CHAPTER 6

3850 Words
Grae     Dahil sa higpit ng pagkakahapit niya sa akin, hindi ako nakaiwas sa mapupusok niyang mga halik. I tasted alcohol in his hot, luscious mouth. His kisses made my knees tremble at kung hindi niya ako hawak ngayon, baka bumagsak na ako sa kanyang harapan.   I held in his shoulders to seek for support. Dahan-dahan na niya akong inaatras at ng maramdaman ko ang dulo ng kama ko, maingat niya akong inihiga roon.   I tried to answer his kisses pero hindi ko iyon masundan. Nalulunod lang ako lalo sa lalim ng kanyang mga halik. Iniwas ko ang aking mukha para makahinga pero bumaba lamang ang kanyang mga labi sa aking panga at leeg.   My stomach growled loudly. Dinig ko iyon kaya siguradong narinig din ni Alfie iyon. He stopped from kissing me and looked at me with such concern.   “Are you hungry, hon?” he asked me. He’s still panting and his breath is fanning on my face.   I nodded and pouted my lips. My face heated when I realized how embarrassing it is to hear my stomach raging in hunger.   Umalis siya mula sa ibabaw ko at tumabi sa akin. He hugged me. We looked like cuddling, actually.   “I’m sorry. What do you want to eat? I’ll cook for you.” He asked sweetly. Marahan niyang hinagod ang buhok ko.   “Amoy alak ka, Alfie. G-galit ka ba sa akin?” my voice cracked when I asked him, too. Gustung-gusto ko ang init ng kanyang katawan. Hindi ko na kailangan ng kumot para makaramdam ng init dahil sa mga yakap pa lamang niya ay sapat na para hindi ako ginawin.   Umiling siya. He kissed my forehead and continued stroking my hair using his fingers.   “I’m not mad. I can’t be mad at you, honey.”   Gumanti ako ng yakap sa kanya. Para akong hinehele sa bawat haplos niya sa akin. Kahit na amoy alak siya, hindi ko iyon ininda dahil kumportable ako sa init ng kanyang katawan.   “I’m sorry about what happened earlier. I shouldn’t stressed you.” Sabi niya ulit.   “Sorry din.” I said faintly.   Muling tumunog ang tiyan ko pero himalang hind ko na alintana ang gutom. Kung hindi lang ako buntis at inaalala ko si baby sa loob ng aking sinapupunan, wala na akong balak pang kumain.   “My babies are hungry.” He chuckled. He kissed me again on my lips and sat beside me. He crouched too and kiss my lower abdomen. “Daddy’s going to cook for you and mommy. Do you want that? Hmm?” he kissed it again and caressed it.   Nang nilingon niya ako, muling lumapat ang mga labi niya sa akin.   “I’ll just take a quick shower before I cook. Please wait for me downstairs.” He said. Tuluyan na akong bumangon pero marahan niya pa rin akong inalalayan.   I held his jaw and I saw how it clenched. Nangunot ang noo ko sa ginawa niya. This man is not hard to love. He’s very caring and sweet. Malayo sa dating Alfie na nakilala ko noong college kami. I heard stories about him and some of them aren’t nice, especially when it comes to women. He’s not into relationship kaya hindi rin naman iyon matatawag na affair. Pero kung pag-awayan siya ng mga babae, parang akala mo’y good catch itong isang ‘to.   Dinama niya ang bawat haplos ko sa kanyang mukha. I looked at him in his eyes and smiled at him.   “Can I wait for you inside your room?” I asked instead.   Iniwas niya ang tingin sa akin pero pilit ko pa rin siyang iniharap sa aking paningin. Nagpaubaya naman siya ngunit inilihis niyang muli ang paningin niya sa ibang direksyon.   I scoffed. “Tsk. Arte!”   “Grae, kung hindi mo kayang tanggapin ang alok ko sa’yo, huwag mo akong paglaruan ng ganito.” Mahina pero may riin niyang sabi sa akin.   “Give me another reason to marry you.” I said.   Mabilis niya akong nilingon. Hindi niya ako sinagot.   “See? Wala kang maisagot. I will still stand on my decision---“   “I like you, Grae.” He said lovingly.   My lips parted in shock. Napatda ako sa rebelasyon niya. May ganoon ba? Like at first s*x? Posible bang magkagusto ang isang tao sa unang pagtatalik?   Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Tila tinitingnan ko sa kanyang mga mata ang katotohanan ng kanyang sinabi. He gently held my hands and kissed it.   “Isn’t that enough reason to marry you?” he asked huskily.   Umiling ako. “Marriage is only for two people in love with each other. Alfie, I know you’re better than this.”   “Eh ‘di mahalin mo ako. Mahirap ba akong mahalin? Ayaw mo ba sa akin?” pagsusumamo niyang tanong sa akin.   I heaved a sigh. “Lasing ka lang. Please take a shower now. Ako na ang magluluto.” Presinta ko.   “Ba’t ang tigas pa rin ng ulo mo hanggang ngayon?”   His question puzzled me. May kung ano sa paraan ng pagtatanong niya sa akin. Parang…matagal niya na akong kilala. Then I remembered what Lizette said. Posible nga bang kilala niya na ako noon bago pa kami humantong sa kung ano’ng meron kami ngayon?   “Hmm. Lasing ka nga. Ayaw ko sa amoy mo.” I cringed my nose to show to him that I don’t like his smell pero ang totoo, gusto ko lang talagang umiwas sa usapan namin.   “Alright, honey. I’ll take a shower now.” He said.   “Hihintayin kita sa loob ng kwarto mo.” I smiled evilly.   He groaned and eyed me sharply with what I said. I giggled when I saw his reaction.   “Sige na. Arte mo! Nakita ko na ‘yan. Huwag mo nang itago sa akin.” Then I laughed heartily.   Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya nang makita kong muli siyang aamba ng yakap. Ngunit mabilis niya rin akong nahuli. Humalakhak ako dahil sa kiliting naramdaman ko ng yakapin niya ako sa aking baywang habang nakalubog ang mukha niya sa aking leeg.   “Alfie!” I warned him but it sounded like a purr.   Tumawa siya habang habol din ang kanyang hininga. “Don’t you want to see it again?” sabi niya. Ang labi niya ay nasa tenga ko.   “Hindi! Ayoko.” At muli akong humalakhak.   Pumunta kaming dalawa sa kwarto niya. I sat on his couch habang hinihintay ko siyang matapos maligo. Na-engganyo akong puntahan ang malaking glass door niya. Nang hawiin ko ang makapal na kulay abong kurtina, nalula ako sa ganda ng nakita ko. The city lights were shining so brightly. Parang mga bituin na nahulog sa lupa at patuloy na kumikinang. Hinagilap ko ang lock noon para makalabas ako ngunit ang mga malalaking braso ni Alfie ang pumigil sa akin. He wrapped his arms around my waist and rested his chin on my shoulder.   “No babe, it’s cold outside. Baka sipunin ka.”   Naramdaman kong tumuwid siya at hinalikan ang aking ulo. “Kanina ka pa nangyayapos at nanghahalik.”   “Ayaw mo ba?”   “Tss… pagkatapos kong manganak, hindi ka na makakaulit sa akin. Pasalamat ka’t ikaw ang gustung-gusto kong makita palagi.” I said.   “Eh ‘di bubuntisin kita ulit.” He casually said.   I groaned and hit his arm. Natawa siya dahil sa reaksyon ko. We were just like that for a couple of minutes, nakatayo siya sa likod ko habang nakayapos sa aking baywang, hanggang sa mapag-desisyunan naming bumaba na para kumain.   I was playing an online mobile game habang siya ay nagluluto ng ulam. Ayaw niya akong patulungin kahit ang maghiwa kaya naupo na lamang ako roon. I got bored so I played.   Wiling-wili na ako sa nilalaro ko dahil magagaling ang mga kakampi ko pero biglang tumawag si Cholo! Agad ko iyong ni-reject. Kahit malakas ang wi-fi dito sa condo, ayoko ng istorbo sa laro ko.   Muli siyang tumawag pero ibinaba ko ulit. Imbes na one hit na lang ‘yong hero na kalaban, nakatakas pa!   “Tsk! Asar!” angil ko. Narinig kong nagsalita si Alfie pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.   Sa pangatlong tawag ni Cholo, inis akong sinagot ‘yon. I put it into loudspeaker para makapaglaro pa rin ako habang kausap siya.   “Ano?” I asked.   He chuckled. “Alam kong naglalaro ka.” In his low baritone voice. Nang-aasar na naman!   Hindi ako umiimik dahil nagka-clash na kami ng kalaban.   “Hoy!” sigaw niya sa kabilang linya.   “Wait!” sagot ko. Umatras ako dahil naubusan na ako ng mana.   “Ano ba ‘yan!” Aniya.   Ramdam kong lumapit sa akin si Alfie. Hinayaan ko siyang yumakap sa aking likuran habang nakaupo ako sa high chair. Nanonood siya sa nilalaro ko.   “What game’s that, honey?” he asked.   “Mobile… ay na! Iniwan daw ako. Tsk!” palatak ko nang mamatay ang hero ko.   Narinig kong tumawa si Cholo. “Ano Grae, pwede na ba tayo mag-usap?” si Cholo.   “Tungkol ba sa’n?” ani ko.   “Sino’ng kausap mo, hon?” muling tanong ni Alfie sa akin.   “Tsk. Saka na nga lang.” Ani Cholo. Ibinaba na niya ang tawag. Alfie stayed behind me, watching my game intently. Hanggang sa mabasag ang tore at manalo ang grupo namin. I scoffed with confidence.   “Tss. Basic!” palatak ko.   Dalawang kamay na ngayon ang nakayakap sa akin. “Who called? Hmm?”   I lazily looked at him.  “Akala mo ba, hindi ko alam ang ginawa mo kanina”   Ngumuso siya. “What did I do?” he asked innocently.   I smirked. “Alam mong si Cholo ang nasa kabilang linya pero you consistently calling me honey.” I raised my one brow.   “I don’t understand why he is still calling you. Nasa akin ka na nga, magkaka-anak na tayo pero kinukulit ka pa rin?”   Amusement and confusion marred on my face. “Nagseselos ka ba kay Pocholo?”   “Tss.” Binitawan niya ako at muling sinilip ang nilulutong tinola.   I laughed loudly. Gustung-gusto ko nang aminin sa kanya na bakla si Cholo at wala kaming relasyon. Pero imbes na gawin iyon, lalo ko siyang ininis.   “How did you know that Cholo’s my boyfriend?” Mapang-uyam kong tanong sa kanya.   Nilingon niya ako habang hawak ang sandok. “Hindi na ngayon.”   I laughed more with a hint of sarcasm. “I wonder Alfie, stalker ka yata?” I crossed my arms and looked at him directly.   “Whatever you wanna say, Grae.” Seryoso niyang sagot sa akin.   “Tss. Grae na ngayon? Asan na do’n ‘yong honey?” pang-iinis ko sa kanya.   Mabilis niyang sinara ang kaldero at inilapag sa plato ang sandok bago lumapit sa akin. Iginapos na naman niya ako sa kanyang mga yakap.   “You’re making me crazy, hon. Ba’t ayaw mo pa kasi akong pakasalan?” he said sensually.   Ngumisi lang ako.  “Convince me with your answer, Villanueva.”   “If I’ll give you the answer that you want to hear, pakakasalan mo na ako?”   I shrugged my shoulders. “Depende. Puro ka kasal. Manligaw ka muna!”   “We can marry now then I’ll just court you every day. What about that?”   Tinitigan ko siya. A playful smile plastered on my face pero siya, seryoso lang.   We ate dinner and as usual, I ate sumptuously. During my normal days, hindi ako ganito kalakas kumain. Ganito talaga siguro ang epekto sa akin ng pagbubuntis.   “Hindi maganda ito.” Bigla kong sabi.   “Why?” aniya.   “Ang lakas kong kumain. Tataba ako nito.” Habang patuloy ako sa pag-ngata ng almond nuts. Patapos na siya sa pag-hugas ng pinggan.   Humarap siya sa akin habang nagpupunas ng kamay. “I don’t mind. I still like you in that version.”   Lumapit siya sa akin. Isinubo ko ang almond sa kanyang bibig at tinanggap niya iyon. I smiled at him. Nakatingin lang siya sa akin habang nginunguya iyon.   “Pumapayag na ako sa kagustuhan mong mag-trabaho ka.”   My eyes widened with what he said! Isang maluwang na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Sa sobrang excited ko’y napayakap pa ako sa kanya habang impit na tumili.   “Huwag kang malikot, Grae. You’re pregnant!” saway niya.   Hinarap ko siya. “Thank you! Thank you!”   “But you’ll be under my wing. Para mabantayan kita.” Sabi niya.   “H-huh? Paano?”   He sighed. “You will be my female secretary.”   I made face in amusement.   “Wala tayong matatapos!” angil ko.   Tumaas lang ang kilay niya sa isinagot ko sa kanya. I know he already knows what I mean.   “Kung lagi kitang makikita, yayakapin lang kita maghapon!”   Now he smirked. This brute. Alam niyang ganoon ang mangyayari.   “Take it or leave it honey. You still have time until tomorrow. Kung sasama ka sa akin sa opisina bukas, you’re taking my offer pero kung hindi, you’ll stay here. Walang magta-trabaho.” He held my chin and pinched it softly.   Sabagay, kung tatanggapin ko ang offer niya, hindi na ako talo roon. Siguradong trabaho na iyon. Kung ipipilit ko pa ang gusto kong mangyari, magbabangayan lang kami ulit tungkol dito. Ayaw ko nang makipag-diskusyon sa kanya.   “Bakit female secretary?” I asked.                 “Harold is the secretary of the CEO.”   “At ikaw ‘yong CEO, ‘di ba?”   Tumango siya. Ang bata niya para maging CEO. 21 na ako ngayon, tatlong taon o apat lang yata ang tanda ko sa kanya. Ibig sabihin, nasa 24 o 25 lang siya ngayon.   “Wala akong pang-corporate attire.” I said. Medyo nahihiya pa ako nang sabihin ko iyon sa kanya.   “You can wear anything you like. Anyway, you’ll just stay in my office.”   Tumango na ako sa sinabi niya. Sige na. Payag na ako.   “Magkano ang sahod ko?”   He laughed a bit. “How much is your expected salary, by the way?” he asked me. Parang ini-interview niya na rin ako pero…nakayakap siya sa akin.   “Fifteen thousand?” sabi ko.   “Hmm… higher.” He said sensually. Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay pataas sa aking likuran. He stopped in the middle of my back.     “Uhm… T-twenty?” ngunit lalo akong nataranta ng tumaas ang isa pa niyang kamay. It’s now in my underboob. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg habang pinapatakan niya iyo ng mga halik. Para niya akong hinehele sa ginagawa niya. Inaakit niya ako sa bawat halik niya. Itong taksil na katawan ko naman ay nag-uumpisa nang tumugon sa kanyang mga mapanuksong kilos.   “Alfie…” saway ko.   Tumigil siya sa pag-haplos sa akin bago niya ako hinarap. “Ako na ang bahala sa sahod mo. With complete benefits and additional perks.” At saka kumindat sa akin.   I shook my head. “Baliw ka talaga, Villanueva.”   Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa excitement sa unang araw ng trabaho. Naligo ako at nagpalit ng pantalon. Ang blouse ko ay isang half sleeve cotton blouse na kulay pula. Wala akong naidala kahit doll shoe man lang kaya naisipan kong mag white sneakers na lamang.   Alas sais pa lang ng umaga. Malamang ay tulog pa iyon. Ako muna ang maglu-luto ng almusal. Pero laking gulat ko nang madatnan ko na si Alfie sa kusina habang nagluluto. He’s still on his boxers at white t-shirt. May kausap siya sa kanyang cellphone habang ang isang kamay niya’y may hawak na siyanse.   “Yes, Harold. Magpa-akyat ka na. Set it inside my office. We’ll be there before 9…” he paused for a while. “Get a more comfortable swivel chair. Thank you.”   Ibinaba niya ang cellphone at muling itinuon ang atensyon niya sa pagluluto. Hindi pa rin niya ako napapansin kaya ako na ang gumawa ng paraan para mapansin niya ako.   Dahan-dahan kong ibinaba ang bag ko sa counter island at nilapitan siya. Maingat akong kumilos para hindi ako makalikha ng anumang gulo. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya, I hugged him from behind.   I felt him stiffened. Sa gulat niya rin siguro ay napamura siya pero hindi ko iyon pinansin. Sininghot ko ang kanyang amoy. Kahit hindi pa siya naliligo, ang bangu-bango pa rin niya.   “You’re early hon…” he said. Hindi ko inalis ang yakap ko sa kanya kahit kumikilos siya.   “Ganito ang gusto mo? Paano kapag nasa opisina na tayo?” tanong ko.   He only chuckled at hinarap na niya ako. “Maupo ka na. I’m almost done.”   “Ako na maghahain---“he cut me off.   “Ako na, hon.” Iginiya niya na ako paupo sa dining chair at nagmadali siyang ilapag sa mesa ang mga naluto niya.   After we ate, siya pa rin ang nagligpit sa kusina. Halos ayaw niya akong pagalawin sa loob ng bahay niya. Kahit kaya ko namang tumulong ay hindi niya ako hinahayaan. Katwiran niya’y mas kailangan ko ng pahinga.   Ten minutes before nine in the morning ay nasa basement na kami ng building ng opisina niya. Kasama namin iyong dalawang lalaki nang pumasok kami sa lobby. Ang sabi ni Alfie sa akin, kasama rin namin sila kahapon sa ospital. Hindi ko lang daw sila naramdaman.   Alfie held the small of my back when we crossed the lobby. Ang mga mata ng mga empleyado ay nakatuon sa amin…o sa akin. Naramdaman niya na ang alangan ko kaya imbes na sa likod ko lamang siya nakahawak, kinuha niya ang aking kamay habang papunta kami sa elevator.   “Sino ‘yan?” dinig kong bulung-bulungan nila.   “Ewan. Girlfriend siguro. Magka-holding hands eh.”   “Girlfriend? Eh ano si Ma’am Venice?”   Nang tingnan ko sila mula sa kabilang pila ng elevator, para silang mga dagang nagkukumahog sa pagtago at bigla silang nanahimik. Hinigpitan ko na lamang ang hawak ko kay Alfie dahil sa nararamdaman kong hiya ngayon.   “Narinig ka yata. Chismosa ka kasi!” ani noong isang babae.   Venice? Sino ‘yon?   Nilingon ko si Alfie. Bakas sa itsura niya ang saya at excitement. Nang bumukas ang elevator, nilingon niya ako habang nakangiti bago niya ako iginiya papasok doon.   Habang nasa loob kami ng elevator, sinubukan kong kumalas mula sa pagkakahawak niya sa akin. Nilingon niya ako ng maramdaman niya iyon.   “Bitiwan mo ako, Alfie.” Bulong ko sa kanya. Nilingon ko ang dalawang lalaking nasa harap namin.   He smirked. “Ngayon pa? Kanina sa lobby, ang higpit ng hawak mo sa akin.”   Nangunot ang noo ko. “Kasi ang daming tao kanina! Pinagbubulungan nila ako.”   “So you only intend to hold me tightly when people are around? I didn’t know you’re territorial, hon.”   Sasagutin ko pa sana siya pero narinig ko ang pagtunog ng elevator. Hudyat na nasa tamang palapag na kami.   Mabilis naming tinahak ang kanyang opisina. Nadaanan namin ang isang desk na may nakalagay na ‘Secretary of the Chief Executive Officer’. Nakita kong mabilis na tumayo roon ang isang matangkad at matipuno rin na lalaki. Sa tingin ko’y mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon.   “Good morning, Sir.” Pormal niyang bati kay Alfie. When his eyes darted on me, bumati rin siya sa akin. “Good morning, Ms. Grae.”   Kilala niya ako?   Alangan akong ngumiti at bumati sa kanya pabalik. “Good morning din.” wika ko.   “Harold, maayos na ba ang mesa niya?” Si Alfie.   “Yes, Sir.” At saka niya kami iginiya sa loob ng isang silid.   Pagpasok ko roon, nalula ako sa ganda at luwang ng kanyang opisina. Glass wall ang nasa likod ng kanyang office table! May mga shelves din na punung-puno ng libro at ang mga mwebles, nagmumura sa karangyaan!   “This will be your working table, hon.” Alfie said.   Bigla akong natauhan sa tawag niya sa akin. Mabilis ko siyang nilingon at pinandilatan. Pero nag-patay malisya lamang siya.   Pinasadahan ko ang table ko. Kumpleto na sa mga gamit. May computer table pa, telepono, intercom, isang desktop, at iba pang gamit pang-opisina.   “Kung may kailangan ka pa, Miss, sabihin mo lang po sa akin.” Magalang na sabi ni Harold.   Mabilis akong umiling. “Okay na po ito, Sir.”   “Thank you, Harold.” Alfie said.   Tumango lang sa amin si Harold at tahimik na lumabas sa opisina.   Binalingan ko kaagad si Alfie. “Stop calling me ‘honey’ in front of your employees!” I scolded him.   He was settled already in his swivel chair when he answered me. His brow raised. “I will call you what I want. I’m your boss now.” Then he smirked evilly.   Aba…   I took a deep breath and tried to calm my nerves quickly. “Sino’ng magtuturo sa akin sa mga dapat kong gawin?” malumanay kong tanong sa kanya.   He is now scanning some papers when he answered me. “Just stay in my office, Grae. You don’t have to do anything. But…” bumaling siya sa akin. “If you miss me, you can just go here in my table and hug me.” Nakangiting turan niya.   Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Akala ko ba sekretarya mo ako?”   “You are.” He answered me lazily.   Iyon na ang huling sagot niya sa akin. Hindi ko na siya nakausap ulit dahil ilang sandali ay iniwan niya na ako roon dahil may dadaluhan siyang short notice na meeting sa conference hall.   “Sasama ba ako?” I asked.   Umiling siya. “I hope you’ll be fine here.” May itinuro siyang pintuan sa kanang bahagi namin. “That’s the pantry. If you’re hungry, pumunta ka roon. Pinakumpleto ko na iyan kay Harold.”   Tumango ako sa kanya na parang batang naintindihan ang utos ng nakakatanda.   He squatted in front of me so that our eyes will meet. “Text me if you need something, ‘kay?” Masuyo niyang sinabi sa akin.   I nodded again. Bago siya umalis, he gave me a kiss in my forehead.   Pinasadahan kong muli ang kabuuan ng buong opisina niya. I sighed. Mukhang ni-hire niya lang yata ako para samahan siya rito maghapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD