CHAPTER 14

3614 Words
Grae     Mainit ang naging pagsalubong nila sa amin, lalo na kay Alfie. Agad siyang naharang ng mga kamag-anak ko para makipag-kwentuhan. Nagmistulang interbyu ang nangyari habang nakaupo siya sa bangko kasama ng mga uncle at pinsan ko.   “Saang pamilya ka galing?” tanong ng isa sa mga uncle ko, kapatid ni Mama.   “Villanueva po, Sir.” Magalang na sagot ni Alfie.   Inabutan siya ng basong may lamang gin. Alfie took it politely at walang sabi-sabing nilagok iyon ng minsanan! Inabutan naman siya ng basong may lamang tubig na malamig para maibsan ang tapang ng alcohol.   “Naku! Huwag mo na kaming sine-sir sir dito! Magiging asawa ka na ng pamangkin ko kaya dapat uncle na ang tawag mo sa akin!”   Naghalakhakan ang mga naroon. Alfie really knows how to get along with them, to think that it is his first time to meet my family and relatives.   Lumabas si Papa mula sa bahay at nilapitan kami. Agad akong nag-mano sa kanya, ganoon din si Alfie.   “Oh, papapasukin ko lang itong dalawang ito para makakain at makapagpahinga na sila.” Ani Papa.   Magalang kaming nagpaalam sa mga tiyuhin at pinsan namin na naroon. Inakay kami ni Papa sa loob ng bahay. Abala rin ang mga tao rito sa loob, karamihan sa kanila ay nasa kusina at nag-aayos na ng mga gagamitin para sa handaan.   “Gracielle!” bulalas ni Mama mula sa dining chair. Agad niyang binitawan ang ginagawa sa mesa at mabilis na lumapit sa amin.   Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi. Mama got carried away and cried while hugging me. Maging ako man ay nadala na rin sa emosyong nararamdaman ko. I missed her. Huling kita ko sa kanya ay noong graduation ko pa. They we’re not able to witness my oath-taking because they don’t have enough money for the travel.   “Ang anak ko, Ruben! Ikakasal na!” aniya. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin. Si Papa ay walang isinagot sa sinabi niya. Bagkus ay lumapit lamang siya sa likod ni Mama at hinawakan ang dalawang balikat niya habang marahan niya iyong tinapik.   Lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko. “Ang sabi ng Papa mo ay magkaka-apo na raw kami? T-totoo ba ‘yon?” marahan ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang garalgal na boses niya.   Nilingon ko si Alfie sa aking likuran. Nakatayo lamang siya roon habang pinapanood kaming mag-anak. Ibinalik ko ang tingin ko kay Mama at naabutan ko rin siyang nakatunghay sa magiging asawa ko. I felt Alfie’s presence beside me.   “Good evening po, Mama.” Magalang na bati niya sa aking ina.   Nangiti si Mama sa kanya at walang sabing niyakap niya si Alfie. Nabigla man siya ay gumanti siya ng yakap at marahang hinagod ang likod ni Mama nang magsimula ulit siyang umiyak. Sinaway siya ni Papa pero hindi niya iyon pinansin. I told him to let her be.   Nang kumalas si Mama sa pagkayap kay Alfie ay bahagya pa siyang natawa habang nagpupunas ng luha sa kanyang mukha gamit ang bimpong nakasabit sa kanyang balikat.   “Pagpasensyahan niyo na ako. Nadala lang ako sa bilis ng pangyayari.” Nangingiting sabi niya. Dinig ang halakhak ni Papa sa kanyang likuran at inakbayan pa niya ito.   “Hindi lang ikaw ang nadala sa nangyari, Auring. Nagulpi ko nga itong magiging manugang mo kaninang umaga.” At muli siyang tumawa.   Alfie went closer to me and rested his hand on my shoulder. “Naiintindihan ko po iyon, Papa.” Aniya.   Siniko ni Mama si Papa mula sa kanyang likuran. Alam kong hindi naman iyon masakit ngunit nang lumapat ang siko niya sa dibdib ni Papa ay umigik siya. “Padalus-dalos ka naman yata kasi, Ruben! Hindi mo pinakinggan ang paliwanag ng mga bata.”   “Kahit sinong ama, Auring, ay ganoon din ang magiging reaksyon kapag nalamang ganoon ang nangyari sa kanilang anak. Lalo na’t babae ang atin.”   “Nag-uumpisa ka na naman!” she glared at him. Nang harapin niya kami ay maluwang na ang ngiti niya sa amin. “Iakyat mo muna ang maleta mo, Gracielle. Nasabi na ba ni Greg sa inyo ang gusto naming mangyari ngayong gabi?”   Si Alfie ang sumagot sa kanyang tanong. “Opo. I’ll just take her luggage upstairs and I’ll get going.”   Mama shook her hands repeatedly. “Ay! No get going! Dito ka na kumain bago ka ihatid ni Gregory.”   Inakyat ni Alfie ang mga bagahe ko. I lead the way to my room. Ang swelo ng bahay naming sa 2nd floor ay yari sa kawayan kaya bahagya akong nag-alala para sa kasama ko. He’s tall and huge, and given the fact that our house is a little bit old, baka biglang bumigay iyon at lumusot ang paa niya.   Dinig mula sa ibaba ang pag-aasikaso nila Mama at Papa sa mga guards ni Alfie. They were offering them food. Sa salita nila Mama ay mukhang nahihiya pa ang mga ito na kumain. Dinig ko rin ang pamimilit ni Papa at paulit-ulit na pagpapa-alala na huwag mahiya at ituring din nilang bahay nila ang sa amin.   “Hon, tutulong na lang ako ngayong gabi sa mga gawain dito para bukas.” Sabi niya.   Pumasok kami sa kwarto kong tanging kurtina lamang ang tumatakip mula sa labas. Nakita kong nangunot ang kanyang noo nang mapansin niyang wala iyong pintuan. Inayos niya iyon ng bahagyang naipon ang kurtina sa gitna, enough that no one can see my room from the outside. Naupo ako sa aking single bed na kama na yari rin sa rattan.   “Alfie, alam ko ang gusto mong mangyari.”   He pouted, looking guilty with my accusation but he remained innocent-looking. “What? I just want to help.”   “May gagawa na para roon.”   “Pero mas mapapadali kung---“ I cut him off. Tumayo ako at humalukipkip sa kanyang harapan.   I raised my right brow. “Gusto mo lang matulog dito, eh.” I said.   He grinned. He came closer to me and gently snaked his arms on my waist. “Why hon? Are you bothered?”   “I’m not. Alfie…” I sighed. “Isang gabi lang naman. Ngayong gabi lang.” pangungumbinsi ko sa kanya.   He rested his head on my shoulder. “I can’t sleep without you by my side, honey. Let’s talk to your mom, please?” pagsusumamo niya.   Siya naman ang pumalit sa akin sa pagkakaupo sa kama ko. He gently pulled me and let me sit on his lap. His hands supported my weight and rocked me softly on his arms and thighs. Para akong batang hinehele sa ginagawa niya.   I answered him. “Sundin na lang natin ang gusto nilang mangyari. Let’s please them.” Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Hinuli niya iyon bago niya pinagsalikop ang aming mga daliri.   He sighed. “Alright, babe. If that’s what you want.” He said.   Sandali pa kaming dalawa sa ganoong posisyon hanggang sa marinig namin mula sa baba ang lakas ng boses ni Mama. Tinatawag na niya kami. Kahit inaantok na ako ay pinilit ko pa ring bumaba para makakain. We had a long day today and another one tomorrow.   Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ni Greg si Alfie sa bahay nila Uncle George. Halos ayaw pang humiwalay sa akin at kinausap pa si Mama na kung pwede ay dito na rin siya sa bahay. Pero mariin ang desisyon nila Papa na sa kabilang bahay siya matutulog ngayong gabi.   “Nasaan ang mga magulang mo, Alfie?” tanong ni Mama sa kanya habang kumakain kami sa hapag.   He cleared his throat before he answered. “Mama died already few years ago. Si Papa naman ay nasa Amerika po ngayon.”   “Wala bang kamag-anak na dadalo sa kasal niyo bukas?” si Papa naman ngayon ang nagtanong.   “My brother will attend tomorrow, Papa.” Aniya.   Magha-hatinggabi na nang makaalis siya rito sa amin. He stayed with my cousins and uncles for a while hanggang si Papa na mismo ang nagsabing humayo na siya kila Uncle George. Kung hindi pa siguro siya sinabihan ni Papa ay baka madaling araw na sila natapos sa kwentuhan at inuman.   Hindi na rin ako nakatulong kila Mama sa kusina. Pagod na pagod ang katawan ko sa buong araw na nangyari. I just did a quick shower and readied myself to sleep. Ang sabi ni Papa ay alas nuwebe ng umaga ang kasal. Alfie’s texting me non-stop. Nakahiga na rin daw siya ngunit hindi raw makatulog. Marahil ay namamahay siguro.   Ako:     Let’s sleep now.     Alfie:     You keep running on my mind, babe.     I giggled when I read his reply. Kung ano’ng ikinaseryoso niya sa ibang tao ay siyang ikinalambot niya sa akin.     Ako:     Kaya pala inaantok na ako. Kakapagod tumakbo sa utak mo.     Inilapag ko na ang cellphone sa aking tabi. Hinihintay ko na lamang ang huling reply niya para makapag-paalam na. Gusto ko na talagang matulog. Inaalala ko lang siya dahil baka hindi siya kumportable roon.   Muling nag-vibrate ang cellphone ko. Dinampot ko iyon para basahin ang text niya.     Alfie:     Let’s sleep now, then. Dream of me, babe. I love you.     Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang mabasa ko ang kanyang reply. Binalot ng mainit na pakiramdam ang aking puso. I’m always moved by his words. Hindi lumilipas ang mga sandaling hindi niya naipaparamdam ang pagmamahal niya sa akin.   At kung noon ay gusto ko lang siya, ngayon… mahal ko na siya.   Mahal ko na si Alfie.   Kaso, hindi na ako nakapag-reply sa kanya dahil sa sobrang pagod at antok ko. Nagising na lamang ako kinabukasan dahil sa mga ingay ng mga tao sa loob ng bahay.   This is the day. I’m gonna be his Mrs. Gracielle Marie Trinidad-Villanueva.   Sandali pa akong nahiga sa aming papag bago ako inakyat ni Mama at pinasok sa aking kwarto. May bitbit siyang isang puting bestida na nakabalot sa isang transparent na plastic.   “Mag-ayos ka na, anak. Nariyan na ‘yong grupo na maga-ayos sa’yo.” Aniya habang isinabit niya sa dingding ang susuotin ko sa kasal.   Tumayo ako para sipatin ang damit na susuotin ko. It’s a white long sleeve scallop edge open back dress. Ang haba nito ay tama lamang sa aking tindig. Ang mahabang manggas nito ay yari sa lace at v-neck ang neckline.   “Ang ganda naman ng binili mo, ‘ma.”   “Hindi ako ang bumili niyan. Ang mapapangasawa mo. Dinala lang ng mga mag-aayos sa’yo. Naroon na sa baba ang ibang gamit mo. Bumangon ka na riyan para makaligo ka’t makakain na. Kasalukuyang naga-almusal ‘yong make-up artist mo at ang ibang kasamahan niya.” ani Mama.   Agad akong nag-ayos ng aking sarili. Nadatnan ko pa ang grupo ng glam team na kumakain sa hapag. I told them I’ll just take a bath para makapag-umpisa na sila sa pag-aayos sa akin.   Pinasuot nila ako ng silk na roba ng humarap na ako sa vanity mirror. Tatlo silang nag-ayos sa akin. Maging ang buong pamilya ko ay nagre-ready na rin. Nakabihis na rin sila Mama at Papa, maging sila Greg at Gio. Maya-maya pa’y dumating na rin ang kinontrata nilang photographer sa bayan.   Tinulungan din nila ako para maisuot ko ang aking wedding dress. They gave me my wedding bouquet. At nang makita ko ang aking kabuuan sa salamin, hindi ko maiwasan ang mamangha sa aking sarili.   “Ang ganda ko…” I whispered playfully. Napaawang pa ang aking labi habang sinisipat ang aking mukha sa salamin.   Humagikhik ang baklang katabi ko. “Dati ka nang maganda, gurl!”   Tumawa rin ako sa kanyang tinuran. Alas otso y media ng umaga ay tinungo na namin ang opisina ng attorney na magkakasal sa amin. Pagbaba ko sa sasakyang iyon ay agad nahagip ng aking paningin si Alfie, while standing beside him is Martin.   He looked really dashing in his gray suit and white button down long sleeves with a tie. Pinaresan niya iyon ng kanyang black leather shoes habang ang kanyang relong pambisig ang tanging naging accessory niya sa katawan. His sight never leave me. I saw how it gleemed when he first saw me.   Agad niya akong sinalubong para alalayang makababa sa sasakyan. Hinawakan niya ako sa aking kamay at hindi na iyon binitawan pa. At nang makapasok kaming lahat sa loob ng opisina ni attorney ay saka niya lamang binitawan ang kamay ko.   Sandali lamang ang naging seremonyas. May ilang sinabi si attorney sa amin ukol sa pag-aasawa. Matapos naming suotan ng singsing at mangako sa isa’t-isa ay idineklara na kaming legal na mag-asawa ni Alfie. Pumirma na rin kami sa aming marriage certificate na nakahain sa aming harapan.   “You may kiss the bride!” masayang tinuran ng matandang abogado sa amin.   Hinarap namin ni Alfie ang isa’t-isa. I smirked at him and pouted playfully at saka umangat-angat ang mga kilay ko, like I was aiming for a kiss. Natawa pa ang mga nakasaksi sa ginawa ko.  But he did the opposite. Hinapit ako ni Alfie sa aking baywang. My hands automatically landed on his hard chest, and without further ado, he gave me a long kissed so lovingly.   Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng opisinang iyon. Nang bitawan ni Alfie ang aking mga labi ay may ibinulong siya sa akin.   “Finally, you’re mine now, Grae.” Aniya.   Ang mga salita niyang iyon ay nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Para bang kaytagal niya na iyong gustong sabihin. Iba itong nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga ipinaparamdam niya sa akin sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako.   Those words were like held and kept for ages, and finally said outspokenly.   Pinatakan niya pa ako ulit ng isang mabining halik bago niya ako tuluyang bitawan. Isa-isang lumapit sa amin ang aking mga magulang at kapatid. Nakipag-kamayan din si attorney sa amin. After we took some pictures ay umuwi na rin kami.   Nauna na sila Mama at Papa na umuwi sa bahay. Lulan sila ng isang sasakyan na pag-aari ni Alfie. Nagulat na lamang ako ng makita ang kotse niya roon. Ang sabi niya sa akin ay ipinamaneho niya iyon sa isa sa mga tauhan niya. Iyon na ang gagamitin naming sasakyan pauwi sa aming bahay para magdaos ng reception.   “Kuya…” Martin called him. Papasok na siya sa back seat ng kanyang kotse ng tawagin siya ng kanyang kapatid.   Nilingon niya ito at sandali silang nagkatitigan. Mabilis na ibinaling ni Alfie ang tingin niya sa akin bago niya ako halikan sa aking noo.     “I’ll just talk to him. Mabilis lamang ito.” Nakangiting sabi niya.   I nodded and smiled at him. Isinara niya ang pintuan at bahagyang lumayo sa kotse. Sa hitsura ng mga mukha nila ay batid kong seryoso ang kanilang pinag-uusapan, especially Alfie. It’s like they are discussing something…difficult? Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa kausap, ang pagkibot ng kanyang mga labi at ang pagbuga niya ng malalim na paghinga bago umiling ng minsan kay Martin.   Nalipat ang tingin ko sa driver sa harapan. He’s just looking straightly on the road habang naghihintay ng signal kung alis na ba kami o hindi pa. Is there something wrong? Maybe in business. Tama. Baka sa negosyo lamang iyon.   I don’t want negative thoughts lingering on my mind.   Nang lingunin kong muli ang magkapatid ay nadatnan ko na silang nagtanguan bago tinapik ni Alfie ang balikat ni Martin. I think they are done talking now. Palapit na silang dalawa sa akin at nang makita kong iminuwestra ni Alfie ang pagbukas ng pintuan sa aking gilid ay naupo ako ng maayos.   “Honey, Martin’s going now. May emergency sa opisina.” Ani Alfie.   I smiled at him and nodded curtly. “Salamat sa pagpunta, S-Sir Martin.” Nahihiyang turan ko sa kanya.   “What?!” Magkasabay na sabi nila.   Ngumiwi ako sa nasaksihang reaksyon ng dalawang lalaki sa harapan ko.   Tinapik ni Martin ang kanyang braso. “She’s not used to it.” Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig. “I gotta go. Best wishes for both of you.” At saka niya ako tiningnan nang nakangiti. Gumanti rin ako ng matipid sa kanya.   We were on our way home for the reception. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Ayaw niya iyong bitawan. He occasionally kissed it especially my ring finger.   “I want to be alone with you tonight, hon.” He hotly whispered.   Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi at awtomatikong napatingin ako sa driver sa harap. I was worried he might heard him. Wala naman akong reaksyong nakita sa kanya maliban sa pagda-drive. O patay-malisya lang siya dahil ang amo niyang walang preno ang bibig ang kasama niya.   I pinched Alfie’s arm and gave him a warning look. He just winced from pain and later barked a loud laugh at my gestures. Pinanood ko lamang siyang tumatawa habang nanginginig pa ang mga balikat niya.   “Ang saya mo ah?” I said.   His laughed faded on air and cleared his throat. “I have so many reasons to be happy now, Grae.”   I laughed mockingly at him. Lalo siyang dumikit sa akin. His left hand now’s resting on my waist. He just poked my nose and kissed me on my ears.   “We did not pledge our vows a while back.”   I sighed. Oo nga pala. But was it necessary? I heard him so many times professing his love for me. He is actually earning my love and trust for him. Pero hindi niya alam na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.   Pero sa hindi ko maintindihang rason, I cannot say it to him. I cannot gamble my feelings towards him.   This is my wedding day. Why do I have to feel this way? Bakit parang kung kailan naman ako tuluyang natali sa lalaking mahal ko ay saka ako nakakaramdam ng alinlangan?   Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng marating namin ang bahay. And dami naming bisita! May isang punung-puno ng bisita sa pampasaherong jeep pa kaming nakita, sabay sa pagkarating namin.   “Nandyan na ang bagong kasal!” bati nila sa amin.   Malakas na tugtugin mula sa nirentahang sound system ang bumungad sa amin. They were all smiling at us. Ang iba ay nagsaboy pa ng bigas na may asin at talutot ng mga bulaklak habang papasok kami sa gate naming yari sa kahoy.   Pansamantala kong nakalimutan ang iniisip ko kanina sa sasakyan at nagsaya sa isa sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Alfie’s still holding my hand. Kahit nang maupo kami sa pandalawahang couch na idinisenyo ng caterer ay hindi niya iyon binitawan.   Nagpatuloy ang kasiyahan at sayawan sa bakuran namin. May anunsyo pa ng mga requested songs at isa-isa silang kukuha ng kanilang mga dance partners.   “Are you tired?” masuyong tanong sa akin ni Alfie.   Umiling ako bago ngumiti. “Hindi naman.”   “Let’s dance, then.” At saka niya ako marahan na hinila at dinala sa gitna.   He took my hand while the other one rested on my back. Ang isang kamay ko naman ay pumirmi sa kanyang matipunong dibdib. Our body’s so close that I looked like he’s hugging me already. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Then he kissed me on my temple.   “I never thought that I could hold you so close like this before, Grae.”   I gulped hard. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang sabihin niya ang gusto niyang sabihin sa akin. Sa lakas ng tugtog ng musika, tanging ang boses lamang niya ang gusto kong marinig.   “I…” he sighed. “I always looked you from afar. Kung lalapitan man kita, I still have to make some stunts. I can’t stand myself closer to you. Parang may nagwawala sa kaloob-looban ko.”   Tiningala ko na siya nang marinig ko iyon. Why does he sounded like he knows me already more than I knew him?   “What are you saying?” I asked.   Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang kaming dalawa sa pagsayaw. Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa aking katawan.   “Remember how your suitors backed off after how many weeks of courting you then?”   Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. How the hell he would know that?   “Si Cholo lang ang hindi dumaan sa akin, Grae. Lahat sila…” umiling siya. “I scared the s**t out of them.”   “Ano’ng sinasabi mo?” tanong kong muli sa kanya.   He bit his lip. He looked at me straight to my eyes. Ang kanyang mga matang humahalukay sa aking kaibuturan ay matamang nakatingin sa akin. He’s looking at me so sweet and gentle. It’s like a portal to his mind and soul.   “I knew you first, Grae.” Aniya. He continued. “I liked you first.”   Nagsalubong ang mga kilay ko pero walang ni isang salita ang namutawi sa aking bibig.   “I was your stalker, honey.” pag-amin niya.   That made me more speechless. What the hell is my husband talking about?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD