CHAPTER 12

3599 Words
Grae     Ibinalot ko ng kumot ang katawan ko at saka mabilis na tumayo. Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha ni Alfie sa biglang pagbangon ko. Hindi ko na alam kung ano ang una kong gagawin. Kung hahagilapin ko ba ang mga gamit ko o maliligo na agad sa banyo.   “What’s happening?” Alfie asked. I saw how relax he is while I’m worried sick now. Sumilay ang iritasyon sa akin.   Hinablot ko ang comforter na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya para bumangon na siya. He took his boxer shorts on the floor and wear it. Muling tumunog ang cellphone ko. I thought it’s Lizette ngunit nagimbal ako nang rumehistro ang numero ni Papa. Nanginginig ang kamay kong binitawan iyon sa kama. Hindi ko kayang tanggapin ang galit niya. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba. Nanlalamig ang mga kalamnan ko.   It’s still ringing. Kinuha iyon ni Alfie bago niya ako tiningnan. He looked at me with so much worry and concern. “Honey, you’re pale…” hinawakan niya ang aking siko. Namatay ng kusa ang tawag niya ngunit muli itong nag-ring.   “I’ll answer it. Ako ang kakausap sa kanya.” Aniya.   Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinablot ko ang cellphone ko mula sa kanyang kamay. “Huwag!”   Pinatay ko iyon at nagtipa ako ng text.     Ako:   Papa, pauwi na po ako. Hintayin mo ako diyan.     I tapped the ‘send’ button at inilapag ang cellphone sa bedside table niya. Hindi ko na hinintay ang reply niya. Binalingan ko si Alfie ngunit nilapitan niya ako’t hinawakan sa aking siko.   “Hon, calm down. Baka makasama sa’yo ‘yan.” He said. But I cannot calm myself down. I have to think and to move quickly. I can imagine my father’s rage when he found out that I’m living in a man’s place. Siguradong kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito.   I held his arms and looked at him intently. “Ganito, Alfie… Hurry up and fix yourself. Sa kabilang kwarto na ako maliligo. Bilisan mo, ah? Para makaalis tayo agad. Pupunta tayo sa apartment ngayon dahil naroon daw si Papa.” I instructed him.   “But, you haven’t eaten yet. Makakapaghintay---“   “Huwag na natin siyang paghintayin. I will drink my milk, kung ‘yan ang inaalala mo.” Putol ko sa kanya.   “But---“I cut him off again and held unto his shoulders.   “Hon, please. Just do what I say. ‘di ba gusto mong makilala si Papa? Gusto ko rin ‘yon pero kung sa unang pagkikita niyo pa lang ay hindi na maganda ang pagkakakilala niyo, hindi ko na alam kung ano’ng mangyayari.” I pleaded.   I know my Papa. He may be kind to everyone pero pagdating sa mga ganitong bagay, napapangunahan siya ng init ng ulo. Ayokong maging pangit ang first impression niya kay Alfie lalo na’t desidido na rin naman akong magpakasal sa kanya.   He looked me in my eyes. Tila naninimbang sa mga sinabi ko at sa magiging desisyon niya. I equaled it with dreadful stares. Makumbinsi ko man lang siya sa gusto kong mangyari. Kalaunan ay tumango siya. He lowered his head and gave me a deep, quick kiss.   “Don’t worry too much. We’ll settle everything.” Masuyo niyang sinabi sa akin. I nodded at him.   Mabilis ang mga naging kilos ko. Sandali lang akong naligo at mabilis na nagbihis. I took a blouse and maong pants on the closet pero hindi ko pa naibubutones ang pantalon ko ay hindi na iyon magsalubong.   “s**t!” Anas ko. Kahit mag stomach in ako ay hindi pa rin kakasya.   Damn it! Dahil sa pagkataranta ko, nakalimutan kong buntis pala ako! My baby bump is visible already!   Naupo ako sa gilid ng kama para hubarin ang pantalon ko pero nahirapan pa rin ako. When I was able to pull down my pants on my buttocks, Alfie entered my room. Humihingal akong tumingin sa kanya. He squatted and looked at me.   “Hindi na kasya yung pantalon ko.” Sumbong ko sa kanya. He helped me removed my pants. Nang mahubad niya iyon ng tuluyan ay tumayo siya’t tinungo ang walk-in closet. Pagbalik niya’y may hawak na siyang maluwang na dress.   “Just wear a dress, babe. It’s more comfortable.” Inabot niya iyon sa akin. Siya na rin ang nag-ayos kung paano ko iyon susuotin pagkatapos kong hubarin ang blouse ko.   When I finished preparing myself, I wear my flat sandals and went downstairs. Naroon na rin pala sa counter island ang sandwich at gatas ko, kasama ng mga vitamins na iniinom ko tuwing umaga. Malamang ay inihanda niya na iyon bago niya ako pinuntahan sa kwarto ko.   Uminit ang puso ko sa aking nakita. Parang hinaplos iyon ng kung ano. He’s very caring. Kahit nagmamadali kami sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya nakalimutan ang mga importanteng bagay para sa akin.   “Eat, babe. Kahit ‘yan lang. Para may laman ang tiyan mo bago tayo bumyahe. I’ll just make a call.” Hinalikan niya ako sa aking ulo bago tinungo ang library.   Malalaki ang kagat ko sa sandwich na ginawa niya. Ininom ko ang gatas na tinimpla niya para bumaba ang kinain ko. Nang maubos ko iyon, I poured a half glass of water to drink my vitamins. Saktong lumabas si Alfie sa library ay natapos na ako sa ‘quick breakfast’ na inihanda niya.   “Are you done?” he asked.   Mabilis kong hinugasan ang baso at ibinalik iyon sa lalagyan. Pinunasan ko ang kamay ko bago ko kinuha ang bag ko. “Oo.” I answered him.   Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri namin. “Let’s go, then.”   Pero bago kami lumabas ay hinalikan niya akong muli sa aking labi. Mabining halik lamang iyon pero it sends another overwhelming feeling in my heart.   “I’ll talk to your father. I’ll fix everything.” Aniya.   Hinawakan ko ang kamay niya. “Tayong dalawa, Alfie. Hindi lang ikaw. I just hope he’ll be okay.” Ani ko.   Binabaybay namin ang daan pauwi sa apartment. Dumagdag pa sa iniisip ko ang matinding sikip ng daloy ng trapiko. It’s only seventy thirty in the morning pero nasa kahabaan pa rin kami ng EDSA.   Tahimik lamang ako sa biyahe pero hindi binibitawan ni Alfie ang kamay ko. Somehow, it helps me compose myself. Simula nang magising ako kaninang umaga at ibalita ni Lizette ang nangyari, parang tinatambol ang puso ko sa matinding kaba. Pero sa tuwing naaalala kong kasama ko si Alfie at alam kong hindi niya ako pababayaan kapag hinarap na namin si Papa, nababawasan ang pangambang nararamdaman ko ngayon.   Hindi siya umiimik ngunit alam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko ngayon. He’s glancing at me once in a while, gently caressing my hand and sometimes he pulls it and kissed it. Hindi niya iyon binitawan hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment namin.   Hindi kami agad bumaba. After he unbuckled his seatbelt ay hinarap niya ako. Siya na ang nagtanggal ng seatbelt ko. Ginagap niya ang mukha ko at hinalikan ako sa aking noo.   “You’ll marry me.” Aniya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumango sa kanya.   I smiled at him. “Yes.” Ani ko.   “You will marry me even if your father will disapprove me.” He said again.   I gulped hard. I realized, he’s taking an assurance from me.   “Oo. Pakakasalan kita.” At saka ko siya pinatakan ng halik sa kanyang labi.   “I love you, Grae.” Anas niya.   Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. He sighed deeply. He kissed me again bago siya lumabas ng kotse para pagbuksan ako. Nang tuluyan kaming makapasok sa gate ay dinig ko ang boses ni Lizette sa loob ng apartment.   “U-Uncle, nandito na po sila.” Agap niyang sinabi. Siya ang unang sumalubong sa amin sa labas.   She went to me with her face so worried. Dumako rin ang tingin niya kay Alfie bago niya iyon ibinalik sa akin.   “Grae, I’m sorry. Kaninang madaling araw sila dumating. Mabuti na lang at off ko kaya may sumalubong sa kanila. Hindi ba sila nagsabi sa’yo?” she asked.   Umiling ako. “Sino ang kasama niya?”   “Si Gio. Sumisigaw siya sa galit niya kanina. Hindi ko siya mapakalma. Mabuti na lang at naaalo siya ng kapatid mo. Hinatid niya pala rito dahil may usapan daw kayong dito siya magko-kolehiyo?”   Tumango ako. Nasabi ko nga kay Papa iyon noong nakaraang tumawag ako. Napag-usapan namin ni Alfie na kunin ang isa sa mga kapatid ko para rito na pag-aralin sa Maynila dahil kailangan ko ng makakasama sa mga susunod na buwan. Pahihintuin na niya kasi ako sa pagta-trabaho kapag tumuntong na ako ng third trimester.   Iyon ang napag-usapan namin ni Papa sa cellphone. Pumayag naman siya dahil tutuloy na si Greg sa pangatlong taon niya sa kolehiyo. Huminto siya ng isang taon nang tumuntong ako sa huling taon ko sa nursing. Masyadong malaking halaga ang kailangan ko sa paga-aral at kahit scholar ako ng mga panahon na iyon, meron pa ring mga kailangang paglaanan ng gastusin.   Pero hindi ko aakalaing ngayon iyon. Hindi siya nagpasabi sa akin na luluwas na sila.   Alfie held my hand and went inside the apartment. Sumunod lang kaming dalawa ni Lizette sa kanya. Pagkapasok pa lang namin sa loob ay sinalubong agad ako ni Gio.   “Ate!” Yumakap sa aking baywang ang bunsong kapatid ko. He’s smiling at me. Nakita ko ang kasabikan niyang makita ako.   “Kumusta ka na? Ang laki-laki mo na!” nakangiting sinabi ko sa kanya. Nakatingin lang sa aming dalawa si Alfie. Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko. Napansin niya ang kamay naming dalawa na magkahawak at saka niya tinapunan si Alfie ng tingin.   “Ate, sino siya? Boyfriend mo?” usisa niya sa akin. Tiningnan kong muli si Alfie. He’s already staring at me. Ibinalik ko ang tingin ko kay Gio at saka siya nginitian.   “Nasaan si Papa?” balik-tanong ko sa kanya. Hindi ko na kayang patagalin ito dahil kumakabog na nang husto ang puso ko.   “Nasa kusina! Inaayos niya ‘yong mga dala namin para sa’yo.” Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.   My heart hurt at what he said. Madalas kasing magdala si Papa ng kung anu-ano galing sa probinsya namin kapag lumuluwas siya rito para bisitahin ako. Naroong may dala siyang iba’t-ibang klase ng gulay, iba’t-ibang uri ng karne, miki, dried fish, at kung anu-ano pa. Hindi siya nakalimot. Kahit ngayon.   Lumabas si Papa mula sa kusina. Matinding galit ang nakaplaster sa kanyang mukha. Mariin niya akong tiningnan bago niya ipinukol ang madilim niyang tingin kay Alfie. Bumaba rin ang kanyang tingin sa magkahawak naming kamay. Mabilis ko iyong tinanggal. I saw Alfie looked at me in my peripheral vision. Marahil ay nagulat siya nang tanggalin ko ang pagkakahawak niya sa akin.   Kinakabahan man ako ay mabilis akong lumapit kay Papa para mag-mano sa kanya. I took his right hand and guided it to my forehead. Hindi niya tinanggal ang matalim niyang titig sa akin kahit na binitawan ko na ang kanyang kamay.   I smiled at him to cover up my intense nervousness. Nangangatog na ang mga tuhod ko pero kailangan ko pa rin siyang harapin.   “Kumusta, ‘pa?” panimula ko sa kanya. I continued talking. “Ano’ng oras---“   “Saan ka galing?” mariin niyang tanong sa akin. Hindi ko siya matingnan ng matagal dahil pakiramdam ko’y parang binabalatan na niya ako ng buhay sa sobrang galit niya.   I gulped. “K-kila Alfie po.” I honestly said. Tumungo ako habang pinipisil ko ang aking mga daliri. Hindi ko na magawang mag-rason ng iba dahil alam naman na niya kung saan ako natulog. Baka kung magsinungaling lang ako’y lalo ko lang magatungan ang galit niya sa akin.   I heard Lizette cleared her throat and called my younger brother. Bumaling ako sa kanya. “Gio! Gusto mong manood sa laptop ko?” nakangiting sabi niya.   “Sige, Ate Lizette!” he said merrily.   Kinuha niya ang kamay ni Gio at iginiya siya sa taas. “Okay! Kunin natin sa kwarto ko tapos manood tayo sa kwarto ni Ate Gracielle mo.” Pagyaya niya sa kapatid ko. Nang malapitan niya kami ay nag-paalam siya kay Papa.   “Uncle, dalhin ko lang si Gio sa taas.” She said in her low toned voice.   Tiningnan niya si Lizette. “Sige.” He said   Nang makapanhik ang dalawa sa taas ay ibinalik ko ang aking tingin kay Papa. Pero huli na iyon dahil umiigting ang kanyang panga habang nakatingin sa akin. Anger and confusion are visible in his face.   “Sino ‘yang kasama mo? Nobyo mo?”   “P-Papa…”   “Sagutin mo ako, Gracielle.” Madiin niyang sinabi sa akin.   Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa takot ko sa kanya. Huling beses kong nakita na nagalit si Papa sa akin ay noong 4th year high school pa lang ako. Kaka-graduate ko noon at nagkayayaan kaming mag-celebrate sa bahay ng isang kaklase ko. Hatinggabi na ako nakauwi noon at amoy beer pa kaya kahit tulog na ang mga tao sa bahay ay nakatikim pa rin ako ng hataw ng sinturon niya.   Naramdaman ko ang presensya ni Alfie sa likuran ko. Lumapit siya sa akin at huminto sa harapan ni Papa. Inilahad ni Alfie ang kanyang kamay para magpakilala.   “Good morning, Sir. I am Alfonso Villanueva, Gracielle’s fiancée.” Aniya. Namilog ang mga mata ko at literal na nalaglag ang aking panga nang magpakilala siya ng ganoon kay Papa.   Damn. I’m doomed.   Lumukot ang mukha ni Papa sa narinig niya. Hindi niya tinanggap ang kamay ni Alfie. Instead, he turned to me again in his raging eyes.   “Ano’ng sinasabi ng lalaking ito? Maga-asawa ka na ba?” itinuro niya si Alfie.   “P-Papa…” garalgal na ang boses ko. Hindi ako makasagot sa kanya ng maayos.   “Sagutin mo ako ng maayos!” sigaw niya sa akin. Tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.   Binalot na ng takot ang buog sistema ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Pakiramdam ko ay hindi ko na mapipigilan ang galit na nararamdaman niya.   “Sa kanya ka na raw nakatira?” muli niyang tanong sa akin.   Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang. My face was already drenched by my tears. Hindi ko na matingnan ng maayos si Alfie but I felt him beside me. Kita ko sa kanyang mukha ang paga-alala.   “Hon, stop crying. Baka makasama sa’yo---“   Pinutol ni Papa ang pagsasalita niya. “Ano’ng makakasama sa anak ko?” gigil na tanong niya sa akin.   Lumapit ako kay Papa at hinawakan ang kanyang kamay. “P-Papa… Sorry.”   “Gracielle! Hindi kita pinagbabawalang makipag-relasyon dahil nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo’t ganap ka ng isang nurse. Pero ang tumira sa bahay ng nobyo mo nang hindi pa kayo kasal ang hindi ko matanggap!” madiin na sinabi niya sa akin. Tumataas na ang kanyang boses.   “Sir, pakakasalan ko po siya.” Alfie said calmly. Mabuti na lamang at kahit papaano’y hindi niya sinasabayan ang init ng ulo ni Papa.   “Hah! Isa ka pang tarantado ka!” Dinuro niya si Alfie. Bumaling ulit siya sa akin. “At ikaw, ano’ng hangin ang pumasok sa utak mo’t pumayag kang makipag-live in, hah?”   Hinawakan niya ang tenga ko’t piningot iyon ng madiin. I winced and shouted from the pain that he inflicted me. A new set of tears flowed again on my face. Hindi siya nakuntento roon. Hawak niya ang aking tainga ay tinungo namin ang sala. Sumisigaw na ako sa sakit dahil dinidiinan niya ang paghawak niya roon. Parang mapupunit ang tenga ko sa ginagawa ni Papa sa akin.   “Sir! Don’t hurt her. It’s all my fault!” sabi niya. Hinawakan ni Alfie ang kamay ni Papa na nakahawak sa aking tenga. Nang hilain ako ni Alfie ay hindi ako binitawan ni Papa kaya lalo kong naramdaman ang sakit.   Pakiramdam ko namamanhid na ang tenga ko. Ramdam ko rin ang init doon kaya paniguradong pulang-pula iyon ngayon.   “Huwag mo akong ma-ingles ingles na gago ka! Ang lakas ng loob mong ibahay ang anak ko. Tingin ko’y mas matanda ka sa kanya ng ilang taon, ah? Hindi mo na kami iginalang na mga magulang niya!”   Pabalyang binitawan ni Papa ang tenga ko. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Nilapitan ako agad ni Alfie para tingnan kung ayos lang ako.   “Sir---“   Dinuro niya ulit si Alfie. “Pinilit ka ba ng lalaking ito, Grae?!” nagpupuyos ang boses niyang tinanong ako.   Lakas-loob akong sumagot sa kanya. Alfie is making stand for the both of us. It’s my time to answer my father now.   “Hindi Papa. Hindi niya po ako pinilit.” Sagot ko sa kanya.   Nakita kong hinilot ni Papa ang kanyang sentido. Tila hirap na rin siyang intindihin ang nangyayari. Muli niya akong tiningnan, this time, it’s not only anger that I can see, but also disappointment.   “Bakit, Grae? Hindi ka naman namin inoobliga ng Mama mo na buhayin kami. Tulong lamang ang hinihingi ko sa’yo anak para makapagtapos din ang mga kapatid mo. Isinakripisyo namin ang isang taon na paga-aral nila para matugunan ang pangangailangan mo’t matupad ang mga pangarap mo. Ito ba ang paraan mo ngayon para takasan ang hinihingi ko sa’yo?”   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko inakalang iyon ang iniisip ni Papa sa akin. I love them. I love my family at kahit magkandakuba-kuba ako sa pagta-trabaho ay hindi ako mapapagod na tumulong sa kanila.   Pero nangyari na ang nangyari. Tutulungan ko pa rin naman sila hangga’t may trabaho ako. At kung patigilin man ako ni Alfie sa pagtatrabaho, ibibigay ko sa kanila ang ipon ko hanggang sa makapagtrabaho ako ulit pagkatapos manganak.   “Sir, panagugutan ko po ang anak ninyo. Hindi niyo po kailangang mag-alala.” Si Alfie.   “Manahimik ka’t hindi ikaw ang kinakausap ko!”   “Papa, hindi ganoon iyon. Tutulungan ko pa rin naman kayo. Hindi ako titigil. Kukunin ko nga si Gio ‘di ba? Paga-aralin ko siya rito para kay Greg na lang nakatuon ang atensyon niyo. Tutulungan ko rin kayo sa kanya. Papa, please. Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Pagsusumamo ko sa kanya.   “Pwes, umuwi ka rito sa apartment mo at dito ka tumira! Hindi iyong nakikipag-live in ka sa boyfriend mo. Igalang mo ang sarili mo, Gracielle! Mag-asawa lamang ang nagsasama sa iisang bubong!”   “Sir, hindi po pwede. Hindi po ako papayag sa gusto mong mangyari.” May diin na sabi ni Alfie.   “At bakit hindi?” galit na tanong niya sa kanya.   I gulped hard. Tiningnan ako ni Alfie bago niya harapin ang papa ko.   “Grae is pregnant and I am the father of her child.” He said.   My heart skipped a bit. Ilang segundo kaming natigilan sa rebelasyon niyang iyon. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Cholo sa loob ng apartment. Maging siya ay binalot ng pagtataka nang madatnan niya kaming tatlo sa living room.   Nakita ko ang pamimilog ng mata ni Papa. Kumuyom din ang kanyang mga kamao.   “Hijo de puta!” malakas na sigaw niya kay Alfie. Itinulak siya ni Papa bago dumapo ang mga kamao niya sa mukha nito.   Mabilis na umawat si Cholo kay Papa habang nagmadali akong lumapit kay Alfie para alalayan siya sa pagtayo. I panicked when I saw blood from his lips. Pumutok ang nguso niya dahil sa pagkakasuntok ni Papa roon.   Tumayo si Alfie. Pinunasan niya lamang ang dugo roon bago niya muling hinarap si Papa. Kalmado pa rin siya at hindi gumanti sa pananakit ng aking ama sa kanya.   “Walang hiya kang lalaki ka! Ano’ng ginawa mo sa anak ko!” sigaw niya. Akma pa siyang susugod pero mahigpit siyang hinawakan ni Cholo. “Bitiwan mo ako, Cholo!” pagpupumiglas niya.   “Uncle, huminahon ka. Mag-usap kayo ng maayos.” Cholo said.   “Paano ako makikipag-usap ng maayos sa lalaking ito kung binuntis niya ang anak ko?” duro niya kay Alfie. Nang makakuha ng buwelo si Papa ay buong lakas siyang pumiglas kay Cholo. Kitang-kita ko ang panunugod ni Papa kay Alfie para muli siyang suntukin.   Naramdaman kong may humatak sa akin palayo kay Alfie. I panicked. Sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Parang kumakawala sa loob ng katawan ko dahil sa lakas ng pagbayo nito. Suddenly, my breathings labored. Sa tuwing huhugot ako ng hangin ay parang tinutusok ang dibdib ko.   The last thing I remembered, I heard voices called my name several times until my vision went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD