdam ako ng relief.
“Miss Grae, kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin.” Magalang na sabi niya.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. “Actually, meron.”
“Ano iyon, Miss?”
Tiningnan ko ang working table ko bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. “Pwede mo ba akong turuan sa mga trabaho rito? I mean… sekretarya rin kasi ako ni Alfie.”
Tumango siya. “Pero Miss Grae, wala kasi siyang ibinilin sa akin na turuan kayo sa trabaho rito.” Magalang na sagot niya.
“Ako naman ang humihingi sa’yo ng trabaho, eh. Kahit ipasa mo na sa akin iyong mga simpleng gawain. Alam kong marami ka ring inaasikaso.” Pangungumbinsi ko sa kanya.
Hindi siya agad umimik. Tila naninimbang sa kanyang magiging desisyon. I took that as an opportunity to say more.
“Huwag kang mag-alala. Tuturuan mo pa lang naman ako, eh. Sasabihin ko sa kanya ang tungkol dito bago ko gawin ang trabahong ibibigay mo para hindi ka mapahamak.” I added.
Nang makita ko siyang tumangu-tango, nabuhayan ako ng loob.
“Okay Miss, sunod ka na sa akin.” Malumanay sa sagot niya sa akin.
Mabilis kong kinuha ang planner at ballpen ko bago sumunod sa kanya.
Nasa desk niya kami ngayon habang nakaupo kami at ino-orient niya ako sa magiging trabaho ko. Ibinigay niya na sa akin ang pag-remind ng schedule ni Alfie araw-araw. Siya na lamang daw ang mag-aayos at ibibigay niya iyon sa akin tuwing umaga.
“Kapag may ipapabalik si Sir na dokumento sa ibang opisina, ibigay mo na lang iyon sa akin. Ako na lang ang bababa at magbabalik.” Aniya.
“Hindi ba pwedeng ako na lang? Para ma-familiarize ko rin ang bawat opisina, ‘di ba?” I suggested.
Umiling siya. “Hindi pwede Miss Grae, hanggang dito ka lang sa palapag na ito.” He said with finality.
I pouted. Ang istrikto rin pala ng isang ito. Bigla kong naalala iyong itatanong ko sana kay Alfie. Baka sakaling kilala niya rin kung sino iyong tinutukoy ng mga babaeng empleyado kanina sa elevator.
“Harold…” I tried to get his attention.
“Yes, Miss Grae?”
“May kilala ka bang Venice?” I asked.
Natigilan siya at bahagyang nag-isip. “Si Ma’am Venice Zarragosa ba ang tinutukoy mo, Miss Grae?”
Ako naman ngayon ang natigilan. Hindi ko naman kasi alam ang apelyido niya.
“B-baka… dito rin yata siya nagta-trabaho.” Sabi ko.
“Siya ang current Vice President for Marketing ng SVN Corp., Miss Grae.” Aniya.
Tumangu-tango ako. Hindi bale. Si Alfie na lang ang tatanungin ko.
Nag-ring ang cellphone ni Harold at sinagot niya iyon agad. “Yes, Sir Alfie.”
Nilingon niya ako habang kausap niya pa rin ang tumawag sa kabilang linya. “Yes, Sir. Kasama ko po siya ngayon.” Tumango siya. “Yes, Sir… Okay Sir.” At saka ibinaba ang tawag.
Hindi namin namalayan ni Harold ang oras. Almost lunch na pala. Tinanong niya sa akin kung ano’ng gusto kong kainin pero tumanggi ako. Instead, I asked him kung anong oras matatapos ang meeting ni Alfie.
“Tapos na, Ms. Grae. Pa-akyat na siya ngayon.” Sagot niya.
Nagpaalam na ako sa kanya para bumalik sa loob ng opisina. Medyo nangalay ako sa one-on-one orientation namin ni Harold. Nakaramdam agad ako ng pagod, eh hindi pa naman talaga ako nagsisimulang mag-trabaho. Nang maupo ako sa swivel chair, my phone rang. It was Alfie.
“Hello…” I said.
“I’m on my way up, honey. You’re not answering my calls.”
“Sorry…” sagot ko.
“Are you okay?”
“Yes… bilisan mo na diyan. Hihintayin kita rito.” Ako na ang nagbaba ng tawag at isinandal ang katawan ko sa swivel chair. Wala pang isang minuto ay nakuha ko agad ang tulog ko.
Mga mabibining halik ang gumising sa akin sa pagkakaidlip ko. Hindi ko pa namumulat ng tuluyan ang mga mata ko ay kilala ko na kung sino iyon. Naamoy ko ang kanyang natural na amoy at ang kanyang mamahalin na pabango.
Pupungas-pungas pa ako bago ako tumuwid sa pagkaka-upo. “Sorry, nakaidlip ako.”
Naamoy ko rin ang pagkain ‘di kalayuan sa table ko. Mukhang siya na ang nag-order para sa amin.
“I ordered food for us. You looked tired, babe. Gusto mo bang umuwi na tayo?” Malambing tanong niya sa akin.
I shook my head. Napapansin ko ring madalas akong antukin. Masandal lang ng kaunti ay makakaidlip na. Saka isa pa, trabaho ang ipinunta ko rito. Hindi ako pwedeng mag-inarte.
“Okay lang ako. Kalakasan lang ng paglilihi.” Ani ko. I quickly fixed myself and went to the comfort room. Alfie looked worried. Bakas na bakas daw sa hitsura ko ang pagod.
After I did my business there, nilapitan ko na ang mesang may nakahain na pagkain. Kahit hindi ako gutom ay pinilit ko ang kumain dahil kailangan ni baby ng nutrisyon. Wala akong imik habang kumakain. Madalas ang pagsulyap ni Alfie sa akin ngunit kapag nagtatama ang mga mata naming dalawa, tipid na ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya.
Ako na rin ang nag-ligpit ng pinagkainan namin pagkatapos kumain. Noong una ay ayaw pa niyang galawin ko iyon at iutos na lamang sa iba pero nang sagutin ko siya ay hindi siya nakaimik at hinayaan na akong gawin ang gusto ko.
“Sekretarya mo ako rito pero hindi mo ako pinagta-trabaho. Ano na lang ang sasabihin ng ibang kasama mo?” ani ko. Kasalukuyan kong inaayos ang mga nagamit na plato at kubyertos.
Tumayo siya at marahang hinawakan ang siko ko. “You really don’t have to do this, Grae. Hayaan mo na sila---“
I snapped and looked at him with irritation. “Eh ano’ng gagawin ko rito maghapon? Sa mga susunod na araw?”
Mataman niya akong tiningnan. Then he sighed in defeat. “Fine. If that’s what you want to do. But please, if there’s something wrong with you, sabihin mo agad sa akin. Hindi iyong kinikimkim mo. I’d die worrying for you.”
Tumango ako. “Ako na ang bahala. Nagpaturo na rin ako kay Harold. Kung may kailangan ka, sabihin mo rin sa akin.”
Wala na siyang nagawa sa mga sinabi ko. He let me do my work. Sinunod ko rin ang mga sinabi ni Harold sa akin. Nakasulat iyon sa planner ko. Halos wala rin naman akong nagawa mag-hapon dahil hindi ako inuutusan ni Alfie. Nang mapansin kong hindi siya tumitigil sa pagta-trabaho, I went to the pantry to brew a coffee for him.
May nakita akong coffee maker roon. When I inspected it, lalagyan lang pala ito ng tubig at saka ihuhulog sa butas ang coffee pods. Harold told me na black coffee lang ang gusto ni Alfie. I looked for it in the rack, buti at nahanap ko iyon agad. As I wait for the coffee to brew, tiningnan ko ang maliit na fruit rack. May abokado! Kumuha ako ng dalawang piraso at hinanap ko ang kutsilyo. Naghanap na rin ako ng gatas. Buti na lang at meron ding powdered milk dito.
Binitawan ko muna ang pagkaing ihahanda ko para sa sarili ko at inasikaso ang kape ni Alfie. I poured his coffee in a cup and place it in a saucer. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang makita niyang maingat kong inilapag ang tasa ng kape sa mesa niya.
Nakita kong inilapag niya sa kanyang mesa ang mga papel na hawak niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. I smiled at him. Feeling accomplished naman ako sa ginawa kong pagtimpla ng kape niya.
He extended his hand. “Come here.”
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at iginiya niya ako paupo sa kanyang mga hita. I obliged willingly. He wrapped his right arm on my waist and held the side of my legs for support. I automatically clung my arms on his nape.
He kissed my shoulders and inhaled my scent. “Thanks for the coffee.” He said.
I giggled. “Iyon ang turo sa akin ni Harold. Nanghihingi ka raw ng kape kapag ganitong oras. Black coffee lang din daw ang iniinom mo kaya ayan, I prepared it for you.”
He traced his nose on my shoulders. Then he rested his face on my arms. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon. Kapag lumuluwang ang pagkakahawak ko sa kanya, mas lalo niyang hinihigpitan ang pagyakap sa akin.
Muling inatake ng kalabog ang puso ko dahil sa mga ikinikilos niya. Ang daming nangyari mula kahapon hanggang ngayon. Ang mga paglalambing niya sa akin, ang mga pag-aasikaso, at ang nakakawindang na alok niya sa akin ng kasal, lahat ng iyon ay nagbibigay ng init sa puso ko.
Kulang na lang talaga, sabihin niya sa aking mahal niya ako. Kung ganoon nga, mas madali at mas maluwang sa puso kong tatanggapin ang alok niya. Na lahat ng ginagawa niya sa akin ay hindi lang sa responsibilidad na kaakibat ng pagbubuntis ko.
He told me last night that he liked me. Gusto ko rin naman siya, noon pa. Pero iba pa rin kung mahal namin ang isa’t-isa. Hindi naman kasi mahirap para sa akin na mahalin siya.
Kung mahal mo lang sana ako, Alfie. Ipupusta ko talaga ang lahat para sa’yo.
I cleared my throat when I noticed that several minutes had passed pero hindi pa rin niya ginagalaw ang kape niya. “Alfie, ‘yong kape mo. Baka lumamig na.” I said. Sinubukan kong kumalas sa yakap niya but he only groaned and renewed his hug.
“Aayusin ko rin ‘yong meryenda ko.” Sabi ko ulit. Doon lang siya parang natauhan at nag-angat ng tingin sa akin.
Lumipat ang kamay niya sa aking puson. “My baby is hungry again?”
I nodded. “Pati ang ina niya, g-gutom ulit.” Nauutal kong sinabi sa kanya.
He laughed. “You need help?”
“Hindi na. Tapusin mo na ‘yang trabaho mo.” I said.
Naging ganoon ang gawain namin sa mga sumunod na dalawang linggo. Mabilis din akong naka-adapt sa working place ni Alfie kahit na limitado lang ang ibinibigay nila na trabaho sa akin. Kapag may mga meetings naman siya, hindi na niya ako pinapasama. Kung hindi si Harold, si Ate Gareth na isa sa mga sekretarya niya ang isinasama niya para kumuha ng minutes ng meeting. Ipapa-encode na lamang nila iyon sa akin at saka ko ibibigay uli sa kanila.
Minsang hindi ko nakasama sa lunch si Alfie dahil whole day ang meeting nila, sumabay ako kila Harold at Ate Gareth para mag-lunch sa pantry nila.
“Buntis ka na pala. Pero hindi halata sa katawan mo. Sexy ka pa rin!” Aniya. She continued. “Ako kasi kapag nagbubuntis noon, biglang lumolobo ang katawan ko.” At saka humagikhik.
I giggled, too. “Mahigit dalawang buwan pa lang naman po akong buntis, Ate. Pero kumpara noong isang linggo, halata na ‘yong umbok sa tiyan ko ngayon.” I stood up at ibinakat sa dress ko ang aking tiyan. If you will look closely, nag-uumpisa nang magpakita ang baby bump ko.
Hinimas ni Ate Gareth ang tiyan ko. “Swerte ang batang ito. Naging maganda ang performance ng kumpanya base sa weekly report na ibinibigay ng Finance Department sa atin.”
Harold agreed to her. “Inspired din ang Daddy niya, eh.”
We all laughed in his statements. Masaya naming pinagsaluhan ang lunch na sponsor ng CEO namin.
Dumating ang akinse, araw ng sahuran. Si Harold na ang nag-abot sa akin ng ATM Payroll Account ko na nakalakip sa sobreng kulay brown. Kasama na rin doon ang pay slip ko. Alfie was busy reading the documents I gave to him earlier habang ako ay parang batang tuwag-tuwa nang abutan ng kendi.
Nang basahin ko ang payslip ko para sa unang sahod ko, nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa aking nabasa. I really checked it at baka nagkamali lang ng bigay si Harold. Pero... it’s really my name that was printed on the pay slip.
Tumataginting na 25 thousand pesos ang sinahod ko para sa dalawang linggong pagta-trabaho ko!
“Anak ng tokwang panis!” palatak ko.
Narinig ko agad ang boses ni Alfie dahil sa lakas ng boses ko. “What’s wrong babe?” he asked in fret.
Mabilis ko siyang nilingon. Confusion prevailed on his handsome face. Teka? Ba’t ko ba siya pinupuri? Dapat kinokompronta ko ito.
Tumayo ako at malalaki ang hakbang kong tinawid ang distansya naming dalawa. I gave him my pay slip. Tinanggap niya iyon at binasa. “What’s wrong?” nakataas ang isang kilay niya.
“Magkano ang monthly salary ko?” I asked him.
“50 thousand.” He said casually.
“Ganoon kalaki?”
“Oo. Bakit ayaw mo? Kung ayaw mo, babawasan ko ng kalahati. Ibibigay ko na lang kay Harold at Gareth.” He said. Akma niyang itatago ang pay slip na hawak niya sa kanyang drawer pero mabilis kong inagaw iyon sa kanya. He looked at me while his right brow raised and a playful smile is on his face.
Lumabi ako sa sinabi niya. “Wala akong sinabing ayaw ko. ‘chusero.” Muli kong isinuksok iyon sa envelope. Nilapitan ko siya at niyakap sa kanyang balikat. I kissed him on his cheeks. “Thank you!”
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumuwid ng tayo. Just when I was about to go back to my table, hinuli niya ang isang kamay ko, stopping me from leaving him there.
“Bakit?” takang tanong ko sa kanya.
Tumayo rin siya. He towered me kaya nakatingala na akong nakatingin sa kanya.
“You gave me a thank you kiss. Don’t you think it’s rude for you not to receive my welcome kiss?” he asked seductively.
“H-h-hah?”
Isang mapusok na halik ang isinagot niya sa akin. Malalim. Mapang-angkin. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa pagkakapatda. He parted my lips using his tongue. I moaned in delight. Sinagot ko na rin ang kanyang mga halik. Oh, how I missed this. Ang huling halikan namin na ganito ay noong nagkasagutan kaming dalawa, dalawang linggo na ang nakakaraan.
He cupped my butt and let my legs wrapped on his waist. Hindi naputol ang mga halik namin. Tinungo niya ang visitor’s couch at umupo siya roon. I was straddling him. I felt his hard glory in between my thighs. Ang kanyang mga kamay ay nag-umpisa na ring maglikot. I gasped for air pero muli niyang hinuli ang mga labi ko. Hindi ako tumutol ng halikan niya ako ulit.
But when I remembered that we’re still in the office, ako na mismo ang pumutol sa halikan namin.
We were panting really hard and fast. I rested my head on his shoulder. Ang lakas ng kabog ng dibdib naming dalawa. Nakakabingi. Medyo masakit sa dibdib. Nag-angat ako ng tingin sa kanya and I smirked when I saw my lipstick marked on his lips.
“Halla, nagkalat ang lipstick ko sa labi mo. Sandali, pupunasan ko.” Ani ko.
Umalis ako sa kanyang ibabaw para kumuha ng wipes sa aking bag. Nang bumalik ako sa tabi niya, I gently wiped his lips. Kumuha rin siya ng wipes at pinunasan din ang labi ko.
“I’m sorry, I ruined your lipstick.”
I smirked. “Ang takaw mo kasi sa halik.”
Pagkatapos ko siyang linisan, I went to the bathroom to throw the used wet wipes in the trash bin. I fixed myself and my dress when I noticed, he already unhooked my bra! Ang bilis ng kamay niya. Hindi ko iyon namalayan.
Sarap kasing humalik, ‘no? Kaya ka nabuntis, eh. I said to myself.
Paglabas ko roon, nadatnan ko ang isang matangkad na lalaki sa opisinang iyon. May hawig siya kay Alfie, maybe a few years younger than him. I gave him a small smile and went back to my table.
“New secretary?” he asked Alfie. Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Pareho na silang nakatingin sa akin kaya mabilis kong binawi ang tingin ko and busied myself reading my notes for that day.
“Kumusta ang lakad mo sa Sta. Ana?” Alfie asked. Nagbuga ako ng hangin dahil sa narinig. Napansin niya sigurong hindi ako kumportable sa tanong ng lalaki.
“Successful, Kuya. Here’s my report, by the way.” Inabot nito ang isang itim na folder sa kanya. Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin.
Kuya? Kapatid niya ito?
“What’s your name, Miss?” he asked.
Umawang ang labi ko sa gulat. Nang tingnan ko si Alfie, nakatingin na rin pala siya sa akin.
“Stop bugging her, Martin. She’s not comfortable.” Alfie warned him.
Humalakhak lang si Martin. “I’m just asking her name. What’s wrong with that?”
“Grae po ang pangalan ko, Sir.” Maagap kong sagot sa kanya.
Tumangu-tango siya. Inulit-ulit pa ang pangalan ko. “Grae… Grae… Nice name, huh.” At muli siyang bumaling sa kanyang kuya.
I stood up and went closer to them. “Gusto niyo po ng kape?” alok ko sa kanya.
“Yes, please. Black coffee, no sugar.” He said. Tumango ako at tinungo na ang pantry.
Mabilis kong inihanda ang kape ng bisita. Igagawa ko na rin si Alfie. After I brewed the coffee, mabilis ko iyong isinalin sa dalawang tasa at ipinatong sa mga platito. I took a small tray at doon ko na inilagay ang mga kape na ginawa ko para sa kanilang dalawa.
Nadatnan kong nag-uusap silang dalawa ukol sa negosyo. Dahan-dahan kong inilapag ang kape niya sa mesa. He murmured thanks. Inilapag ko rin ang kapeng ginawa ko para kay Alfie. I simply nodded at them. Pagpihit ko pabalik sa mesa ay pinigilan niya ako.
“Wait. You mean, Grae is for Gracielle? You are Gracielle Trinidad?” he asked me with confusion.
Kumunot din ang noo ko sa pagtataka. Ang galing namang manghula ng isang ‘to. I nodded uncertainly.
Teka, hula ba talaga iyon? Napaka-imposible naman yata noon.
He scoffed and looked at his brother mockingly. “Oh no, kuya. I knew it.” At malakas siyang humalakhak.
Lumipat ang tingin ko kay Alfie. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa kanyang kapatid. Nang ilipat niya ang tingin sa akin, his expression shifted. He looked at me with concern.
“I will review your reports, Martin. You may go.” Alfie said.
“I’m not yet done with my coffee!”
“Isama mo na iyan palabas. Stop mocking me, you idiot!” angil niya sa bisita.
Lalong lumakas ang halakhak niya dahil sa sinabi ni Alfie sa kanya. Nakaupo na ako ulit sa swivel chair ko.
“Uubusin ko lang ito. Nakakahiya naman sa sekretarya mo kung hindi ko man lang titikman ang inihanda niya.” at kahit medyo mainit iyon, dahan-dahan niyang nilagok ang kape niya hanggang sa maubos iyon. He stood up after he finished his coffee and bid good bye to us.
Nang makalabas ang bisita, kay Alfie nabaling ang atensyon ko.
“Paano ako nakilala ng kapatid mo?” I asked him.
I saw him gulped hardly. Parang nawalan ng kulay ang mukha niya sa sobrang putla. Hindi siya nakasagot.
Lumapit ako kanya. Humalukipkip ako at matalim siyang tiningnan.
“Sagutin. Mo. Ako.” Mariin kong sinabi sa kanya.
Tumayo siya at hinawakan ako sa aking siko. “Babe…”
Kumuyom ang mga kamao ko. “Huwag mo akong ma-babe---babe!” I stomped my feet in irritation. My teeth gritted when I receive no response from him.
Binitawan niya ako dahil naramdaman niyang hindi na ako tumatanggap ng kahit ano’ng panunuyo. Tanging ang sagot lang sa tanong ko ang gusto kong marinig.
He sighed heavily and cursed in the wind. “Damn you, Martin.”