CHAPTER 2

3836 Words
Grae     Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko ang idinulot ng labis na kapusukan ko nang gabing iyon. Kahit hindi ako mag pregnancy test ngayon, malakas ang kutob kong buntis ako. Regular ang monthly cycle ko at hindi ko maalalang gumamit si Alfie ng proteksyon. Hindi rin ako nagpi-pills.   I curled my right index finger and bit it. Kailangan mong mag-isip, Grae! Hindi pwedeng ganito. Paano na ito? Naghahanap pa lang ako ng trabaho at hindi pa naman sigurado kung makukuha ako sa mga in-apply-an ko.   “Grae! Magluto na tayo!” tawag sa akin ni Lizette mula sa baba.   I composed myself at pilit kong iwinaglit ang bumabagabag sa utak ko.   “O-Oo!” sagot ko sa kanya. I calmed myself for a couple of minutes at nang mabawasan ang kabang nararamdaman ko ay huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto.   I acted normally in front of Lizette. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagluluto. Bukas ay may job interview pa ako kaya kailangan ko munang isantabi ang namumuong malaking problema para makapaghanda ako.   “Oh, tahimik ka ah?” puna niya sa akin. Bigla akong nahinto sa paghi-hiwa ng manok at bumaling sa kanya.   “N-Nagi-isip ako ng mga posibleng tanong para sa interview bukas saka k-kung paano ko sasagutin.” I stuttered.   “Tss. Kayang-kaya mo naman ‘yan ‘no. Hindi ka naman ga-graduate ng c*m laude kung ‘yang simpleng job interview ay hindi mo maipasa!” aniya. She was slicing the carrots para sa chicken curry na lulutuin ko.   Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “c*m laude na walang pera!” I joked. Natawa na rin siya sa sinabi ko. Habang nagbibiruan kami ni Lizette ay siyang bukas ng pintuan at iniluwa roon si Cholo.   “Hoy, bakla! Ano? May nabili ka?” ani Lizette.   Inilapag ni Cholo ang paper bag na may lamang alak. “Yes siswang. Majubis ka na ‘te hilig mo kasi mag nomu!” inilabas niya ang dalawang bote ng isang litrong Red Horse, soju at isang pack ng yakult. May ilang pakete pa ng chichirya, isang pakete ng sigarilyo at ilang pirasong kendi.   “Yummy naman!” pagmamayabang ni Lizette. Natawa ako sa takbo ng usapan nilang dalawa.   “Amoy-sahod kayo ah?” biro ko sa kanila.   “Oo kaya humabol ka na rin para tuwing sahod mo, mag-eenjoy tayo!” Lizette said.   Hinugasan ko ang manok para maisalang na sa kawali. “Hindi ko naman magagawa ‘yan dahil---“   “Hep!” Itinaas ni Lizette ang kanyang kamay hudyat na gusto niyang tumigil ako sa pagsa-salita. “Alam ko na ‘yan. Tutulong ka pa sa pamilya mo, pag-aaralin mo pa ang mga kapatid mo at babayaran mo pa ang mga utang niyo.”   I pouted. Alam na alam nila ang mga balak ko sa buhay.   “Kapag nagkatrabaho ka na girl, dapat mag-enjoy ka rin. Hindi puro bigay. Saka kailangan mo ring magtabi para sa sarili mo, noh!” sabi ni Cholo.   Tinakpan ko ang kawali nang matapos kong ilagay ang mga rekado at saka nagpunas ng kamay sa apron na suot ko.   “Oo naman. Hindi ko kakalimutan ‘yon.” Ani ko. Kahit papaano naman ay may sarili rin akong pangarap sa buhay.   “Oh siya, bago tayo magdrama, mag-iinom tayong tatlo mamaya!” Cholo shrieked out.   Bigla akong natauhan ng yayain niya akong mag-inom. Hindi muna dapat ako tumikim ng alak habang hindi ko pa nakukumpirmang positive ang hinala ko.   Pero baka makahalata sila kapag tumanggi ako. Okay lang kung tatanggi ako ngayon pero paano sa mga susunod na pagyaya nila sa akin? Hangga’t hindi ako sigurado, balak kong hindi muna sabihin sa kanila.   Inilagay ni Lizette ang mga alak sa refrigerator. “Tayong dalawa lang muna ngayon dahil may interview si Grae bukas.”   Dahan-dahan akong nagbuga ng hangin sa katawan ko. Save by the bell!   Habang kumakain kaming tatlo, panay ang kwentuhan nila tungkol sa trabaho at sa mga bago nilang jowa. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at may pagkakataong sumasagot din ako.   “Naku, Cholo, maglantad ka na kasi para hindi ka na nagpapanggap na shino-shota mo kaming dalawa ni Grae.” Ani Lizette. Kasalukuyan na silang nagi-inom habang ako ay nakiharap lang sa kanila. Ang natirang ulam ay ginawa na ring pulutan kasama ng mga chichiryang binili ni Cholo kanina.   Lumabi lamang siya at kita sa ekspresyon ng kanyang mukha ang malaking pagkadisgusto. “Saka na kapag nakuha ko na ang mana ko, ‘noh! Bakit? Ayaw niyo na ba maging girlfriends ko? Nakinabang naman kayo sa’kin kapag may mga makukulit kayong admirers ah!” Palatak niya.   Humalakhak kaming dalawa ni Lizette. Totoo naman kasi. Kapag may mga nangungulit sa amin ni Lizette, si Cholo ang pinantatabla namin bilang boyfriend namin. Ganoon din si Cholo kapag kailangan niyang magpanggap dahil ‘naaamoy’ siya ng mga kakilala niya. But since Lizette has a current fling, ako madalas ang pinagpapanggap niya.   I don’t mind, though. Both of them are my good friends. We helped each other lalo na noong nag-aaral pa kami. I remembered one time, finals namin noon at wala akong pangmatrikula, they split my fees and paid it that’s why I was able to take the exam.   In return, I helped them in academics. Kung kailangan namin ng puspusang pagre-review, I provided them materials to read and discussed during study sessions.   “No wonder, I sneeze a lot when I’m with you. Nagkalat ang paminta sa bahay na ito!” Lizette said while laughing. She even mocked him when she pretended to sneeze.   Cholo pulled out Lizette’s wavy hair. “Bruha!”   Hatinggabi na ng matapos sila sa inuman. Kahit mga lasing sila, I forced Lizette to go upstairs para doon na makapagpahinga. Si Cholo ay hinayaan ko na sa couch dahil maliban sa hindi ko siya kayang gisingin dahil sa kalasingan, he has a big body built. Hindi mo aakalaing bakla ang isang ito he looks manly.   Iniligpit ko na rin sandali ang mga kalat sa sala. Hinugasan ko ang mga nagamit na baso, kutsara at plato. Itinabi ko ang mga bote sa ilalim ng lababo. Nang makita kong maayos na ang lahat ay pumanhik na rin ako sa taas para makapagpahinga.   Kinabukasan ay maaga akong umalis sa apartment. Tulog pa silang dalawa. Nakarating ako sa Makati nag maaga sa sinabing oras. I was in my corporate attire, as per instruction of the HR personnel who called me yesterday. I bun my hair para neat tingnan. Apat kaming aplikante na matiyagang naghihintay sa instruction ng personnel. Lumabas ang isang babae at sinabi niyang pumasok na kami sa silid na iyon.   “May booklet at isang answer sheet sa upuan ninyo. I am only giving you 15 minutes to answer the 50-item questions na nakapaloob sa booklet.” Tiningnan niya ang kanyang relo ng ilang sandali bago nagsalita ulit.   “You can start answering… now.”   Unconsciously, I held my tummy and whispered at the back of my mind.   “Tulungan mo si Mama, ‘nak.” I said kahit hindi ako sigurado kung nandyan na nga ba talaga siya. It’s my instincts that tells me that I am having a child. At sa mga oras na ‘yon, habang sumasagot sa mga katanungan sa loob ng silid na ito, naglahong parang bula ang mga agam-agam ko.   Suprisingly, I was able to finish answering the questions bago matapos ang itinakdang 15-minute time out. Malugod iyong kinuha ng babaeng HR personnel.   “Please take your seat for a while.” Aniya.   “Yes, Ma’am.” Magalang kong tugon sa kanya.   Hinintay kong matapos ang ibang kasama namin sa pag-sagot. And when she’s done collecting the booklet and the papers, she told us to wait for her ten minutes.   Sinulyapan ko ang mga kasama kong aplikante. Lahat sila ay halos hindi ko makausap dahil sa kanilang mga awra. Pakiramdam ko, everyone is considering each other’s competitor. Nagtatagisan kung sino’ng pinakamagaling sa aming lahat.   Hanggang sa muling pumasok ang babaeng nag-facilitate ng exam sa amin.   “’yung mga tatawagin ko, sunod kayo sa akin sa labas.” She said. She scanned the answer sheets. “Ms. Sison, Ms. Cruz, at Mr. Mesa.”   Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako natawag. Ibig bang sabihin no’n, bagsak na ako? I held my stomach again. “‘di bale ‘nak, hanap tayo ulit ng hiring kung hindi tayo papalarin dito,”  I said to myself.   Bumalik ulit siya sa loob na maluwang ang ngiti sa akin. She handed me a pamphlet. Nang silipin ko iyon, ang litrato ng SVN Corp. ang una kong nakita.   “Congratulations! Ikaw lang ang nakapasa sa exam. Unfortunately…” she looked at her wristwatch. “May meeting kasi ang supposed to be na magi-interview sa iyo. Siya ang magiging supervisor mo in case na ikaw ang makukuha. I’ll just call you for your possible schedule of interview.” Nakangiting sabi niya.   Masaya akong lumabas ng silid na iyon, bitbit ang mumunting pag-asa na sana ay ako ang palaring ma-hire. Hindi ko maitago ang tuwang nararamdaman na halos hindi mabura ang mga ngiti sa labi ko. Habang hinihintay kong bumukas ang elevator ay binabasa ko ang pamphlet na ibinigay sa akin kanina.   Nakalagay doon ang brief description ng kumpanya, isang real estate corporation pala ito. Nakalagay din ang mission at vision ng kumpanya at ang iba’t-ibang branches nito. Binasa ko rin ang may pangalan ng may-ari ng kumpanya.   Simon Hernandez Villanueva.   Mabilis akong nag-angat ng tingin ng bumukas ang elevator. Agad akong pumasok roon at pinindot ang ‘G’ button. I am in the 18th floor kaya medyo mahilo-hilo pa ako habang nakasakay doon.   Laking gulat ko nang bumukas ang lift at may dalawang malalaking lalaki ang bumungad sa akin. Pero halos manlambot ang mga tuhod ko at bumagsak ang panga ko nang makita ko kung sino ang nasa likuran nila.   Si Alfie. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. He’s wearing a black coat and white button down long sleeve at black na kurbata. Teka, SVN Corp stands for Simon Villanueva Corporation. Sa kanila ba itong kumpanyang ito?   “Miss, lumabas ka na. Sasakay na si Mr. Alfonso Villanueva.” Sita sa akin ng lalaki.   Natauhan ako sa laki ng boses ng lalaking ito. Sunud-sunod ang pagtango ko at mabilis akong lumabas ng elevator. Bago ko nilampasan si Alfie ay pinasadahan ko pa siya ng tingin pero in my dismay, he’s looking at his phone.   Habang papalabas ako ng building na iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Hindi siya ganoon ng unang ko siyang makita. His actions towards me are warm and welcoming. He’s full of concern, too. Pero kanina, ibang Alfie ang nakita ko.   Well, what do I expect? Iyon naman ang hiningi ko sa kanya. Ibinigay niya lang sa akin ang gusto ko.   Wala pang tanghali ay natapos na ang lakad ko. Dumaan muna ako sa botika para bumili ng tatlong pregnancy test kit. Desidido na akong malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na kalagayan ko.   Pag-uwi ko sa apartment ay mabilis akong nagpalit ng pambahay at tinungo ang banyo. I opened each of the packets at inilibas ang mga pregnancy kits.   This is now or never.   Kinakamot ko ang mga braso ko habang hinihintay ang resulta n’on. At nang silipin ko iyon, lahat positive.   Bumuntong-hininga ako at sumandal sa pader ng banyo. Hinaplos ko ang aking puson.   I scoffed. “’di ko naman talaga kailangan ‘yan ‘nak. Ramdam kong nandyan ka na sa loob ko simula kagabi pa.” I murmured.   Naalala ko ang ama niya. Sinabi ko pa naman sa kanyang huwag na naming gambalain pa ang isa’t-isa. Gusto ko mang malaman niya ang tungkol sa batang dinadala ko, hindi rin ako sigurado kung tatanggapin niya ang magiging anak ko, ng anak namin.   Hindi niya naman maaaring kwestyunin kung sino ang ama ng batang ito dahil siya lang naman ang tanging lalaking…pinagbigyan ko ng puri ko. He acknowledged it, too. At kung gusto niya pa ng mas matibay na ebidensya, eh ‘di magpa-paternity test siya.   Pero parang ayaw ko na rin na malaman niya ang tungkol rito. Hindi man ako handa sa mga susunod na mangyayari sa akin sa mga susunod na buwan, kakayanin ko na lamang ang hirap. ‘yon nga lang, mukhang mahihirapan akong tuparin ang pangarap ko para sa pamilya ko.   Itinapon ko ang mga pakete ng PT kit at kinuha ko ang test kits. Itatago ko ito, souvenir para sa unang pagbubuntis ko. Bigla ay nakaramdam ako ng excitement sa mga ganitong bagay. Pati ang magiging kasarian at pangalan niya ay gusto ko ng pag-isipan.   I browsed again in the internet to look for vacancies. The more application I’ll submit, the more chances of getting a job. Hindi muna ako nag-submit sa mga hospital at clinics dahil toxic iyon sa pagbubuntis ko. Pwede muna siguro ang clerical works pansamantala.   Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng trabaho nang biglang bumukas ang pintuan. Si Lizette lang pala. Tiningnan ko ang wall clock, hindi pa ito ang oras ng uwi niya ah?   “Maaga ka yata?” tanong ko sa kanya.   “Day-off ko.” Tipid niyang sagot. Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel ng tubig.   Tumangu-tango ako. “Si Cholo?”   Nakita kong natigilan siya sa tanong ko pero muling nakabawi. “D-Day off niya rin.” Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig doon. Matapos niyang uminom ay ibinalik niya ang pitsel at pumasok sa banyo.   Saktong lumabas naman ni Cholo sa kanyang kwarto at pupungas-pungas pa siyang nagtungo sa kusina.   “Morning, girl.” He greeted.   “Tanghali na, bakla!” Pambabara ko. Hindi niya ako pinansin at nagsimula na siyang magtimpla ng kape.   I shrugged my shoulders and went back to do my own thing. Pero halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Lizette mula sa banyo.   “Grae!”   Mabilis pa sa alas kwatro at napatayo ako sa sigaw niya. Pati ang atensyon ni Cholo ay nakuha niya rin. Lumabas siya sa banyo at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak niya ang walang lamang pakete ng PT kit na ginamit ko kanina.   “Ikaw ba ang gumamit nito?” she asked hysterically.   Cholo went to her and inspected the empty packet. His brows furrowed. “Obviously dahil hindi naman ako gumagamit niyan at on depo ka. But really, Grae, PT kit?”   Hindi ako makapagsalita sa magkasunod na tanong nila. Their eyes are straightly darting on me na parang hinahalukay nila ang loob ko para makahanap ng sagot sa akin.   Sa taranta ko ay tinungo ko ang sala at naupo sa sofa. Pinagsalikop ko ang mga palad ko at ipinatong ang mga siko sa aking tuhod. Nakita kong sinundan ako nila Lizette at Cholo.   “Ano’ng resulta? Positive ba?”   Napalunok ako. Wala akong lakas ng loob sagutin siya. Suddenly, I felt scared and nervous of my situation.   “Grae, sagutin mo ako!” pasigaw na sagot ni Lizette. She stomped her right foot na siyang dumagdag sa kabang nararamdaman ko.   “Zette, calm down. You’re scaring her.” Narinig kong nagsalita si Cholo.   Namumuo na ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mukha ko. I gulped before I speak. “O-Oo, positive.” I covered my face using my palms at tuluyan na akong umiyak.   Tinabihan ako ni Cholo at hinagod ang likod ko. But instead of making me calm, I cried more. Hinintay nila akong kumalma bago ulit nagsalita si Lizette. I wiped my tears but it keeps falling, parang gripong tuluy-tuloy ang pagtulo. Nakahalukipkip siya ngayon sa harap ko.   “Hindi ba gumamit ng condom si Alfie?” she asked.   Umiling ako. “Hindi ko a-alam. Lasing ako kaya---“   She scratched her head frustratingly. “Hindi mo alam? Sobrang sarap ba, Grae, kaya hindi mo namalayan?!”   I looked at her, defeated. Tiningala ko siya pero she just grimaced.   “Nurse ka, Grae! Matalino kang tao pero hindi mo ginamit ‘yang utak mo! Paano ka na niyan?” sabi niya. Ramdam ko ang matinding frustration niya sa akin.   Tinapik ni Cholo ang balikat ko. “Alam na ba ni Alfie ito?” he calmly asked.   Hinarap ko siya at saka umiling. “Wala rin akong balak sabihin da---“   “Boba!” Sagot ni Lizette. Bumuhos ulit ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.   Hindi naman ako nasasaktan sa mga salita niya sa akin noon. Marami na siyang nasabi sa akin na mas masakit na salita pero nang sinabihan niya akong boba, pakiramdam ko, para akong sinaktan ng ilang beses.   “Lizette, will you please calm down? She’s pregnant!” saway ni Cholo sa kanya.   “Hoy, Pocholo! Huwag mong kinukunsinte ito, ah? Tingnan mo nga’t hindi na nagi-isip ng tama, oh!”   He only sighed. Ako naman ngayon ang kinakausap niya. “Grae, you should at least tell him about this. Hindi pwede ‘yang iniisip mo. You need support, lalo na ngayon at wala ka pang trabaho. Paano mo bubuhayin ang baby? May susuportahan ka pang pamilya sa probinsya. Malaki ang maitutulong ni Alfie sa inyong mag-ina ngayon.” He explained.   “Paano? Baka pagdudahan niya ang pagbubuntis ko. Baka hindi niya tanggapin ang bata!”   “Subukan niya lang i-deny ‘yan, Grasya! Ako mismo ang susugod sa kanya!” banta ni Lizette.   Hindi ako nakaimik. Silence crept between the three of us. Walang may gustong bumasag ng katahimikan, not until I heard Lizette sighed heavily. She squatted in front of me para mag-lebel ang paningin namin. She held my hand and felt her sincere concern towards me.   “Ipapahanap ko siya mamayang gabi. Laman naman ng bar ‘yong lalaking iyon. Pag nahanap natin siya, sasabihin mo agad sa kanya ang tungkol dito. Hmm?” pang-alu niya sa akin.   Suddenly, I felt weak and tired. Our conversation made me vomit and dizzy. Matapos nila akong asikasuhin ay hinayaan nila akong makapagpahinga sa kwarto ko. I felt sleepy at tuluyan na akong nilamon ng antok.   Nagising ako sa marahang pagyugyog sa katawan ko. It was Lizette.   “Kain ka muna, Grae. Hindi ka na nakapag-lunch. Mamaya, aalis na tayo.” marahan na sabi niya. Ibang-iba sa galit na Lizette kanina.   I sat on the edge of the bed. I sighed. “Huwag na lang natin sabihin, Zette. Ayokong pumasok sa gulo.” Nanghihina kong sabi.   “Gulo na talaga ito, Grae. Ayokong ikaw ang agrabyado rito well in fact malaki ang maitutulong niya para sa bata. Nasaksihan ko na ang hirap mo sa buhay, hayaan mong tumulong si Alfie. After all, may pananagutan siya diyan.”   Tumango ako. She sighed. Bumaba na kami at nadatnan naming naghahain na si Cholo. It’s already six in the evening. Nakaramdam na rin ako ng gutom.   “Saan tayo pupunta?” I asked. Nasa kotse na kami ngayon ni Cholo.   Sumagot si Lizette nang hindi ako nililingon. “Sa dating bar. He’s there again.”   Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng sasakyan. The thought that I’m gonna see Alfie again made me feel excited. I suddenly missed him. Kahit nakita ko siya kaninang umaga, parang gusto ko siyang makita ulit.   “Cholo, tayong dalawa dito sa baba. Grae, do’n ka maghanap 2nd floor.” She said. I nodded at her.   Tinungo ko ang 2nd floor. Dito pumupwesto ang mga VIP. No wonder when I first laid my eyes to the person I saw, it was Alfie. Nangingiti ako ng makita siya pero agad rin iyong nalusaw when I saw a woman approached him. She looks sophisticated and beautiful, oozing with s*x appeal. Nakita ko kung paano niya halikan si Alfie sa pisngi nang magkabatian sila.   Para akong sinuntok sa dibdib. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko pero isa lang ang nasisiguro ko, I can’t stand stand what I see.   Tumalikod na ako and tear started to pool on the sides of my eyes na agad ko ring pinunasan. I took a deep breath can calmed my nerves. Pababa na ako sa bar na ‘yon. Hihintayin ko na lang sila Cholo sa labas.   Malapit na ako sa main door when someone grabbed my arm. Nang lingunin ko kung sino ‘yon, si Alfie. He was smiling at me. Pero dahil sa sama ng loob na naramdaman ko kanina, I gave him a death glare at marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya.   Dire-diretso akong lumabas sa bar at mabilis na tinungo ang sasakyan ni Cholo sa parking area. Alfie followed me swiftly. Sa haba ng biyas niya, isang hakbang niya lang ang dalawa o tatlong hakbang ko. He grabbed me on my waist at pinaharap niya ako.   “Are you looking for me?” he said. Heto na naman siya sa boses niyang punung-puno ng pag-aalala.   “Hindi!” I shouted. I crossed my arms and looked away. Hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin.   He chuckled. Mabilis ko siyang tiningnan. My emotions are already high. It’s on its boiling point already. And when he smiled, do’n na umapaw ang iritasyon ko.   Hinampas ko siya sa dibdib. Alam kong hindi niya ininda ‘yon kaya inulit ko iyon ng ilang beses. He gave me a puzzled look but he didn’t question me. Nanatili lamang siyang tahimik.   When I got tired and satisfied, nanghina na ang mga hampas at suntok ko sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Ang luhang pinigilan ko kanina ay tumulo na. I sniffed at hinayaan kong makita niya akong umiiyak.   “I’m pregnant.” Mahina kong usal sa kanya.   Hindi siya kaagad nakapagsalita ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. He slowly pulled me and hugged me tightly.   “I’m gonna be a dad, huh?” Aniya. Hinahagod niya ang likod ko. I calmed from crying. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang tono ng boses niya. He sounds… happy?   I didn’t answer him. He withdraw from hugging me and made me looked at him.   “Let’s go. I’ll bring you home.” He said.   “P-Pero kasama ko ang---“   “I’ll tell my men. They’ll notify them.”   I looked at his eyes. Mataman. I can see his determination to bring me home. I just nodded in affirmation.   He held me on my waist and guided me to his car. Mabilis naming nilisan ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD