Grae
Pagkatapos ng meeting na iyon, agad sinabihan ni Alfie si Harold na ihatid na ako sa kanyang opisina. He still has to talk to some executives and he told me that he doesn’t want me to be exposed that way, after that short incident with his father.
Sinunod ko na lang ang gusto niyang mangyari dahil hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. I only had a short time staying in that meeting but I felt exhausted. Pakiramdam ko, naibuhos ko na ang kalahati ng lakas ko para sa buong araw na pagta-trabaho.
It’s almost lunch time when the meeting adjourned. Pagkabalik ko sa opisina ay agad kong inasikaso ang pagkain namin ni Alfie. I called the cafeteria to request for our meals. After that call, my phone beeped. I received a text from Alfie.
Alfie:
I have a luncheon meeting today. I can’t join you for lunch.
I bit my lip and disappointment slowly ruled my mind. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng tampo. Hindi niya iyon sinabi sa akin bago kami nagkahiwalay kanina.
Inilapag ko an cellphone ko sa lamesa at hinarap ang computer ko. I checked his schedule for today if there’s a scheduled luncheon meeting pero wala. His schedule are clear in the afternoon.
Dinampot ko ang cellphone ko para mag-reply sa kanya.
Ako:
Okay, take care.
Baka emergency lang siguro, pang-aalu ko sa sarili ko.
Then I remembered the meals I ordered. I have to cancel Alfie’s meal. Wala namang ibang kakain no’n.
Pero nang tinawagan ko ang linya ng cafeteria, the lady I spoke earlier told me that the meals I ordered were almost done.
Mag-isa akong kumain ng pananghalian. Inilagay ko na lang sa isang container ang pagkaing nai-order ko para kay Alfie. Ang lungkot lang sa pakiramdam dahil hindi ito ang nakagawian ko rito sa opisina niya. Dati, kahit anong appointment ni Alfie, he makes sure that we’ll eat lunch together, iyon ay dahil gusto niyang makasiguro na nakakakain ako ng tama.
Busy lang talaga siguro sila lalo na’t narito si Chairman.
Ipinagpatuloy ko ang pagta-trabaho sa hapon na iyon. Kailangan ko pa ring tapusin ang mga nakabinbin kong trabaho kahit na wala ako sa mood. Ilang araw din kaming nawala kaya kailangan kong makahabol sa mga pending works ko.
Pasado alas tres ng hapon ay tumunog ang intercom ni Alfie.
“Miss Grae?”
Agad akong tumayo para lumapit roon.
“Miss Grae?” ani Harold.
Pinindot ko ang button at aamba ng magsasalita ng muli kong narinig si Harold sa kabilang linya.
“Miss Grae, Miss Venice is here.”
Bakit siya narito?
“Uh… Wala si… S-Sir Alfie.” nauutal na sagot ko.
Muling tumunog ang intercom.
“Ikaw daw po ang sadya niya, Miss.”
Nangunot ang noo ko sa narinig? Ano naman ang sadya niya sa akin? Maliban sa unang pagkakakilala namin ay wala na kami muling naging encounter sa isa’t-isa. Silang dalawa lang naman ni Alfie ang magkakilala.
But, maybe… It’s just work-related and giving someone’s the benefit of a doubt’s not a bad thing, eh?
“O-Okay.” Sagot ko.
Hindi nagtagal ay pumasok na siya sa loob ng opisina hawak ang isang itim na folder. Tumuwid ako sa aking pagkakatayo nang makita kong unti-unti na siyang lumalapit sa akin.
I tried my best to hold my composure because if I don’t and let my unreasonable feelings reign in my mind, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi makagawa ng bagay na hindi dapat gawin.
“Good after---“ bati ko pero agad niya akong pinutol sa pagsasalita.
“Hi.” she greeted me like someone she knew a long time ago.
Mangha man ako sa ikinikilos niya ay sinikap kong hindi iyon ipahalata sa kanya.
“May…kailangan ka?” I asked.
Nilampasan niya ako at dahan-dahan siyang lumapit sa sofa. Ilang sandali niyang inilinga ang paningin sa paligid bago niya ako binalingan.
“I want to talk to you.” She said seriously before she settled on the single couch.
Nalilito man ako sa ikinikilos niya ay sinubukan kong maging kalmado. I sat on the couch in front of her.
Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. She’s really beautiful. The way she dresses and hold herself, and her body, walang itutulak kabigin. Her features were a bit strict but when she speaks, ang lambing ng boses niya.
I wonder why Alfie didn’t fell for her.
“I know everything, Grae.” panimula niya.
Hindi ako umimik dahil mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
I saw her shook her head. “He didn’t tell me about you. The last time that we’re together, we are really doing great!” she blurted. Her right palm rested on her forehead.
I gulped. Parang ayoko nang pakinggan ang mga hinaing niya dahil pakiramdam ko, may malalaman akong hindi na kailangang malaman.
Alfie is already my husband. Whatever she says ay wala ng silbi iyon. If he chose me over her, it’s not my problem anymore.
Pero iba ang ibinubulong ng konsensya ko.
“Hindi kami nagkaroon man ng problema. We even took a vacation abroad months ago! Hindi ko aakalain na sa ilang linggo ko lang na pagkawala ay bigla na lamang siyang aatras sa aming dalawa. At bago ko pa ayusin ang lahat, he’s already married to you!” she said. Tears pooled in the sides of her eyes.
“What?” nanghihina kong tanong sa kanya.
She gasped and tears flowed on her cheeks. Agad niya iyong pinunasan gamit ang kanyang mga palad.
“How could he do this to me? Everything’s falling into places. We’re just waiting for it to be announced publicly. Tapos… Ganito lang?”
Napaawang ang labi kosa narinig. Ibig niya bang sabihin…
Hindi. This can’t be. Alfie told me that she’s not his girlfriend! Wala silang relasyon. Iginiit niya sa akin iyon.
I believed him. Pero…hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa sinasabi ng babaeng nasa harap ko.
“Hindi mo ba alam?” manghang tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Ano ba talaga ang hindi ko alam?
“I am his fiancé! We’re about to get married this year! But you stole him from me!” she said with her voice full of accusation.
Tuluyan na akong napatayo sa narinig. Sumikdo sa kaloob-looban ko ang galit na unti-unting namuo sa dibdib ko. Kahit alam kong isa siya sa mga mataas ang katungkulan sa kumpanyang ito, binalewala ko na iyon.
“I am his wife---“
Tumayo rin siya at dinuro ako. Her eyes were full of anger. “You got him by letting yourself get pregnant! You lured him that night!”
She continued. “At lalo akong namumuhi sa’yo dahil pinakasalan ka niya! He got no choice but to stand for his responsibility.” Umiling siya. “Tinalikuran niya ako dahil buntis ka. You will be his liability forever.”
Ilang masasakit na salita pa ang binitawan niya sa akin. Her words are like daggers stabbing me endlessly. Unti-unti akong nanghihina habang patuloy lamang siya sa pagsasalita.
Nakasira ako ng relasyon. Nagsinungaling sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.
Narinig ko ang hagulgol ni Venice matapos niyang ilabas lahat ng hinaing niya sa nangyari. Tinitigan ko siya. I can see how sorrowful she is. She lost him because he stand for me.
Hindi ko na siya muling inimikan. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili bago nilisan ang opisinang iyon.
Hapung-hapo akong napaupo muli sa couch. Bahagya akong nakaramdam muli ng pananakit ng likod pero binalewala ko na iyon. Mas masakit sa loob ko ang dulot ng nalaman ko ngayon.
Inisip ko muli ang mga nangyari at saka ko napagtantong napakabilis pala lahat ng mga kaganapan. Sa loob ng halos tatlong buwan, mula ng malaman kong nagdadalang-tao ako hanggang sa ikasal kami ni Alfie, sobrang bilis. Parang hindi na napag-isipan ng mabuti ang lahat.
O dahil hindi ko man aminin ng buo sa aking sarili, nagpaubaya ako sa lahat ng ito dahil mahal ko siya. Mahal ko si Alfie. Mahal ko ang asawa ko.
He told me that he love me. I felt his sincerity when he told me that. Pero kung hindi siguro nangyari ang lahat noong gabing nagpaubaya ako, malamang ay hindi na kami umabot pa sa ganito.
I heaved out a deep sigh. My conscience is screaming inside my mind. It’s starting to eat my sanity. Pero kailangan kong mag-isip ng tuwid. Walang mangyayari kung paiiralin ko pa ito. After all, we’re already married. He chose me already.
Gamit ang natitirang lakas ay inayos ko na ang aking sarili. It’s almost 5 p.m. Hindi pa rin bumabalik sa opisina si Alfie kaya napagdesisyunan kong mauna nang umuwi. After I ensured that everything’s in place, I took my last courage and went outside of that office.
Sumalubong agad sa akin ang nag-aalalang tingin ni Harold. I gave him an assuring smile, even though I knew it myself that I’m faking it. I don’t want anyone to know how troubled I am right now. I have to show to everyone that I’m fine, despite the fact that Venice spilled everything to me now. Sigurado akong alam ng lahat ng narito sa building na ito na silang dalawa ni Alfie ang dapat na magkatuluyan. But here I am, taking away from them the picture of a happy relationship.
“K-kung sakaling bumalik si Alfie, p-pakisabi nauna na ako.” Nauutal na sabi ko.
Tumango lamang siya ngunit hindi naalis ang tingin sa akin.
Muli akong ngumiti bago siya lisanin sa kanyang mesa. Sa loob ng elevator ay pinilit kong iwaksi ang negatibong iniisip at nararamdaman. Kailangan kong ayusin ang aking sarili dahil kung hindi, I might burse out my tears inside this building.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. I breathe in and out a couple of times. Nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ako sa tamang palapag ay tumikhim ako at umayos ng tayo.
Paglabas ko ay mabilis kong tinawid ang malawak na lobby ng building. Hindi ko man matukoy kung sino ang mga iyon pero hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulung-bulungan. Ayoko mang isipin na ako ang tinutukoy nila but I can’t help it.
“Oo, siya nga ‘yan. Kawawa naman si Ma’am Venice, ‘no?” dinig kong bulong sa mangilan-ngilang babae na nadaanan ko.
“Nakita ko nga siya kanina. Nagmamadali siyang umalis. Namumugto ang mga mata. Bago ‘yon, galing siya sa top floor.” Sabi ng isa.
Nakatungo lang ako upang maiwasan ang tingin ng mga tao sa akin at nang tuluyan akong makalabas sa gusaling iyon ay para akong nabunutan ng tinik. It was then I realized that I was holding my breath for a coule of seconds already. Kaya halos habulin ko ang aking paghinga.
Pumara ako ng taxi. Sinabi ko ang address ng condominium ni Alfie. Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi, kasabay noon ay muling nanumbalik ang isip ko sa mga nalaman.
I don’t think Alfie can lie to me. Sinsero siya sa lahat ng kanyang sinabi. I can see it. I can feel it. He constantly tells me how much he loves me. Every time that we’re together, every love makings we shared. Lahat ng iyon, alam kong totoo.
“Ma’am...” narinig kong sinabi ng driver.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. I’m spacing out big time. Nakita kong nakatingin din siya sa akin na tila naghihintay sa magiging reaksyon ko.
Inilinga ko ang paningin sa paligid. Naka-park na pala sa harap ng building ang taxi na sinakyan ko. Ayaw man ng katawan ko ang kumilos pero pinilit kong umayos para makapagbayad at makababa na sa sasakyan.
I did what I have to do. Nagpahinga lamang ako saglit bago magshower. Gusto kong abalahin ang sarili ko para hindi ko maisip ang mga nangyari kanina. After I took a shower and fixed myself, bumaba na ako para magluto ng hapunan.
Alfie texted me that he’ll be home late but surely, he’s eating dinner with me. Napanatag ang loob ko kahit papaano. Gusto ko mang ikwento ang nangyaring pag-uusap namin ni Venice sa opisina kanina ay wala akong lakas ng loob para roon.
What for? We’re already married. Mahal ko siya. Mahal niya rin ako. She cannot do anything about it anymore.
I maybe sorry for what happened between her and Alfie but I will never be sorry for loving the man that she loves, too.
Natapos na ako sa pagluluto. Halos isang oras na akong naghihintay sa pag-uwi niya pero wala pa rin siya. Maybe na-traffic? I was about to call him again when the doorbell rang.
Nangangalay man ang katawan ko ay pinilit kong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Agad bumungad sa akin ang pagod niyang mukha.
“Hi hon.” He said. He hugged me and slightly chuckled.
His voice is groggy. Nalukot ang mukha ko nang maamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Hindi ko gusto ang amoy na iyon kaya bahagya ko siyang naitulak.
“Are you drunk?” I asked.
Siya na ang nagsara ng pintuan at dumiretso na sa sofa. He took off his coat and place it somewhere near the sofa. He loosens his tie, too while he’s taking off his shoes.
Lumapit ako sa kanya para asikasuhin siya. Pinagsalikop ko ang kanyang sapatos at itinabi iyon. Ang coat niya ay maayos ko tinupi para mailagay sa hamper mamaya, at ang neck tie niya ay tuluyan ko ng hinubad sa kanyang leeg.
“Please don’t be mad at me.” He whispered and took my hand.
Marahan niya akong hinila at iginiya sa kanyang kandungan para maupo. Nalulukot aman ang ilong ko dahil sa amoy ng alak ay nagpatianod pa rin ako.
I love the warmth of his touch and the security I’m feeling every time he’s around.
“Nagluto ako ng panghapunan, Alfonso.” I tried my best to be serious just so he’ll take my words seriously.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya muli akong nagsalita.
“Who drove you home? Don’t tell me, you drive by yourself?” I said.
“I love you, Grae.”
Ako naman ngayon ang hindi nakasagot sa sinabi niyang iyon.
I love you, too. I can almost say that.
Pero hindi ko sinabi.
“I love you so much.” Muli niyang sabi.
He caressed may cheek using the tip of his nose. After that, he kissed my jaw.
“I am in love with you.” Paulit-ulit niyang sinabi.
“Alam ko. You already told me countless times.” Sagot ko.
He suddenly chuckled.
“I will never get tired of telling how much I love you, Grae. I will do everything for you, everything you wish for.”
Tanging pagtango lang naisagot ko sa kanya.
“Just don’t leave me.” He added
Nangunot ang aking noo.
“What makes you think that I’ll leave you?”
Hindi siya sumagot. Instead, he renewed his embraced and held me tighter.
“I can’t afford to lose you, Grae. If I have to cross hell just to make you back, I’ll do it.”
Then he kissed me tenderly on my lips.