CHAPTER 4

3351 Words
Grae     Binati ako nang pagduduwal sa unang umaga ko rito sa condo ni Alfie. Patakbo kong tinungo ang banyo at nagdududuwal kahit halos tubig na lang ang inilalabas ko. Kumapit ako sa inidoro para kumuha ng lakas dahil para akong mabubuwal sa sobrang panghihina.   “Grae?” dinig kong tawag sa akin ni Alfie. Hindi ako tumayo agad para tingnan siya dahil para akong nanginginig sa sobrang panghihina. Isinandal ko ang sarili sa tiled wall at napaupo sa harap ng inidoro. Hinihingal ako dahil halos mapugto ang hininga ko sa sunud-sunod na pagduduwal.   Pumasok si Alfie sa banyo at napamura pa nang madatnan akong nakasalampak roon. Tiningnan ko lamang siya ngunit naramdaman ko na naman ang pamumuo ng asim sa sikmura ko.   “Are you alright? You’re pale.” He said worriedly. Hinawakan niya ako sa aking kamay at akmang itatayo ako pero hinawi ko iyon at muling kumapit sa inidoro dahil sa nagbabadyang pagsuka.   Habang nagsusuka ako ay hinahagod ni Alfie ang likod ko. Sininop niya rin ang buhok ko at hinawakan iyon para hindi mapunta sa mukha ko. In the middle of my continuous gagging, I got conscious with myself. Hindi pa ako nakakapaghilamos at ang sabi niya kanina’y maputla rin ako.   Nang kumalma ang nagwawalang sikmura ko, muli akong napaupo sa harap ng inidoro at isinandal ang sarili sa pader. Alfie wiped my mouth using a box of tissue. Akma kong kukunin iyon sa kanya pero hinuli niya ang kamay ko.   “Ako na. Do you want us to go to the hospital? I’m worried.” Aniya. Kumuha siya ng panibagong tissue para punasan naman ang namuong pawis sa noo at leeg ko.   Umiling ako. “This is normal.” Tumayo na ako para i-flush ang inidoro. Inalalayan niya akong tumayo. When I was able to get my balance, hinarap ko siya.   “Lumabas ka muna, maghihilamos lang ako.” I said.   Tumango siya. “I’ll wait outside. I brought you breakfast.”   Nang makalabas na siya ng banyo, agad akong nag-ayos ng aking sarili. Dinampot ko ang mga nagamit na tissue at itinapon sa trash can. I looked myself in the mirror. Tama nga siya, maputla ang mukha ko. Nangingitim rin ang baba ng mga mata ko. In short, I looked like a mess.   Lumabas na ako ng banyo. Nadatnan kong nakaupo si Alfie sa dulo ng kama habang may isang tray ng pagkain sa tabi niya. Bigla akong natakam dahil sa amoy niyon at naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Nang tingnan ko siya, he’s looking at me intently.   “I brought you breakfast. I thought you’re still sleeping kaya dinala ko na rito.” Aniya.   Tiningnan ko ang laman ng tray. Pancakes, eggs, bacon, at may ilang slices ng apples at strawberries. May isang baso rin ng gatas.   I looked at him again. “Ikaw? Kumain ka na?” marahan kong tanong sa kanya. Umiling siya at saka ngumiti.   “Mauna ka na. I can take care of myself. Ang importante ay ikaw.”   I pouted. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Thoughts of him preparing my breakfast made my heart felt something very strange. Halu-halong emosyon agad ang rumagasa sa dibdib ko.   Pero hindi ko gustong kumain ng walang kasalo. Parang malungkot.   Tumayo siya at nilapitan ako. He held me on my elbow. “Is there a problem, Grae? A-ayaw mo ba ng hinanda ko? What do you want?”   Umiling ako. “Mukhang masarap pero…” iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Gusto ko ng may kasabay kumain.” Mahinang turan ko sa kanya.   Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Hinawakan niya ang batok niya na parang nagi-isip.   “Uh… s-should I bring my plate h-here or...” he stuttered. Tumingala siya. “Damn it.” He murmured.   I giggled at his reaction. “Bumaba na lang tayo, Alfie.”   He looked at me straight from my eyes. His expressive brown eyes looked like a portal through his mind and soul. Sa tuwing tinitingnan ko iyon ay para akong dinadala sa ibang dimensyon. At kapag hinuhuli niya ang mga tingin ko, para rin akong hinahalukay ng kanyang mga tingin.   Binuhat niya ang tray at lumabas kami sa kwartong ‘yon. Pagdating sa dining table, naroon pa ilang sobrang pagkain. Siguro ay para sa kanya iyon. Nang maiayos niya ang pagkain ko, naupo na siya sa tabi ko. We ate silently. Tanging ang tunog ng mga kubyertos lamang ang naririnig ko.   I am enjoying my food. Hindi ito ang nakasanayan kong agahan sa amin pero nagustuhan ko iyon. Halos hindi ko nga mabalingan ng tingin si Alfie because I was busy munching my pancakes, with chocolate spread and slices of strawberry. Alam kong tinitingnan niya lang ako pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Pati ang gatas na tinimpla niya para sa akin ay sinimot ko rin.   Ibinaba ko ang baso sa mesa matapos kong maubos ang laman no’n. Ang linis ng pinagkainan ko. Wala akong itinira. I’m so satisfied with my meal when suddenly, I burped loudly!   Mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay ko. I heard Alfie’s chuckles. Nahihiya akong lumingon sa kanya.   Ibinaba ko ang kamay ko at binigyan siya ng hilaw na ngiti. “S-sorry…”   He smiled at me widely. “I’m glad you liked the food.”   Tumangu-tango ako habang nakangiti sa kanya. “Masarap! Pero ang dami ko yatang nakain.”  Kinamot ko ang kilay ko.   “It’s alright. Dalawa na kayo ng baby natin ang kumakain kaya I’m willing to give you everything you like to eat.” He winked at me.   Parang tumalon ang puso ko sa ginawa niyang pagkindat sa akin. Pakiramdam ko’y may nagu-unahang kulisap sa tiyan ko. Lumabi ako para maitago ang kilig na nararamdaman ko.   Nagpresinta ako na maghugas ng pinagkainan namin pero ayaw niya. Aniya, magpahinga na lamang daw ako.   “Hindi ka ba papasok ngayon sa opisina?” I asked. Nakaupo ako ngayon sa dining chair habang pinagmamasdan ko siyang naghuhugas ng pinggan.   “No. We’ll go to the hospital today. I already set an appointment with your OB.” He casually said.   “Ano’ng oras?”   Nilingon niya ako. “11 a.m.”   “Okay.” I said.   Napako ang tingin ko sa kanya. He’s wearing a white round neck t-shirt na hakab sa kanyang katawan. His muscles in his arms and chest flexed every time he moved. Bumaba ang tingin ko sa kanyang abdomen. I remembered the night that we’ve shared, how my hands trailed and roamed around his hard chiseled abs. Bumaba pa ng kaunti ang tingin ko sa kanyang puwitan. I bit my lower lip. Parang tinapay na mayaman sa yeast dahil sa tambok no’n. Nadako rin ang atensyon ko sa kanyang harap…sayang, hindi ko makita. He’s wearing a dark blue short…or boxers na ba ito? I’m not sure but his strong and long thighs and legs were exposed.   My brow raised when I realized that this man is a sexy beast. Idagdag mo pa tangkad niya na agaw-pansin. I licked my lower lip and shook my head once.   “Grae!” I heard. Pero hindi ko siya pinansin. I indulged myself in feasting his sexy body.   Nangunot ang noo ko. Wait. Am I checking him out?   “Gracielle!” his voice thundered when he called my name.   Napatda ako nang marinig ko ang malakas na tawag niya sa akin. Para akong batang nahuli na may ginagawang kasalanan. Inayos ko ang pagkakaupo ko at agad siyang tiningnan.   Mabilis siyang lumapit sa akin. Sa taranta ko’y napatayo ako bigla. He leaned his both arms on the table, caging me in between. My body bend a little backwards dahil kung hindi, tatama ang mukha ko sa kanyang mukha.   “Why are you checking me out? Huh?” He asked sensually.   Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. So all this time, kanina pa siya nakatingin sa akin? Agad akong naghagilap ng maisa-sagot sa tanong niya. My heart beat’s raced like a marathon, my knees trembled and my breathing’s a little bit faster.   “I-I don’t k-know.” Sagot ko.   He scoffed. Laking gulat ko ng binuhat niya ako at pinaupo sa dining table na yari sa kahoy. I shrieked a bit and held in his shoulders tightly. Mas lumapit pa siya sa akin. My legs automatically spread out to welcome his huge built.   “Next time, make sure I won’t catch you checking out on me. You’re a temptress, Grae, in case you didn’t know. Baka makalimot ako’t maulit ang nangyari no’ng gabing ‘yon.” He whispered on my ear.   It sounds like a warning to me. Pero bakit parang nagustuhan ko iyon? Parang gusto kong mahuli niya ako ulit na nakatingin sa kanya.   Nang magtama ang mga tingin namin, nakita kong namumungay na ang kanyang mga mata. I saw how his eyes darted on my lips. Unconsciously, I licked my lower lip. Nangunot ang kanyang noo sa ginawa ko at muling inilipat ang tingin sa aking mga mata.   “I don’t want you to be afraid of me, Grae. So please…behave.” He said in a low dangerous voice.   Mabilis akong tumangu-tango sa sinabi niya. Inilayo na niya ang kanyang sarili at umalis na sa kitchen.   Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang nagu-unahan sa bilis. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa kanina. Maybe because of pregnancy hormones. Iba-iba naman ang gusto ng mga buntis depende sa mood.   I love his scent. Be it natural or his perfume. Kapag lumalapit siya sa akin, nagiging kumportable ang pakiramdam ko. Kapag nakikita ko siya, ang gaan-gaan ng loob ko.   Damn pregnancy hormones. Nakakaloka.   Dahan-dahan akong bumaba sa mesa at tinungo na ang kwarto ko para makapaghanda sa check-up ko mamaya.   Nasa sasakyan na niya kami para pumunta sa check-up ko sa ospital. I wear a short sleeved floral wrapped dress na hanggang tuhod at simpleng flat sandals. Simpleng lipstick at pressed powder lang ang inilagay ko sa mukha ko. I put a metal headband on my head para hindi tumatakas ang buhok ko na lampas balikat papunta sa mukha ko,   “Saang ospital tayo pupunta, Alfie?” I asked. Hinihila ko ang seatbelt niya pero hindi ko magawa. It was stucked. “Paano ba ‘to?” I murmured.   Nilingon niya ako at nakitang nahihirapan sa pag-seatbelt. “Wait. Let me.” Lumapit siya sa akin para hilain ang seatbelt. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin, konting galaw lamang ay magdidikit na iyon sa mukha ko. I inhaled his scent again. Ang bango talaga! Kung hindi niya lang ako binantaan kanina, baka pinapak ko na siya ng halik dito sa loob.   I giggled. Kakakilig!   Nang maikabit niya na ang seatbelt niya ay napansin kong natigilan siya sa ginagawa. I looked at him to check if there’s something wrong. Nadatnan ko siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay.   I cleared my throat. “What?” matapang kong tanong sa kanya.   Naningkit ang kanyang mga mata. “Why are you giggling?” he asked. Namumuo ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko’t niyakap ko ang kanang braso niya at sininghot ko ang amoy niya.   “Ang bangu-bango mo kasi! Ang sarap-sarap mong amuyin!” Natatawa kong sabi sa kanya.   He laughed at me. Kinalas niya ang seatbelt niya at lumapit sa akin. “Come here.” He said. Nang makita kong aamba siyang yayakap sa akin, I extended my arms, too and welcome him for a tight hug.   Hinagod niya ang likod ko nang ilang ulit habang nage-enjoy ako sa yakap niya sa akin. I even felt his kisses on my head and on my temple.   Ilang sandali pa ay nagsalita na siya. “Feeling better now?” He asked.   I nodded. Ako na rin ang kusang kumalas sa yakapan namin. He caressed my cheeks dearly. “Ako ba ang pinaglilihian mo, hmm?” he asked.   Natauhan ako sa sinabi niya. Pati sa ginawa kong pagyakap sa kanya, pakiramdam ko, sobrang pagi-inarte ‘yong ginawa ko. Baka isipin nitong gumagawa lang ako ng dahilan para maka-puntos ng yakap sa kanya.   I composed myself and cleared my throat. “S-sorry.” Bigla akong nag-seryoso na siyang ikinatahimik niya rin.   He tsked. “Kung ganyan ka lagi sa akin tuwing buntis ka, baka taun-taon kang manganak.” He shook his head.   My jaw dropped literally when I heard him said that. I was totally speechless! Alam kong joke lang iyon pero bakit pakiramdam ko, may laman ang sinabi niya? Ibig ba niyang sabihin, may balak siyang magkaanak ulit sa akin pagkatapos kong manganak sa panganay namin?   Ipinilig ko ang aking ulo. Stop thinking about it, Grae! Your assuming again!   Aalmahan ko pa sana iyon pero nagsimula na siyang magmaneho. Hindi ko rin gustong basagin pa ang awra niya dahil good mood siya. May patapik-tapik pa siyang nalalaman sa manibela habang sinasabayan ang ilang kantang naka-play sa radyo.   Ilang minuto lang ay narating na namin ang ospital. Makati Med? Dito ako nag-OJT noong college kasama sila Cholo at Lizette. Sila Lei ay sa OsMak naman.   “Dito ka pala nagpa-appointment.” I said. Naghahanap siya ng parking place.   “Yeah, the doctor is a family friend so…” he shrugged his shoulders.   “Ah… ‘yong lalaking OB?” tanong ko.   Pinatay niya na ang makina ng sasakyan. “What? Of course, babae! I won’t let you touch by a male OB-Gyne!” Bumaba siya ng sasakyan. I pouted. Sungit.   Binuksan niya ang pintuan sa side ko. He offered his hand and I took it. Ayokong makipag-bangayan sa kanya kaya hindi ko na pinatulan. Hawak niya ang kamay ko nang pumasok kami sa loob ng ospital. Hindi niya iyon binitawan hanggang sa makasakay kami sa elevator.   “Alfie…” tawag ko sa kanya.   “Hmm?”   Napatingin ako sa kamay naming magkahugpong. Parang balewala lamang iyon sa kanya. I tried to remove my hand from his grip but he only tightened it more.   Napatingin siya sa akin at pagkatapos ay sa kamay naming magkahawak. Nangunot ang kanyang noo.   “Don’t try to remove your hand.” He said coldly.   Hilaw akong ngumiti sa kanya. “B-baka may makakita, eh…”   Tiningnan niya ako ng diretso. “So?” suplado niyang tanong sa akin.   “N-nakakahiya...baka---“he cut me from talking.   “Ikinakahiya mo ako?” he fired me with his questions.   Napapikit ako at humugot ng malalim na hangin. “Hindi! Ibig kong sabihin, baka may makakita sa’yong kakilala mo. Ma-issue ka pa.”   “Tsk. Ano naman ngayon? Magkaka-anak na tayo.” hinarap niya ang pintuan ng elevator.   “H-hindi naman tayo mag-on eh. Saka ‘di tayo mag-asawa.”   He scoffed. “If you think I'm having a hard time with our situation, then let’s end it.”   “Paano?”   He looked at me straight to my eyes and tightened his grip on my hand.   “Marry me.”   My lips parted with his words. Ilang beses ba akong magugulat sa mga sinasabi niya sa akin ngayong araw? I was about to answer him when the elevator opened. Hinila na niya ako palabas roon at tinungo ang clinic ng doktor na pupuntahan namin.   Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin kahit nakaupo na kami sa gang chair habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Bakit niya ako aalukin ng kasal? Dahil ba sa nabuntis niya ako? Pakiramdam ba niya’y masyadong mabigat ang naging responsibilidad niya sa akin kaya kailangan pa niya akong pakasalan at bigyan ng pangalan?   I smirked inwardly. I will never marry a man for the sake of responsibility. Kung magpapakasal ako, iyon ay dahil mahal namin ang isa’t-isa, wala ng ibang dahilan.   “Mrs. Villanueva? Nandito na po ba si Mrs. Villanueva?” tawag ng sekretarya ng doktor. May hawak siyang papel. Alfie went to the comfort room to take a pee. May mga mangilan-ngilan akong kasama rito sa upuan para magpa-check up. Pumasok muli ang sekretarya sa loob ng klinika nang walang sumagot sa tawag niya. Siyang dating ni Alfie ay naupo na siya sa tabi ko.   “Did they call your name?” he asked.   Umiling ako. “Hindi pa.” maikling sagot ko. He nodded and rested his back on the chair.   Lumabas ang doktora kasama ang kanyang sekretarya. “Imposible, tumawag na sa akin si Mr. Villanueva. Nakapila na raw sila--- Alfie!” the doctor greeted her.   Tumayo si Alfie para salubungin ang doktora. They shook their hands. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko nang makita kong nag-uusap na sila.   “Ang sabi ng secretary ko, wala pa kayo eh. But I doubt it because you called me before you went here.” She said. Bumaling naman siya ngayon sa kanyang secretary. “Nandito na sila. Baka naman hindi nila narinig ang pagtawag mo?” malumanay na tanong niya rito.   “Eh D-Doc, inulit ko naman ng ilang beses ang pagtawag ko pero walang nag-respond.” She reasoned out.   Natigilan ako ng mapagtanto kong ako yata ang tinatawag niya kanina. Pero bakit Mrs. Villanueva? I looked at Alfie and I caught him looking at me playfully.   “Siya ba Alfie?” sabi ng doktora. She’s looking at me while a smile plastered on her face.   “Sorry, Doc. Hindi ako sumagot agad. Trinidad po kasi ang apelyido, hindi po Villanueva.” I smiled. Nilampasan ko si Alfie at lumapit na sa kanya.   I saw the shock on her face. Pagak siyang tumawa at saka bumaling kay Alfie. “Oh, I’m sorry. I should have known better. So… shall we?” itinuro niya na ang pinto.   Tumango ako habang nakangiti. Nauna silang pumasok habang nasa likod ko si Alfie. Siniko ko siya.   “Ayusin mo ‘yan ah?” banta ko sa kanya.   He chuckled. “I’m sorry, Grae.” He held me on my back at pumasok na kami sa loob.   She did what she had to do. Tinanong niya kung kailan ang first day of menstruation ko, kung kailan ako ng PT kit, ang medical history ko at kung anu-ano pang viable information tungkol sa akin. Binigyan niya ako ng referral sa Sonologist para malaman kung ilang weeks na si baby sa loob ng sinapupunan ko.   “After niyo makuha ‘yong result, bumalik kayo sa akin. Don’t worry, naitawag ko na ‘yan sa imaging department.” Nakangiting sabi niya sa akin.   Kinuha ko ang kapirasong papel bago ngumiti sa kanya. “Thank you, Doc.”   Pagpasok naming dalawa ni Alfie sa loob ng elevator, mariin ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran.   “Aw!” he said. Natatawa pa siya sa ginawa ko sa kanya.   “Bakit mo sinabing Villanueva ang apelyido ko? Hindi naman kita asawa!” I said.   He pouted habang hinihimas ang tagiliran niya. “Well… I just thought…” inumang ko ulit ang kamay ko para humirit pa ng isang kurot sa kanya pero mabilis siyang lumayo sa akin.   “That hurts, babe. Stop it!” he said.   Nangunot ang noo ko nang marinig ko ulit ang itinawag niya sa akin.   “Ano’ng babe? Stop calling me that! I’m not your babe!”   He chuckled “What should I call you then? You think ‘Honey’ is better?”   I eyed him sharply and bit my lower lip. Humalakhak siya sa reaksyon ko. Nang bumukas ang elevator ay nauna na akong lumabas at iniwan siya roon habang patuloy pa rin siya sa pagtawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD