CHAPTER 13

3366 Words
Grae     I gently opened my eyes when I heard voices calling my name. Ramdam ko rin ang paghawak ng kung sino sa aking ulo, ganoon din ang hangin na humahampas sa mukha ko.   "She's awake now." I heard a woman's voice. Oh, it's Lizette.   "I'm gonna bring her to the hospital!" mariin ang boses ng isang lalaki ng magsalita ito.   I blinked my eyes for a couple of times and adjusted my sight to the surrounding. There I saw, Alfie and Lizette beside me, while Cholo was fixing the direction of the electric fan. Agad hinagilap ng aking paningin si Papa. I found him sitting in the single couch while looking at me intently.   “I think she’s fine now. Hindi na kailangan ng ospital.” Cholo said. Umalis siya sa aming harap pero hindi rin nagtagal ay bumalik din siya at may dala na siyang isang baso na may lamang tubig. Inabot niya iyon sa akin ngunit maagap na kinuha iyon ni Alfie sa kanya at maingat niya akong pinainom.   I moved my body so I can sit. Inalalayan ako ni Alfie sa pag-upo. Then I drink my water.   "Are you okay?" he asked softly. I looked at him and I saw so much worry in his face. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya.   Hindi naputol ang titig ni Papa sa akin. Kung kanina ay hindi siya mapigil dahil sa galit niya, ngayon ay parang pipi itong hindi makapagsalita. Gio was sitting beside Papa. Habang ang mga kasama ko ay nakatulala lamang sa akin.   I sighed. I wanted to end this. To clear everything. Handa akong tanggapin ang galit ni Papa sa akin dahil may kasalanan din naman ako. Ngunit bago pa ako magsalita ay nakita kong tumayo si Papa mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa.   “Mag-usap tayong dalawa, Villanueva. ‘yong lalaki sa lalaki.” Aniya bago siya tuluyang umakyat sa taas. Naiwan kaming lahat sa sala. Hindi ko na rin napigilan si Alfie nang tahimik siyang sumunod kay Papa paakyat.   Lumapit si Gio sa akin at naupo sa tabi ko. Bakas na rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nahabag ako sa sitwasyon ko dahil imbes na makatulong ako sa kanila ng buung-buo ay hindi ko na iyon magawa dahil may responsibilidad na rin ako sa magiging anak ko, sa pamilyang bubuuin naming dalawa ni Alfie.   “Ate, u-uuwi na raw kami ni Papa.” Sabi niya.   Umiling ako. “Dito ka maga-aral, Gio. Kami ni Kuya Alfie mo ang magpapa-aral sa’yo.”   Hindi na siya nakaimik sa huling sinabi ko. Iniwan na rin naman kami ni Cholo at Lizette para makapag-usap kaming tatlo nila Papa at Alfie. Wala akong ideya kung ano na nangyayari sa itaas.   Inabot na kami ng halos isang oras sa paghi-hintay ni Gio sa sala. Nakatulog na rin siya sa sofa. Marahil ay dahil sa pagod niya sa biyahe. Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng tiyan ko. I took out my phone and texted Alfie.   Ako:     Is everything okay there?     I stood up and went to the kitchen to drink some water again. Mahimasmasan man lamang sa tensyon sa katawan ko. Cholo told me that I was unconscious for less than two minutes. I got heightened up when Papa advanced to Alfie to punch him. Mabuti na lamang at mabilis din ang naging kilos ni Cholo dahil sa akin tatama ang kamao ni Papa kung sakali.   Lumingon ako sa bandang hagdanan ng maramdaman ko ang mga yabag ng mga taong nagsi-akyatan kanina. Ngunit ang ipinagtataka ko ay may halo iyong halakhakan. Tama ba itong naririnig ko?   Ngunit nang lumitaw ang mukha nila Papa at Alfie ay pareho silang nakangiti sa isa’t-isa. May pinagu-usapan silang hindi ko masundan. At nang tuluyan na silang makababa ay si Papa ang unang kumausap sa akin.   “Pasensya ka na sa nangyari kanina, anak. Alam mo naman si Papa, nag-alala lang sa sitwasyon mo.” Aniya. Hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat.   “Papa---“   “Tinatanggap ko na anak.” Nakangiting sagot niya sa akin. Lumapit sa akin si Alfie at inakbayan ako.   Hindi ako agad naka-imik sa sinabing iyon ni Papa. Napakabilis naman niyang magbago ng nararamdaman. Kanina lamang ay halos durugin niya sa kanyang sariling mga kamay si Alfie pero sa loob lang ng isang oras na pagu-usap ay naging maayos na sila? Ano ba ang sinabi niya para makuha agad ang approval ng Papa ko?   “Salamat, ‘pa. I’m sorry, din. I’m sorry.” Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Tumulo ang mga luha ko, na walang ibang dahilan kung hindi tears of joy lamang. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil wala na akong itinatago kay Papa.   Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Humalakhak siya ng marinig niya ang hagulgol ko. Hinagod niya ng ilang beses ang aking likod. I heard him sigh bago ako kumalas sa yakap namin. Kahit siya ay maluha-luha na rin ng tingnan ko.   “Tatawagan ko na ang Mama mo. Uuwi na rin kami ni Giovanni ngayong araw.” Nakangiting sabi niya. He dried my tears using his palms.   “Bakit po?”   Tumingin siya sa aking likuran, kay Alfie, bago ibinalik ang tingin sa akin. “Mag-usap muna kayong dalawa.” Nakangiting sabi niya sa akin bago kami iniwang dalawa roon.   Si Alfie naman ang hinarap ko ngayon. He only wrapped his arms on my waist and kissed my temple.   “What happened? Ang tagal niyong nag-usap.” I said worriedly.   He chuckled. “I love you.” Aniya.   I sighed. Hindi pa rin ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari at kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa.   “I called your doctor, hon. We’ll have a quick visit in her clinic today.”   “Bakit?”   Kumalas siya sa yakap namin bago siya sumagot. “She’ll check you if your fit to travel.”   Travel? Saan kami pupunta?   He continued. “Uuwi rin tayo sa inyo mamayang hapon. Mauuna lang muna sila Papa.”   My brows met when I heard his last word. Papa?   “Bakit tayo uuwi sa Santiago?” I asked again.   Ngumiti siya. “Magpapakasal tayo.”   “Kailan?”   Maluwang na ngiti ang isinukli niya sa akin.   “Bukas.”   Wala akong mahagilap na salitang pwede kong sabihin sa mga oras na iyon. Gulat na ekspresyon lamang ang isinukli ko sa kanya. He grinned only.   Saka ko naramdaman ang pagkataranta dahil bukas na ang kasal ko. BUKAS!   “Teka! Paano ‘yon? Makakauwi ba tayo agad? ‘yong mga dokumento? Saka civil wedding ba? ‘yong---“   He cut me off when he kissed me quickly on my lips. Masuyong halik ang iginawad niya sa akin. Maybe wants me to stop talking and stay calm.   “I’ll take care of everything. Ang sabi ni Papa ay sa kaibigan niyang abogado na lang muna tayo ikasal. I’m sorry, honey. I can’t give you a grand wedding right now. Your father wants it rush.” Aniya.   Tumango ako. I understand. This is not the right time to make amends. Tutal, ito naman ang plano namin. Mapapaaga nga lamang.   “We’ll be busy for the coming days, babe. I already called Harold to cancel all my appointments for next week. Si Martin ang pansamantalang hahalili sa akin sa kumpanya.”   “Okay… Ano’ng pwede kong gawin?” I asked. Para naman kahit papaano may may maitulong ako sa kanya. Inako niya na lahat ng maaaring gawin, eh.   “Siputin mo lang ako sa kasal natin bukas. That’s all I wanted you to do.” He said before he smiled at me.   Nag-usap pa sila Alfie at Papa ng ilang sandali. Si Gio ay ginising na ni Papa para makapaghanda na. Susunduin daw sila ni Ate Gareth para ihatid sa airport pauwi sa amin. She booked a flight for them.  Alfie also wired a large sum of money to Mama para makapamili na raw ng mga gagamitin at lulutuin para bukas.   Si Papa na ang nagpaliwanag kay Mama sa nangyayari. Naguguluhan man ay sinunod niya na lamang ang sinabi ni Papa sa kanya.   “Alfie, hindi kaya sobrang laki ng perang ipinadala mo?” I whispered.   Nilingon niya ako. “This is all I can do, babe. Everything’s rush now. Hindi makakapag-umpisa sila Mama kung wala silang gagamitin.”   I giggled. “Nakiki-Mama ka na?”   Kahit siya ay natawa sa tinuran ko. His phone rang again and answered the call.   He’s busy talking on the phone. Napagpasyahan kong asikasuhin muna sila Papa at ang kapatid ko. Pinakain ko sila sa nilutong almusal ni Lizette. Ang mga dinala nila galing sa probinsya ay maayos kong isinalansan sa ref. Ilang sandali lamang matapos nilang kumain ay dumating na si Ate Gareth. Nakasakay sila sa isang itim na van. I bid my goodbyes to them para maka-biyahe na sila pauwi sa Santiago. Alfie took a couple of blue bills on his wallet and handed it to Papa.   “May magagamit pa naman kami ni Gio. At saka nilibre mo na ang pamasahe namin. Hindi ko na matatanggap ito.” Tanggi ni Papa.   “It’s okay, ‘pa. Take it. Idagdag niyo po sa gagamitin niyo.” Lahad ni Alfie.   Tinitigan siya ni Papa bago siya muling nagsalita. “Hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari dahil sa estado mo sa buhay. Pumayag ako dahil nakita ko sa iyo ang sinseridad mo sa anak ko.” sabi niya.   Tumingin ako kay Papa at kay Alfie. He was stunned when he heard my father’s words. Hindi siya nakasagot agad at mukhang napahiya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa’t lumapit na rin ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang libong halaga at ako na ang nag-abot kay Papa.   “Kunin mo na, ‘pa. Naga-alala lang si Alfie para sa inyo.” Ani ko.   Umiling siya at marahang ibinaba ang kamay kong nakalahad. “Ayokong isipin ng magiging asawa mo na kaya ako pumayag ay dahil sa pera.”   “Wala po akong iniisip na ganoon. Pamilya po kayo ni Grae. Pamilya ko na rin po kayo. Gusto ko lang pong makatulong.” Magalang na tugon ni Alfie.   Ngunit pinal na ang desisyon ni Papa base sa kanyang hitsura. “Malaki na ang ipinadala mo kay Auring, Alfonso. Sobra na iyon. Hihintayin na lang namin ang pagdating ninyo mamayang gabi.” At saka kami iniwan sa loob ng bahay para sumama na kila Ate Gareth.   Wala na rin kaming nagawa ni Alfie sa pagtanggi ni Papa. Sinabi rin namin kay Lizette at Cholo ang mangyayari bukas. Gusto man nilang um-attend ay hindi sila nakapag-paalam sa kanilang trabaho. Isa pa’y atrasado raw ang oras. Kaya habang nagpa-paalam kami ay hawak pa rin ni Lizette ang kamay ko habang naka-akbay si Alfie sa akin sa kabilang banda. Si Cholo naman ay nakasunod lamang sa aming likuran.   “Gusto kong ma-witness ang kasal mo pero hindi kami pwedeng um-absent sa trabaho, Grae.” Ani Lizette. Yumakap siya sa akin. “Best wishes! Labas na lang tayo kapag nakabalik na kayo rito. Magse-celebrate tayo!” she giggled. I laughed at her upcoming plans after the wedding.   “Salamat, Zette. Sige lalabas tayo. Isasama natin siya!” Tinapik ko ang dibdib ni Alfie. My groom-to-be just smiled widely at us.   “Grae…” narinig kong tawag ni Cholo sa akin.   Lumingon kaming tatlo sa kanya. Nakangiti siya sa akin bago lumapit. “I’m so happy for you.” at yumakap rin sa akin. It was a quick hug. Though, I don’t take it with malice, seeing Cholo hugging me while Alfie is in front of us made me stiffened.   Ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. I can see from my peripheral vision that Alfie is already holding his temper. Ramdam ko ang higpit ng kanyang hawak sa aking kamay. Hindi na rin siya nagsa-salita ngunit dinig ko rin ang lalim ng kanyang paghinga.   At bago pa magkaroon ulit na kaguluhan sa apartment ay nagpaalam na kami sa kanila. But before we went to the clinic, dinala niya ako sa isang restaurant para kumain ng brunch. Saka ko lang napagtanto na nalipasan na ako ng gutom dahil sa mga nangyari kanina. But Alfie never forgets to take care of me despite the fact that he’s busy talking to anyone on the phone. Sinaway ko nga siya dahil kahit nagda-drive ay hindi siya tumigil sa pakikipag-usap.   “You’re driving. Focus on the road.” I said.   “I can just put it to loudspeaker, hon.” Aniya.   “No. Ako na ang kakausap sa kanila. Kung sa trabaho, I’ll ask them to call you later because you’re driving.”   Wala na siyang nagawa sa sinabi ko. Nangingiti pa siya o kung minsan ay napapakagat sa kanyang labi sa tuwing sinasagot ko ang mga tawag niya dahil ang pakilala ko sa mga nakakausap ko ay fiancé niya. The doctor cleared me and gave me her permission to travel. Umuwi rin kami agad ni Alfie sa kanyang unit. He told me to rest while he’d pack our things.   “Inaako mo na naman ang lahat.” I said. Hindi ba napapagod ang isang ‘to?   He took my hand and kissed my knuckles. “I’m not exhausted, babe. I’m excited.”   My heart warmed with his words.   Nakaligo na rin ako matapos kong magpahinga sandali. Busy pa rin si Alfie sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone. May shareholder’s meeting pa lang magaganap early next week pero ipina-cancel niya iyon dahil sa kasal namin.   “I will try my best to get in touch. I can join you in our meeting online. My brother will represent me, too. There’s nothing to worry about.” He said with authority.   Dinig ko ang boses niya mula sa sala. Narito ako ngayon sa kusina para mag-prepare ng meryenda bago kami tumulak sa isang private airport. Aniya, naroon daw ang private plane nila at ‘yon na raw ang sasakyan namin dahil hindi namin naabutan ang last flight pauwi sa amin.   Inilapag niya ang kanyang cellphone sa dining table. Ngumiti ako sa kanya habang inilalahad ang plato na may lamang sandwich. Nagsalin din ako ng juice sa kanyang baso. Ngunit imbes na pansinin ang ginawa kong pagkain para sa kanya, he hugged me from behind and wrapped his arms on my waist. He rested his face on my neck and sniffed. Nakiliti ako sa mainit niyang hininga.   Hinaplos ko ang kanyang mukha palikod. “You should eat. You’re so busy.”   Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. “I can’t wait to be married to you, honey. You’ll be finally mine.” He said huskily.   I bit my lip to suppress the overwhelming giddiness I felt inside of me. Damn this man. Parang may nagkakagulo sa tiyan ko dahil sa sobrang kilig.   “Kainin mo na ‘tong hinanda ko para makaalis na tayo.”   He kissed my cheeks before he ate the food I prepared. Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ay bumyahe na kaming dalawa. May kasama na kaming driver sa loob ng kanyang sasakyan. He intertwined our hands while he’s busy again taking up the calls.   “I’m sorry, I have to fix everything para hindi nila tayo maistorbo sa kasal at sa mga susunod na araw.” Paghingi niya ng pasensya sa akin.   “Sige lang. Naiintindihan ko naman. Sabihin mo lang sa akin kung ano’ng pwede kong maitulong.” Nakangiting tugon ko.   Kahit wala akong halos ginawa kundi ang sumama lamang kay Alfie, ramdam ko pa rin ang matinding pagod. Kaya nang makasakay kami sa kanilang private plane ay hindi ko iyon masyadong na-enjoy. Kayakap ko lang si Alfie sa buong byahe habang natutulog ako.   Wala pang isang oras ay lumapag kami sa maliit na airport ng siyudad sa probinsya namin. Ang text ni Papa kanina sa akin ay umarkila sila ng sasakyan para sa susundo sa amin. Si Greg at Gio ang susundo sa amin. Ang akala ko ay isang pampasaherong van ang naarkila nila pero nang makita namin silang nakatayo sa tabi ng owner-type jeep ay na-excite ako.   “Ate!” kaway sa akin ng mga kapatid ko.   Maluwang ang mga ngiti ko nang salubungin ako ng mga kapatid ko. Niyakap ko ng mahigpit si Greg habang si Gio naman ay kinuha ang bag na hawak ko. Mainit din ang pagbati na ginawad nila kay Alfie.   “Uy bayaw!” nakipag- high five pa si Greg kay Alfie. “Akin na ‘yong bag niyo para makasakay na tayo.” Aniya.   Inabot nito sa kanya ang isang maleta. Umalalay din si Gio sa ibang karga namin. Ang ibang guards ni Alfie ay nakasunod lang sa amin. May ibinulong siya sa isa sa mga bodyguard niya pero hindi iyon nakatakas sa aking pandinig.   “Just follow us. We’ll ride on the jeep.” Aniya.   “Yes, Sir.” His guard answered   Si Greg ang nagmaneho ng owner habang nasa passenger’s seat si Gio. Kaming dalawa ni Alfie ay umupo na sa likuran.   “Pasensya ka na bayaw, ah?  Wala na kasi kaming mahanap na pwedeng arkilahin na sasakyan kaya hiniram ko na lang itong jeep ng uncle namin. Ayos lang ba kayo diyan? Ate?” he asked.   “We’re fine, Greg. I actually like it.” Tugon niya.   Sus! Pa-good shot! I smirked.   “Oo nga pala, Ate. Sabi ni Papa at ni Mama, matutulog daw si Kuya sa bahay nila Uncle George dahil hindi raw kayo pwedeng magkita bago ang kasal.” Aniya.   Tumingin si Alfie sa akin. Nilingon ko rin siya. Ramdam ko ang pagtutol niya pero kailangan naming sundin ang mga magulang ko.   “Naayos na ba ‘yong tutuluyan niyang kwarto?” tanong ko sa kapatid ko.   “Oo, Ate. Doon siya matutulog sa kwarto nila uncle dahil may aircon daw do’n.” si Gio naman ang sumagot.   Binalingan ko si Alfie. Humigpit ang kanyang hawak sa akin at saka marahan na umiling. I smiled at him.   “Ngayong gabi lang. Pamahiin ‘yon sa mga ikakasal. Pagbigyan na natin sila.” I convinced him.   “I don’t think I can sleep without you by my side.” He pouted. “Arte!” at saka ako humalakhak ng malakas.   Hinapit niya ako lalo sa kanyang tabi. “Fine. Pero magpapakita muna ako sa inyo bago ako tumuloy sa bahay ng uncle mo.”   Tumango ako. “Ipapakilala kita sa kanila. Ang mga guards mo, pwede sa amin. Kaso maglalatag na lang siguro kami.”   Nangunot ang kanyang noo. “How can you allow my guards to sleep on your place while you’re pushing me to sleep to your uncle’s room? They will helped in the preparation! Walang matutulog sa inyo!” mariin niyang sinabi.   “Fine!” I said.   Nang makarating kami sa bahay namin ay nagulat ako sa ayos ng bakuran. Ang daming tao! Naroon halos ang lahat ng mga kamag-anak at kapit-bahay namin. Nagse-setup na sila ng isang malaking open tent gamit ang mga kawayan at tolda. Sa kabilang banda naman ay ang mga kababaihan na nagpe-prepare ng mga lulutuin. Tiningnan ko ang oras sa aking relo. It’s almost seven in the evening already.   “Nandyan na sila!” Sigaw ng isa sa mga naroon.   “Ang daming tao, Greg!” bulalas ko.   Humalakhak si Greg at nilingon kami sa likod. “Excited sila sa kasal mo, Ate. Gusto ni Kuya na malaking kasalan ang maganap.”   “Akala ko ba civil wedding lang?” tanong ko kay Alfie.   Ngumiti siya sa akin. “I want your family and relatives to know that I will marry you. That you’ll be married to me tomorrow.”   Umiling na lamang ako habang nangingiti sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD