CHAPTER 5

3379 Words
Grae     “Ms. Trinidad?” tawag sa akin ng isang babaeng medical staff.   Tumayo ako mula sa gang chair na inuupuan namin ni Alfie kanina. Ngumiti ito sa akin ng makalapit ako sa kanya.   “Pasok na kayo, Ma’am.” Aniya. Hinarap ko si Alfie para sabihing hintayin na lamang nya ako sa labas hanggang sa matapos ako.   “I wanna see it, too, Grae.” Marahan niyang sinabi. Biglang nagsalita ang staff na tumawag sa akin.   “Ma’am, pwede naman pong pumasok si Sir.” Sabi niya.   Nilingon ko si Alfie. He’s smiling at me with his puppy-eyes. Tila nagpapaawang pumayag akong isama siya sa loob.   I heaved a sigh. “Fine. You’ll go with me but please, ayoko ng violent reaction kapag hindi ka naging kumportble sa procedure.” I said.   He smiled merrily. “I promise.”   Nakangiting binati kami ng babaeng doktor nang makapasok kami sa silid na iyon. Binasa niya ang papel na may naglalaman ng impormasyon ko bago siya bumaling ulit sakin.   “Sige, mommy. Higa ka na.” she instructed me.   Alfie took my bag at naupo sa stool sa tabi ng kama malapit sa ulo ko. Tinabunan ako ng doktor ng puting kumot.   “Pakitanggal na lang ‘yong underwear mo para mag-start na tayo.” she said. I nodded at her. Pero pareho kaming nagulat dahil sa malakas na boses na umalingawngaw sa kwartong ‘yon.   “WHAT?” si Alfie. Mariin siyang nakatingin sa babaeng doktor.                Natigilan ang doktora at muling sumulyap sa akin. I sighed. Kaya ayoko siyang isama dito sa loob eh.   I held his arms kaya nabaling sa akin ang atensyon niya. “She’ll perform transvaginal ultrasound. If you’re not comfortable with it, pwede kang lumabas.” Pang-aalu ko sa kanya. Ayoko ring gatungan ang inis na nararamdaman niya dahil baka magkagulo lang sa silid na ito.   He’s staring at me intently. Umiigting ang kanyang mga panga. Hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kanya, showing him that he only got two choices: to go out here or to stay and let the procedure be done.   Then he sighed. “I’m staying.”   I nodded. “I will be okay, don’t worry.” I said. I gave him an assuring smile.   “Whoo!” Nangingiti na umiling ang doktora. She prepped everything she needs. Naibaba ko na rin ang underwear ko at ginabayan ako sa tamang posisyon. Nang ipapasok na niya ang medyo mahabang korteng stick ay nakaramdam din ako ng kaunting kaba. Napakapit ako sa kamay ni Alfie.   “Relax, mommy. Mabilis lang ito.” sabi ng doktora.   Dahan-dahan niyang ipinasok iyon sa aking pwerta. Maya-maya lamang ay lumabas na sa screen ang isang black and white image. It was a 3D image of my womb.   I glanced at Alfie as he stared intently at the monitor.   “Ayun!” the doctor said. Itinigil niya ang paggalaw ng screen at kumuha ng iba’t-ibang anggulo ng imahe ng isang maliit na bilog. “Heto si baby.” Itinuro niya iyon sa amin.   “Probably 7 weeks na siya.” Dagdag niya.   I gulped when I saw my cute little button-size unborn child. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Parang nalulusaw ang kaibuturan ko sa nakikita. Pinaghalong saya at excitement ang naramdaman ko sa nakikita ko ngayon. Na may isang anghel na nabubuhay ngayon sa loob ng katawan ko.   Kung dati ay hindi ako naniniwala sa love at first sight, ang anak namin sa loob ng aking sinapupunan ang nagbigay sa akin ng matibay na patunay.   Dala ng matinding emosyon na nararamdaman ko ay namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Agad ko iyong pinahid. I felt Alfie’s grip tightened more. He even kissed me on my head. Malamang ay dahil sa pareho kami ng nararamdaman ngayon.   “Thank you, Grae. Thank you for this.” I saw him teary-eyed, too. Ngumiti ako sa kanya.   Nang matapos kami roon, inalalayan ako ni Alfie para makatayo. Nag-init pa ang pisngi ko sa hiya dahil siya pa ang nagsuot ng underwear ko.   Saglit naming hinintay ang resulta ng ultrasound. Bumalik kami sa clinic ng OB at nagreseta siya ng mga vitamins at supplements para sa akin at kay baby. Alfie was very attentive to the doctor’s advices. Kinuha pa niya mismo ang cellphone number ni doktora, in case may mga itatanong daw siya.   Si Alfie na rin ang nagbayad at bumili ng mga gamot. We were heading back to his car nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang kinuha ko iyon sa bag ko at i-check kung sino ang tumatawag, it was an unknown number.   “Hello?”   “Hi! This is Pia from SVN Corp. May I speak with Gracielle Marie Trinidad?” magiliw na boses ang bumati sa akin.   “Speaking po.” Bumaling ako sa kasama ko. Mataman lang siyang nakatingin sa akin.   “Hi Ms. Trinidad. I would like to invite you for your final interview on Friday. Are you free?”   “Yes, Ma’am.” Sagot ko sa kanya kahit na hindi ako sigurado roon.   “Okay. I’ll note it. Thank you!” then the call ended. Ganoon lang kabilis ang naging usapan namin.   Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko.   “Who called?” he asked.   “T-taga SVN. Interview daw.”   Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makita niyang maayos na akong nakaupo, isinara na niya iyon at pumasok na rin sa loob.   “When?”   “Friday.”   Tumangu-tango siya. “You don’t really have to work… You know.” He trailed off.   Nakaandar na ang sasakyan pero hindi pa rin kami umaalis doon. I cleared my throat to get his attention. Bumaling siya sa akin. Wrong timing kung dito namin pag-uusapan ‘yon. Baka mamaya pa’y hilaw ang maging desisyon naming dalawa. Magu-usap na lang kami pag-uwi namin.   “Nagugutom na ako, Alfie.”   Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya.   “Where do you want to eat?” he asked.   Wala akong maisip. Ang importante sa akin ngayon ay matikman ko ang gusto kong kainin ngayon.   “Kahit saan basta mayroon silang sinigang.” I gave him my cutest smile.   Natigilan siya’t nakakatitig lang sa akin. Awtomatikong dumapo ang mga palad ko sa aking mukha.   “M-may dumi ba ako sa mukha?” I asked.   Umiling siya. “Let’s look for sinigang, then.” At pinasibad na ang sasakyan.   Dinala niya ako sa isang restaurant ng isang five star hotel dito rin sa Makati. Walangya! Sinigang lang ang inungot ko sa kanya pero dito pa ako dinala. Nakaupo na kami sa isang table na pina-reserve niya kanina. Kaya pala may tinawagan siya habang nagda-drive.   Inilahad sa amin ng waiter ang menu. Alfie ordered for himself. Siya na rin ang nagsabi ng order ko dahil alam na niya kung ano ang gusto kong kainin. I was curious kung ano ang mga pagkain nila rito kaya binuklat ko iyon. Puro Filipino cuisines pala. No wonder, Alfie brought me here. Pero nanlaki ang mga mata at nalaglag ang panga ko ng makita ko ang presyo sa bawat putahe.   Kung bibili ako ng rekados sa palengke base sa presyo nila rito, baka hindi lang good for 2 ang mailuto ko, baka good for everyone pa!   I gulped at dahan-dahang isinara ang menu. Nang kunin ito ng waiter sa akin ay pagak lang akong ngumiti sa kanya.   “What’s wrong?” Alfie asked. Naramdaman niya yata ang uneasiness ko sa nakita.   “A-ang mahal no’ng sinigang. Parang nawala ‘yong paglalaway ko.” I said.   He shook his head and smiled. “Don’t mind it, Grae. I’m the father of our child. I’m responsible for your cravings.”   Kinamot ko ang kilay ko sa isinagot niya sa akin. Ang lakas magwaldas ng pera. Ako ang nasasayangan. Pero nang ihain sa amin ang mga pagkain, naglahong parang bula ang mga alinlangan ko kanina. Kaya pala mahal ang presyo. Amoy pa lang, busog na ako!   We were on our way home after we ate in the hotel. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko habang nakasakay na kaming dalawa sa elevator. Damang-dama ko ang pagod sa lakad namin ngayong araw, partida pasahero lang ako ni Alfie.   Hindi ko naiwasan ang humikab. I felt sleepy. Alfie saw me while yawning and covered my mouth using my free hand.   “Are you tired?” he asked.   Tumango ako. “And sleepy, too.” Pero kailangan kong labanan ang antok ko dahil kailangan ko pa siyang kausapin tungkol sa magiging set-up naming dalawa.   Diretso akong naupo sa couch nang makarating kami sa condo niya. Siya naman ay patungo sa kanyang kwarto. I pouted my lips. Paano ko ba uumpisahan ang pakikipag-usap? Obviously, wala pa siyang sinasabi sa akin tungkol rito at napapansin kong ang gusto niya lang ang nasusunod. Kailangan ko rin ang mag-trabaho para sustentuhan ang pamilya ko sa probinsya.   Wala sa isip kong tumayo at sundan siya sa loob ng kwarto niya. Yayayain ko na talaga siyang mag-usap kami para malinawan na rin ako.   Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto ay agad kong pinihit iyon. But it’s too late to realize that I didn’t knock on his door! Dahil pagpasok ko’y nadatnan ko siyang hubo’t hubad habang nagsusuot ng boxer shorts!   “Sorry!” at mabilis kong isinara ang pinto. Ang bilis ng pagtahip ng dibdib ko! Parang nagkakarerahan! Pati ang pagtibok no’n ay dinig na dinig ko.   Mabilis akong bumaba para tunguhin ang kusina at makainom ng tubig! Makalma man lamang ang sistema ko. Kumuha ako ng baso at nagsalin roon ng tubig galing sa pitsel na inilabas ko sa ref. Hindi ako nakuntento at nagsalin pa ako ng kalahati. After drinking, I washed the glass and placed it back to the glass rack. Ibinalik ko rin ang pitsel sa loob ng ref.   I closed my eyes and tried to act normal. Maybe I’ll just go to my room first to change my clothes. Ngunit nang pumihit ako palabas ng kusina ay siyang dating ni Alfie. He’s already wearing a white t-shirt and maong pants.   “You need me?” he asked while smirking naughtily at me.   I sighed and nodded. Tutal ay narito naman na siya, heto na ang magandang pagkakataon para mag-usap kaming dalawa.   “Alfie, mag-usap tayo. Doon sa sala.” At umalis na sa kanyan harapan.   I sat on the large couch habang siya ay napiling umupo sa single couch. He looks like a king sitting on that couch, naka de-kwatro pa habang nakahilig ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid nito.   I cleared my throat before I ask him. “Ano’ng balak mo ngayon?”   Tumaas ang isang kilay niya. “Balak?”   “Oo. Sa akin… sa magiging anak natin.”   He touched his chin. “I am taking my full responsibility for the both of you.”   “Alam ko. Nakikita ko naman. Pero… paano?” I asked. Medyo nako-confuse na ako sa mga sagot niya. Masyadong general.   “I’ll provide for you and for our baby.”   Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ang sentido. “Okay, sige. Ganito na lang. Hanggang kailan?”   “Forever?” Aniya.   I sighed. Ako na nga lang ang maglalahad ng baraha. “Okay. You can support our child. Sa ngayon, pwede mong ibigay ‘yon through my monthly check-ups at mga ibang kailangan ko throughout my pregnancy.”   “O---kay.” Sagot niya.   “But I have to work.” There. I said it.   Umayos siya sa pagkakaupo. “No f*****g way, Grae. Hindi ako papayag diyan.”   I bit my lower lip. Mukhang mahihirapan ako sa page-explain sa kanya.   “Alfie, kasi ganito---“   “You’re pregnant!”   “Marami akong kilalang buntis na nakakapag-trabaho pa rin, Alfie. Sige, para mapanatag ka, hindi ako maghahanap ng trabaho na risky. Clerical muna. Pwede ring company nurse. Kahit ano! Basta kailangan kong magtrabaho.”   He shook his head. “You’re really stubborn.”   “May pamilya akong kailangang suportahan, Alfie. May mga kapatid akong kailangang pag-aralin. It’s my time to give back all their sacrifices for me.” I explained.   “Don’t worry about them.” Aniya.   Nangunot ang noo ko. “Bakit? Alfie, they are my family---“   “I’ll support them. Ako na ang bahala sa kanila.” Walang gatol niyang sinabi sa akin.   Napatayo ako sa sinabi niya. “Hindi mo gagawin ‘yan.”   He stood up, too. “Grae, do we really have to fight about this? I already told you. I will take care of you and our child. And if taking care of you means supporting your family, too, I will also take responsibility for that. Just please… Huwag ka ng magtrabaho. Hmm?” He came closer and held my shoulder.   Hindi ako nakapagsalita. Nakakapagod namang magpaintindi sa kanya.   Hinawakan niya ang baba ko para igiya ang paningin ko sa kanya. “I can provide for us. Even for your family. Hindi ako mangingiming tumulong sa kanila.” Marahan niyang sinabi sa akin.   I shook my head. Hinawi ko ang kamay niya. “Why do you always insist that, Alfie?” Nanghihina kong tanong sa kanya.   “Because I’m capable.” Marahan niyang sinabi sa akin.   “Nabuntis mo lang ako. Ang responsibilidad mo ay limitado lang sa magiging anak natin. Hindi kita asawa!”   “Then, let’s get married! Kung iyan lang pumipigil sa’yo para gawin ko lahat ng ito.” He held both of my hands. “Marry me, Grae. Kahit saan, kahit kailan. Sabihin mo lang sa akin.” He said frustratingly. He let go of my hands and cupped my cheeks.   Napatda ako sa sinabi niya. Kanina lang ay binibiro niya ako tungkol dito pero hindi pumasok sa utak ko na tototohanin niya ang alok sa akin. Kung iisipin kong mabuti, maswerte akong disgrasyada dahil responsable ang nakabuntis sa akin. Hindi ko na kailangang magtrabaho dahil prente na lamang akong maghihintay sa kanya ng sustento. Pati ang pamilya ko, damay sa biyayang matatamasa ko.   Pero hindi iyon kaya ng konsensya ko. Hindi ko kayang samantalahin ang kalagayan ko para sa ginhawang inaalok niya sa akin. Surely, it’s a big help for me and for my family pero hindi ko talaga kayang tanggapin ang gusto niyang mangyari.   He caressed my cheeks. “Payag ka na, hon? Magpapakasal tayo.” he said. His voice has a hint of hope.   I gulped. “Hindi ko kayang tanggapin ‘yang alok mo. Hindi ko kayang magpakasal sa’yo ng dahil lang sa may responsibilidad ka sa akin.” tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking mukha at iniwan na siya roon.   Ilang oras na akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Pag-akyat ko sa 2nd floor ay naaninag ko si Alfie na pumasok sa library at pabalyang isinara ang pinto. I know he’s mad. Mukhang nasaktan ko ang ego niya. Sino ba’ng hindi magagalit sa katigasan ng ulo ko? Ako na nga itong disgrasyada’t inaalukan ng malaking biyaya, ako pa itong tatanggi.   In the first place, hindi ba’t kaya ako narito ay dahil sa child support na gusto kong mangyari? Ngayong inaalukan ako ng sobra-sobra sa hinihingi ko, heto naman ako’t hindi ko matanggap-tanggap.   I called Lizette to ask for advices. Hindi niya ako binigo dahil hindi nagtagal ay sinagot niya rin ako. “Oh kumusta, Mrs. Villanueva?” She giggled. I rolled my eyes with her joke.   “Pati ba naman ikaw, Zette?” I hissed.   Halakhak lang ang isinagot niya sa akin.   “Hindi ko alam ang gagawin ko, Lizette.” I said. Pinaglaruan ko ang dulo ng t-shirt ko.   “Bakit? Pinapahirapan ka ba niya diyan?”   I gulped. “Hindi. Spoiled nga ako eh. Ayaw akong pakilusin dito sa condo niya.”   “Naman pala eh! Ano’ng problema?” she asked.   “Ayaw niya akong mag-trabaho, Zette.”   Natigilan ang kausap ko sa cellphone. I can only hear her breathings.   “Natanong mo ba kung bakit?”   “Buntis daw ako kaya ayaw niya akong mag-trabaho.”   “Sinabi mo ba ang rason mo kung bakit gusto mo paring mag-trabaho?”   Tumayo ako at tinungo ang glass door papuntang veranda. Pinagmasdan ko ang ganda ng kalakhan ng siyudad.   “Sinabi ko. Pero ang sabi niya, siya na rin daw ang susuporta kila Papa.”   Hindi siya nakasagot. I continued talking.   “Zette, inalok niya rin ako ng kasal.”   “What? Eh ano’ng isinagot mo?” excited na tanong niya.   “Hindi ko tinanggap.” Tipid kong sagot.   “Tonta.” Narinig kong sagot niya.   “Hah?” I asked.   “Grae…” natigil siya ng ilang segundo bago nagsalita. “Tell me the truth. Alam kong may gusto ka kay Alfie since college. Was there a time na nakasama mo ba siya noon? Dati ka na ba niyang kilala?” Sunud-sunod na tanong niya.   Nag-isip ako. May mga mangilan-ngilang pagkakataon na nakakausap ko siya noon. Pero napaka-iksi lang na encounter iyon. Ang pinakamahabang naging pagsasama namin ay noong Leadership Training ng mga college at university student leaders. 2nd year college ako noon at siya naman ay 5th year at graduating sa kurso niyang engineering. Pero sa sobrang dami naming nag-participate noon, hindi kami halos nagkakausap dahil magkaiba ang department namin.   “Hindi ko sigurado, Lizette.” I answered.   She sighed. “We’re missing something here, Grae. Kung ako ang tatanungin ah? Bakit ako maga-alok ng kasal sa isang estrangherong nabuntis ko lang? Saka one-night stand? ‘di naman siguro siya bobo para buntisin ka. We really know his reputation about women way back college at magpahanggang ngayon.”   Natigilan ako sa sinabi niya. She got a point. Pero…   “Maybe because of responsibility? Remember, virgin ako---“   “Walang pakealam sa virginity ang mga playboy, Grae. Okay. Let’s say, tanggap niyang siya nga ang ama. Kung wala akong feelings sa babae, financial support na lang ang ibibigay ko sa nabuntis ko. Hindi ako magpapatali.”   So ano’ng ipinupunto niya? Na may gusto sa akin si Alfie?   “Iyan ang alamin mo, Grae. May hindi tayo nalalaman tungkol kay Alfie. I’m not saying na pagdudahan mo ang intensyon niya sa inyong mag-ina. I know he’s a good man when I saw how he stood for you. Pero kailangan nating malaman kung bakit ganyan siya umasta sa’yo.”   Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Lizette. Imbes na hihingi lang ako ng advice sa kanya tungkol sa problema ko, binigyan pa niya ako ng panibagong iisipin.   I heard my stomach growled. Alas sais na pala ng gabi. Hinaplos ko ang aking puson at kinausap ang baby ko.   “Gutom ka na baby? Baba na tayo? Kaso galit ang daddy mo eh. Baka ‘pag nakita niya si mommy sa baba, mag-away na naman kami.” I said.   Pero kalam lang ng sikmura ang narinig kong tugon sa sinabi ko. I chuckled a bit. Nagdesisyon na akong tumayo at lumabas na sa kwarto para makapagluto. Baka hindi pa lumabas si Alfie sa library. Inayos ko ang aking sarili bago ko pinihit ang seradura ng pinto.   Ngunit laking gulat ko dahil pagbukas ko ng pintuan ko ay nakatayo na roon si Alfie. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya habang nakatungo sa sahig. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. He looked tired and stressed. Akma ko siyang lalapitan but I flinched when I smelled him. Amoy alak siya.   “G-Grae…” he said.   My lips parted when I heard him speak. Pero hindi ko napaghandaan ang mga sumunod na pangyayari dahil hinapit niya ako sa aking baywang at sinugod ng kanyang malalalim na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD