CHAPTER 3

3137 Words
Grae     Habang nasa sasakyan kami, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng mga posibleng mangyari. Ngayong nasabi ko na sa kanya ang kalagayan ko, dapat ko na ring malaman kung may plano ba siya tungkol dito, kung meron man.   Kapag nakarating na lang siguro kami sa apartment, doon ko siya kakausapin.   Nakapirmi ang mga mata ko sa kalsada. Paano ba dapat ang set-up? Saka paano ba dapat ang gagawin? Of course I will demand financial support from him. Iyon nga ang nag-udyok sa amin nila Zette at Cholo kaya namin siya pinuntahan sa bar kanina.   “Grae…” I heard his baritone voice. I automatically looked at him.   “H-Huh?”   He sighed. “You’re spacing out. Kanina pa kita kinakausap.” He said gently.   I bit my lower lip and gave him an uncertain smile. “Sorry.”   “Are you worried?” He glanced at me for a while bago muling itinuon ang tingin sa daan.   “M-Medyo.” My voice cracked. Itinuon kong muli ang atensyon ko sa kalsada. Pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Alfie ang kaliwang kamay ko. He caressed it dearly.   “Don’t be. I’ll take care of everything.” He said confidently.   “Gusto mo bang magpa-paternity test? Para mapanatag ang loob mo. You see, I went to you and dragged here in this situation. Hindi ka ba nagdududa na baka…niloloko lang kita?”   I closed my eyes with the kind of thoughts that I said. Tama bang tanungin ko pa siya ng ganoon? Pero at least, I gave him an option, right?   “Tss. Bakit pa? I don’t need it. Akin yan. Sigurado ako diyan.” He said confidently.   Nang mai-park niya nang mabuti ang sasakyan sa harap ng apartment na tinutuluyan namin, I unbuckled my seatbelt ngunit nagsalita siya na siyang ikinatigil ko.   “Stay there.” He commanded. Maagap siyang lumabas ng sasakyan.   “Ha?” I said.   I saw how swift his moves are. Lumiko siya sa kabilang side ng sasakyan. He opened the door for me. And when he offered his hand, tinanggap ko iyon ng walang paga-alinlangan.   He gave me a smile after he closed the door.   “Pumasok na tayo sa loob. Gabi na. Hindi magandang nagtatagal ka rito. Baka mahamugan ka.” Aniya.   “P-Pati ikaw?” Takang tanong ko sa kanya.   Tumango siya. Iginiya na niya ako papasok sa maliit na gate ng apartment. Dahil naiwan ko ang susi ko sa loob ng bahay, yumuko ako para kunin ang nakatagong ekstrang susi sa ilalim ng malaking paso na may halamang palmera malapit sa pintuan namin.   “What are you doing?” Alfie asked.   Tiningala ko siya. “Ah… kinukuha ko ‘yong spare key. Hindi ko dala ang susi ko.”   Pinatayo niysa ako. “Let me.” Yumuko siya. Inangat niya ng bahagya ang paso. Nang makita niya ang susi, agad niya itong kinuha at ibinigay sa akin.   “That’s heavy. I won’t allow you to lift things like that.”   I gave him a small smile dahil hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin.   “Tuloy ka.” Ani ko. He stepped inside at mabilis na iginala ang paningin niya sa kabuuan ng buong apartment.   “How many of you live here?” he asked.   “Tatlo. Ako, si Lizette, at---“ he cut me off.   “And your boyfriend…” putol niya sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.   Lumapit siya sa akin. Too close, that I can already feel his hot breath. He tucked the loose strands of my hair behind my ear.   “You live here with your boyfriend. But it doesn’t matter to me anymore. You’re already carrying my child.” He whispered.   “Hah?” iyon lang ang nasabi ko.   Napahawak ako sa kanyang matitigas na dibdib. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. He thought Cholo’s my boyfriend. Everyone knows that we have a thing. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero hinayaan kong isipin niya ang gusto niyang isipin. Bahala siya.   “I wonder how you surrendered yourself to me without hesitation.” He said. He held my waist at umabante siya. Umatras ako para pigilan ang unti-unti niyang paglapit sa akin.   Bahagya ko siyang itinulak para pigilan siya pero hindi siya nagpatinag. Hanggang sa tumama ang likod ko sa barandilya ng hagdanan. He moved closer to me. Close enough that I can feel his breath fanning on my ear.   “You’ll leave him. Sa akin ka na sasama. Sa akin ka na titira.” Aniya.   Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Why is he suddenly acting this way? At tama ba ang narinig ko? Sa kanya na ako titira?   “H-Hindi pwede. D-Dito ako nakatira.” Mahinang sagot ko sa kanya. He traced my cheek using his pointed nose. I bit my lip because it felt ticklish.   “I will not allow you to live with your boyfriend in the same roof while you are pregnant with my child, Grae. Sa akin ka titira.” He huskily said.   I gulped hard. Para niya akong hinihipnotismo sa ginagawa niya. He leaned his forehead on mine. Nagtama ang mga ilong naming dalawa. I looked at him. Namumungay na ang kanyang mga mata habang ang kanyang mapupulang labi ay nakaawang. Akma niya na akong hahalikan nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment. I jumped a little in my shocked. Sa gulat ko’y naitulak ko siya.   “I’m sorry! I’m sorry!” tarantang sabi ni Lizette. He even closed the door again pero pinigilan ko siya. I looked at Alfie at nakapamaywang na siya ngayon habang nakatingala. I heard him murmured pero hindi ko iyon naintindihan.   I composed myself. “P-Pasok na kayo, Zette.” Sabi ko.   Nauna niyang inumang ang kanyang ulo para silipin kaming dalawa pero itinulak na iyon ng tuluyan ni Cholo. Lizette grimaced at him.   “Hindi namin alam, Grae. Sorry.” Lizette said. She smiled at me at tiningnan rin ang kasama ko.   “It’s alright. Hindi rin naman kami magtatagal.” Sabi ni Alfie. Hindi nakaligtas ang matalim na tingin niya kay Cholo bago bumaling sa akin. His stares became soft ng sa akin na siya tumingin. Napakabilis ng transition ng emosyon niya.   “Where is your room? I’ll get your things.” Masuyo niyang sinabi sa akin.   “Hah?” dinig kong sinabi ni Lizette. I looked at her again. Namimilog ang kanyang mga mata. Kahit si Cholo ay nakahalukipkip pero nakangisi na. Ibinalik ko ang tingin ko kay Alfie na naghihintay sa sagot ko.   “U-Unang pinto sa kanan. M-May nakalagay na pangalan ko roon.”   He held my face and kissed my forehead. Ako naman ngayon ang natigilan sa mga pinaggagawa niya.   “Alright, hon. Sumunod ka sa akin mamaya so you’ll choose what to bring.” He said with finality. Muli niyang tiningnan si Cholo ng masama bago nagmartsa pa-akyat sa kwarto ko.   Nang masiguro ni Lizette na nakapasok na si Alfie sa kwarto ko, hinila niya ako sa dining table.   “Hoy! Ano ‘yon? Bakit gano’n makatingin ‘yon kay Cholo? Ano bang sinabi mo?” sunud-sunod na tanong niya sa akin. Lumapit din si Cholo para makisali sa usapan namin.   Umiling ako. “Wala akong sinabi pero ang alam niya, boyfriend ko si Cholo.” I answered. Cholo scoffed and rubbed his nose.   Nagpipigil ng tawa si Lizette nang marinig niya ang sagot ko. She covered her mouth with her hand to prevent herself for laughing out loud.   “Sasama ka ba sa kanya?” Cholo asked. I looked at him.   Tumango ako. “Ayaw daw niyang makasama kita sa iisang bubong habang ipinagbubuntis ko ang anak niya.”   Hindi na napigilan ni Lizette ang matawa ng malakas. Sinabayan siya ni Cholo. Kahit ako ay natawa na rin dahil sa pinagu-usapan naming tatlo.   “Ang possessive! May nalalaman pang ‘hon’, ah?” Zette said. Hinampas niya ang braso ni Cholo. “Bakla ang dami talagang nagkakamali sa byuti mo!” Saka siya humalakhak ng malakas.   I laughed, too. I saw Cholo tapped his chin upwards using his fingers and made a beauty face.   Bumaling ulit sa akin si Lizette. She slightly pulled my hair. “At ikaw naman, bruha ka! Ang haba ng hair mo. Selos na selos na ‘yong honey mo pero hindi mo inamin ang tungkol kay Cholo!”   Umiling ako habang nangingiti. “Wala akong aaminin. Hayaan nating isipin niya ang gusto niyang isipin.”   She held my hand and shook it. “Grae! He’s into you!” she shrieked out. Pero natigilan kami sa pagu-usap nang marinig namin ang tawag ni Alfie.   “Hon? Grae?” sigaw niya mula sa second floor.   Lahat kami ay napatingin sa hagdanan. Halos ipagtulakan ako ni Lizette para makalapit doon.   “B-bakit?” balik-tanong ko.   “Can you please come with me here? I don’t know what clothes will you bring.” He said sweetly.   “Sige! S-Sandali lang!”   I heard Lizette’s giggle. “Akyat ka na, dali! Huwag mo ng pinaghihintay!”   I went to my room at nadatnan ko ang malaking maleta na nakabukas at nakapatong sa ibabaw ng kama ko.   “A-Alfie…” anas ko.   He looked at me. Nakatiklop na ang kanyang manggas hanggang sa siko niya. The first two button of his polo shirt were already unbuttoned. Medyo pinagpapawisan na rin siya dahil sa init ng kwarto ko.   I turned on the electric fan para maginhawaan siya. Nang silipin ko ang closet ko, halos wala na palang natirang damit ko roon. I faced him. Pinupunasan niya ang namuong pawis sa kanyang noo gamit ang kanyang kamay. I can’t stand seeing him here na nahihirapan dahil sa pagliligpit ng mga gamit ko. Kumuha ako ng bimpo sa closet ko at pinunasan ko ang pawis niya.   I felt him stiffened pero ipinagpatuloy ko ang pagpupunas. Kahit ang leeg niya ay basa na rin ng pawis. After I wiped his faced and his neck, ipinatong ko ang bimpo sa balikat ko. I tied my hair and helped him fix my things.   “Konti lang muna ang dadalhin ko. Iiwan ko muna ang ibang gamit ko rito.” Namili ako ng mga isasama at ng mga ibabalik sa closet.   “And what? Babalik ka rito? Hell, no.” mariin niyang sinabi.   Natigil ako sa pagsasalansan ng mga damit ko. “Hanggang sa makapag-usap tayo ng maayos, Alfie. Iiwan ko muna ang mga gamit ko rito.” I said calmly.   Siya naman ngayon ang natigilan. Wala na siyang naisagot pero tinulungan niya na ako page-empake.   “Stop calling me ‘honey’ in front of my friends. You’re confusing them.” I said. I zipped the bag and took my documents that were kept in the folder.   He chuckled. “I’m just helping you, Grae.”   “Helping me?”   He shrugged his shoulders. “Breaking up with your boyfriend.” He smirked.   I shook my head. “Baliw.” I said.   He murmured pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko. “Matagal na.”   Siya ang nagbitbit ng mga gamit ko nang makababa kami. Lizette and Cholo were on the dining table. May dalawang bote ng beer na nakabukas roon. When they saw us, umayos sila sa pagkaka-upo.   “We’re living now.” Alfie said.   Tumango si Lizette at saka nalipat ang tingin niya sa akin. “Call me if you need something.”   I nodded. I looked at Cholo, too, but he just gave me a blank expression. At the back of my mind, he’s playing his role again. Kilala ko ang lalaking ito at wala siyang maitatago sa akin. I just gave him my playful stares but my brows furrowed when he shook his head once.   Sige! Panindigan mo ‘yan, bakla ka!   Nauna nang lumabas si Alfie para ilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan niya. Hindi pa ako nakakalayo sa pintuan ay dinig ko ang hagikhikan nilang dalawa. Mabilis akong lumapit sa pintuan para maulinigan ang usapan nila.   “Iba ka day! Ang galing mong magpanggap!” Ani Lizette. Narinig ko ulit ang nakakalokong tawa niya.   “Kita mo ‘yon, gurl? Ang saya ng mukha niya nang makita niyang malungkot ako.” Si Cholo. I even heard a clap of hand.   “Grae!” tawag sa akin ni Alfie.   Mabilis akong tumuwid sa pagkakatayo at lumapit sa kanya. Nakabukas na pala ang pintuan sa passenger’s seat. Naupo na ako roon. When he’s settled, pinasibad niya agad ang sasakyan niya.   Nakarating agad kami sa condo niya. I checked out the time. Alas diyes na pala ng gabi. Kaya pala nakakaramdam na ako ng pagod at antok. He turned on the lights at inilapag ang mga gamit ko sa sala. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig. I sat on the couch and rested for a while.   Pagbalik niya’y may hawak na siyang isang basong tubig.   “Drink this so you’ll relax.” Aniya.   Tinanggap ko iyon and uttered ‘thanks’. Nang maubos ko ang laman niyon, ibinalik ko ang baso sa kanya.   “Have you eaten? Ipagluluto kita.” Sabi niya.   I shook my head and yawned.   “Tapos na. Pagod na ako, Alfie. Gusto ko ng matulog.”   Ibinababa niya ang baso sa counter island ng kusina bago bumalik sa sala. Kinuha niya ang bag ko at nagmartsa na sa taas. Saan ang kwarto ko? Huwag niyang sabihing magtatabi kami?   Habang sinusundan ko siya ay tumikhim ako. Malapit na kami sa kwarto niya. Nilingon niya ako habang nakataas ang isang kilay niya.   Sinulyapan ko ang pintuan ng kwarto niya. “Saan ako tutuloy?”   He smirked. Lumapit siya sa akin. Sinulyapan niya rin ang pintuan ng kwarto niya bago ibinalik ang tingin sa akin.   “Eh ‘di sa kwarto---“   “Ayoko sa kwarto mo.”   He barked a laughter. Nanginginig pa ang mga balikat niya at umiiling-iling pa.   “See that, Grae?” May itinuro siya sa dulo ng pasilyo. I craned my neck to check it. I saw a door.   “Iyon ang magiging kwarto mo. Katabi lang ng kwarto ko para kapag may kailangan ka, madali mo lang akong matatawag.” Nangingiting sagot niya.   I eyed him like a hawk. Pang-tabla man lang sa kahihiyang idinulot ng sobrang pagi-isip ko. Mas lalo siyang natawa dahil sa reaksyon ko. Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.   “Damn, girl. You assume too much.” Aniya.   I don’t know how to recover myself from humiliation. Nag-init ang pisngi ko nang ma-realize kong nakakahiya pala ang sinabi ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako naghintay sa sasabihin niya kesa inunahan ko pa siya. Pakiramdam ko tuloy ay nagi-isip na siya na gusto ko ngang matulog sa kwarto niya.   He opened the door and turned on the lights. Inilapag niya ang bag ko sa kama bago niya ako hinarap.   “This is the largest guest room. May toilet and bath at maliit na walk-in closet. Bukas mo na ayusin ang mga gamit mo. You need to rest.” Sabi niya.   Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. May aircon dito at flatscreen na TV. Sa kanang bahagi ng kwarto ay may makapal na kurtina na kulay gray. Nang lapitan ko iyon, nagdiwang ang mga mata ko nang makita kong isang veranda iyon. Ang glass door lamang at ang kurtina ang naghihiwalay sa labas.   Hindi ko na iyon binuksan dahil kita ko pa rin ang magandang tanawin ng buong siyudad. I smiled while savoring this moment.   Alfie went to me. “You liked it?” he asked.   I nodded. “Ang ganda. Nasaang floor tayo?”   “28th. This building has 30 floors.”   Hinarap ko siya. “Is this too much, Alfie? Nabuntis mo lang ako. Hindi ba dapat ay sa bata lang ang pananagutan mo? Hindi mo ako kailangang ibahay. Baka kapag nalaman ng pamilya mo ang tungkol dito, magalit sila sa’yo, or worst, sa a-akin.” I stuttered from uttering my last words. Umusbong ang pangamba ko sa posibleng mangyari. Hindi naman kaila na magkaiba ang mundo naming dalawa.   He shook his head. “Tss. Ibahay. Whatever you want to call it. The moment I took you, Grae, you are already my responsibility. Lalo na ngayon dahil magkakaanak na tayo. Please, let me make up to you. I know this isn’t easy for you. Let me just…take care of you and our baby.”   Umiling ako. Inalala ko ang nakaraang damdamin ko para sa kanya. I remembered when I was in college, I would always think for the safest approach to him para hindi niya mahalatang crush ko siya. Hindi niya ako kilala and probably those my treasured encounters with him ay ‘di niya na maalala.   Ngayon, kasama ko na siya sa iisang bahay. Inaalagaan niya ako dahil buntis ako at siya ang ama ng dinadala ko. No relationship, no label, just responsibility.   I am just his responsibility.   I smiled a bit. “Inaantok na ako, Alfie.” I said.   He nodded at me. “Yes. We’ll talk tomorrow, ‘kay?”   “Okay.”   Tiningnan niya lamang ako ng mariin. And just when I was about to talk, he crouched and reached my lips. He kissed me gently. At saka iniwan ako roong natigilan sa kinatatayuan ko.   Ilang segundo rin bago ako natauhan sa ginawa niya. I took a brisk shower. Nasa kama na ako ngayon at pilit kinukuha ang antok ko pero nawala iyon kanina nang hinalikan niya ako. Isa pa, mukhang namamahay din yata ako.   Inisip ko kung gaano kabilis ang mga nangyayari. Kaka-graduate ko lang last year. Kakapasa ko lang sa board exam ngayong taon tapos bigla akong mabubuntis. Paano ko ito ipapaliwanag kay Papa at Mama? Iginapang nila ang paga-aral ko. Ang mga kapatid ko naman ay nagparaya sa kani-kanilang paga-aral para magbigay-daan sa mga gastusin ko sa at makapagtapos ako.   Naluha ako sa mga naisip ko. I can imagine how disappointed they will be when they’ll learn about my current situation. Ayokong mangyari ‘yon. Bukas na bukas ay kakausapin ko si Alfie na payagan akong mag-trabaho para makapagbigay ako ng tulong kila Papa. Tutal ay sinabi niyang magu-usap kami tungkol sa pagbubuntis ko.   I prayed hard. I prayed that so I can surpass this life’s test. I know I can do it.   Madaling araw na yata nang tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD