Grae
Pumasok kami ni Alfie sa opisina kinabukasan. While crossing the hallway, hindi nakaligtas sa akin ang mga mata ng mga taong nakatingin sa amin. Alfie shamelessly held me on my back while we’re on our way to the elevator. Behind us were his guards. Nang marating namin ang pintuan ng elevator ay bahagyang nahati ang crowd para magbigay-daan sa boss nila.
“Good morning, Sir.” Bati ng mga empleyado rito sabay tingin sa akin.
I am confused between greeting them too or pretend that I am oblivious with their presence. Pero hindi ko naman kaya iyon kaya I just gave them a small smile.
Nakita ko ang ilan na tumango sila sa akin. Ang iba ay alanganing ngumiti rin.
Nang marating namin ang opisina niya ay agad niyang pinatawag si Harold. Ate Gareth simply went to my table and whispered something on me.
“Congratulations, Miss Grae! Best wishes!” nakangiting bati niya sa akin.
Gumanti ako ng ngiti sa kanya. “Salamat, Ate Gareth.”
“Hindi na kayo nakapag-bakasyon ni Sir Alfie.” dagdag niya.
I pouted then gave her a small smile. “Abala siya sa trabaho, Ate. Hindi siya pwedeng mawala ng matagal sa opisina.”
Tumango siya. “Oo nga. Lalo na’t umuwi si chairman.”
“C-Chairman?” takang tanong ko. Was it his father?
“Oo. May meeting sila mamayang 9 a.m.”
Lumabas na sila Ate Gareth at Harold matapos magbigay ng instruction ni Alfie sa kanilang dalawa. I busied myself by scanning the papers in my table. Narito pa ‘yong mga naiwan kong trabaho at may mga bago ring dokumento na naroon. I sorted the papers based on its urgency to be done.
Hindi ko na napansin ang paglapit ni Alfie sa table ko. Kinuha niya ang kamay ko, urging me to stand up. Nagpaubaya lang ako sa gusto niyang mangyari.
I was still holding some of the papers when his hands landed on my waist. He took it from me and place it on the table.
“You're coming with me later.” Aniya.
“Saan?” I asked.
“You’ll join us in the meeting.”
Inayos ko ang kanyang kwelyo kahit hindi naman na kailangan ‘yon dahil maayos naman ito.
“Bakit?”
“I’ll introduce you to them.” He casually said.
I pouted. Sigurado akong maraming tao sa loob ng conference room. I don’t think I can handle the crowd. Isa pa, naroon ang Papa niya. Isn’t it a better idea if he will meet me personally rather than knowing me through an announcement?
“Don’t you think it’s…” I gulped. “…too early for that?” I asked with hesitation.
“It’s not. This is the right time that I introduce you, my Mrs. Gracielle Villanueva.” He held my chin and gently pinched it.
Nangiti ako sa huling mga salita niya. It may sound possessive but I really like hearing it from him. It seems like he owns me.
No. He entirely owns me.
But I am not ready for what he wanted to happen.
Umiling ako sa kanya. “Ayoko, Alfie. Hindi ako kumportable, eh.”
I heard him sigh. Hindi niya gusto ang pagtanggi ko pero buo ang loob kong hindi sumama sa kanya sa meeting na iyon.
“I’ll just wait for you here, hmm?” malambing kong sabi sa kanya.
He only nodded in defeat.
Umalis na rin siya matapos ng ilang minutong pagyakap sa akin. Hindi ko ipinagkait sa kanya iyon. He’s clingy and touchy but it’s okay with me. Basta sa akin lang... at sa magiging anak namin.
He even convinced me again to come with him before he leave but I still refuse.
It was almost an hour when he left me, together with Ate Gareth and Harold. Kapag may pumupuntang taga ibang department para mag-submit ng mga reports ay ako ang humaharap sa kanila. Because I haven’t been going out to other offices since I started working here, puro gulat ang rumerehistro sa kanilang mga mukha.
“I-ikaw ‘yong laging kasama ni Sir Alfie.” sabi ng isang clerk sa Accounting Department.
Ngumiti ako sa kanya bago tumango. I wanted to give a good and light impression.
“Girlfriend ka ba ni Sir?”
Oh. She’s fishing an information now. Should I tell her the truth?
Pero sa huli ay umiling lamang ako.
“Weh? Lagi kayong magkasama eh?” dagdag niya.
Of course, he’s not my boyfriend! Girl, he’s my husband!
“Hindi niya ako girlfriend. Kaya pumanatag ka.” Sagot ko sa kanya.
Kasalukuyan naman akong nag-eencode ng biglang tumunog ang telepono sa table ko. I waited for another ring before I answered it.
“CEO’s Office, good morning!” I greeted enthusiastically.
“Miss Grae, are you busy? Si Ate Gareth mo ito.”
I shifted on my seat and became alert.
“Bakit Ate?”
“May ipapasuyo sana ako sa’yo. Pwede mo bang silipin ang table ni Sir Alfie kung meron doon ‘yong kulay itim na folder?”
Dinungaw ko ang table ni Alfie. May mangilan-ngilan ngang folders ang naroon.
“Sige Ate, titignan ko.” Ibinaba ko ang telepono sa mesa at tinungo ang lamesa niya.
I looked for the black folder and saw it immediately. Kinuha ko iyon at bumalik sa aking mesa para i-confirm kay Ate Gareth kung ito nga ang hinahanap niya.
Binuksan ko iyon at binasa ang unang pahina.
“Ate, ito ba ‘yong ‘Proposal for the Construction of Azalea Suites’?” tanong ko.
“Oo! ‘yan nga. Pwede mo bang dalhin dito sa conference room? Kailangang-kailangan kasi iyan ngayon ni Sir Alfie. Sa 17th floor ito.”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. My crazy thoughts started to tickle my mind again.
Kung kailangang-kailangan nga ito sa meeting, paanong hindi naisip ng isa sa kanila na dalhin iyon bago sila um-attend kanina?
Sinadya ba itong iwan ng magaling naming amo? Ng magaling kong asawa?
I smirked at that thought. Hindi mo ako maiisahan, Villanueva. Wais ‘to!
“Sige, Ate dadalhin ko diyan. Abangan mo ako sa labas.”
“Naku, Miss Grae, pwedeng dalhin mo na lang dito sa loob? Hindi ako makakalabas dahil ina-assist ko si Chairman. Si Harold naman ay nagte-take note ng minutes of the meeting.” Katwiran niya.
Mas lalong lumakas ang kutob kong sinadya nga niya ito.
Hindi bale, iaabot ko lang ito sa kanya at pagkatapos ay aalis din agad para hindi mapansin ang presensya ko. Iisipin lang naman ng mga naroon na sekretarya lang ako. Baka hindi nga ako tapunan ng pansin, eh.
Inayos ko ang sarili sandali bago ko binitbit ang folder at tinungo ang 17th floor. Nang bumukas ang elevator, bumungad sa akin ang isang opisinang may mga cubicle. Ang ilan sa mga empleyado ay napatingin sa gawi ko ng lumabas ako mula sa elevator. I turned left and right pero hindi ako sigurado kung saan ako pupunta.
Isang lalaking matangkad ang palapit sa akin. Tulad ko ay naka-salamin din siya. He looked neat and very corporate with his powder blue long sleeve polo shirt tucked in his black slacks, a dark blue striped neck tie and a black leather shoes.
Bitbit ang kaunting lakas ng loob, sinalubong ko siya para makapagtanong sa kanya.
“Uh, g-good morning!” bati ko.
Nagtaas lamang siya ng kilay bago tumango sa akin.
Alangan akong ngumiti sa kanya. Suplado naman ng isang ‘to.
“Saan ang conference room?”
Sandali niya akong tiningnan ng may pagtataka. Nag-iisip na siguro ito kung bakit hindi ko alam kung nasaan ang tinutukoy ko.
“Follow me.” He said with an authoritative tone.
Hindi na ako sumagot at tahimik lamang akong sumunod sa kanya. Ihahatid ba ako nito sa conference room? Pwede niya lang naman sanang sabihin sa akin kung nasaan iyon para ako na lamang ang pupunta.
Sabagay, okay na rin sa akin ‘yon para hindi ako maligaw.
“Sino ang pupuntahan mo roon?” he asked.
“Si A-Ate… Si Miss Gareth p-po.” Nauutal kong sagot sa kanya.
Hindi na siya muling nagsalita. Napansin ko na lamang na mayroong isang kulay abo na double swing door sa tapat ng lalaki. Walang sabi-sabi ay binuksan niya iyon bago pumasok sa loob.
Natigil ako sa paglalakad. Susundan ko pa ba ang lalaking ‘yon? Pero nakuha ng isang door plate ang atensyon ko.
‘Conference Room’
Ah. Kaya pala pinapasunod niya ako sa kanya ay dahil dito rin pala ang tungo niya.
Humigop muna ako ng hangin bago lakas loob na pumasok sa loob. Marami pala sila rito sa loob. Tingin ko ay nasa bente katao ang naririto. I gave my best not to create any noise and action that may distract the flow of the meeting.
Agad kong hinagilap ang pwesto nila Ate Gareth. I saw her immediately at the center back of the conference table. Sa kanan niya ay katabi niya si Alfie habang sa kaliwa ay isang matandang lalaking tingin ko ay nasa early 50’s. Katabi naman ngayon ni Alfie ang isang pamilyar na babae.
Si Venice.
Nagngitngit ang kalooban ko sa nakita. Pwede naman kasing iba ang katabi niya pero pinili niyang makatabi ang babaeng iyon. Natanaw ko rin sa loob si Sir Martin at iyong lalaking sinundan ko kanina. Magkatabi sila sa kaliwang bahagi ng silid na ito.
Nagtama ang mga mata namin ng supladong lalaki na iyon pero agad kong binawi ang tingin sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit kay Ate Gareth para iabot sa kanya ang itinawag niya na folder. I got her attention by tapping her shoulder. Umaliwalas ang kanyang mukha ng makita niya ako.
“Ibigay mo na kay Sir Alfie.” nakangiting sabi niya sa akin.
Alanganin man ako sa sinabi niya ay wala akong nagawa kung hindi ang tumalima. Napansin ko ang mariin na titig sa akin ng matandang lalaking katabi ni Ate Gareth. He has a familiar resemblance to Alfie and Martin.
Is this their father?
Hindi pa rin binibitawan ng matanda ang tingin sa akin. I smiled at him politely bago tumango ngunit ibinalik lamang niya ang kanyang tingin sa nagsasalita sa harap.
Bigla akong nilukuban ng lungkot at dismaya dahil sa pag-ignora niya sa akin. Pakiramdam ko ay parang hangin lang ang presensya ko. Sigurado akong siya ang ama nila Alfie. I can see in him the older version of his eldest son, screaming in seriousness and authority.
Saka ko lamang natanto na hindi pa pala ako nakikilala ng Papa niya.
I sighed. Why am I suddenly becoming so emotional?
Nilapitan ko si Alfie. I saw him looking at me intently. Nang magtama naman ang mata naming dalawa ay ngumiti siya sa akin ng pagkalambing lambing. Iniabot ko sa kanya ang folder na ipinababa sa akin ni Ate Gareth.
“A-Al…” nabitin ang salita ko ng mapansin kong nakatingin din sa akin si Venice Zarragosa.
I cleared my throat and renewed my composure. Ibinalik ko ang tingin ko kay Alfie at sinuklian ko ang ngiti niya sa akin.
“Sir Alfie, here is the proposal you’re asking.” I said with confidence.
He bit his lip after I said that. His naughty stares made my insides scream in giddiness. Mukhang nababasa ko na sa hitsura niya ang tumatakbo sa isip niya.
We were staring at each other as if we’re just the two of us inside this room. When he saw me smirked, lalong lumuwang ang kanyang mga ngiti dahil alam niyang alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.
Sa bawat titig at kilos niya, basang-basa niya agad ang naglalaro sa utak ko.
I heard a loud clearing of throat behind me.
“Alfonso…” someone called his attention.
Nalipat ang tingin niya sa taong nasa likod ko. His brow shot up. Aksidenteng napatingin ako kay Venice na mataman na rin palang nakatingin sa akin.
She’s not giving me a b***h-face but I can feel her indifference towards me. Sa totoo lang, maganda talaga siya. Hindi mukhang masungit ang kanyang mukha at tingin ko’y mabait din siya. She maybe a bit aggressive when I first met her but I can see that she’s a fine woman.
And I have to admit it to myself. She made my insecurities alive at that time.
“What can you say about the presentation of Engr. Lucero?” he asked my husband.
Ngunit bago niya iyon sinagot ay kinuha niya ang atensyon ni Harold. He went to him immediately and listened to his order.
“Get a spare swivel chair for my wife, Harold. Place it beside me.” He said.
Tumango lamang si Harold sa kanya at mabilis na umalis roon. Bumaling muli si Alfie sa lalaking nasa harapan niya.
“Shall we have the votation?” he asked.
“It’s already done, Alfie. The votes are mostly in favor for the approval of the construction of Azalea.” Sagot ng Papa niya.
Tumangu-tango si Alfie. Ako naman ay gumilid na para hindi makaistorbo sa meeting nila. Nakita kong kinausap ng matandang lalaki si Ate Gareth. After a while, they exchange their seats. Magkatabi na sila ngayon ng Papa niya.
He gave me a quick glance bago ibinalik ang tingin sa harap.
Maybe I should get going now. Mukhang hindi naman na yata ako kailangan dito.
Akma na akong hahakbang paalis sa kinatatayuan ko ng matanaw ko si Harold na may itinutulak na swivel chair. When he placed it beside Alfie, he politely said his excuses to Venice. Wala siyang nagawa kundi ang umusog hanggang sa magkasya ang swivel chair sa kanang bahagi ni Alfie.
“Umupo ka na, Miss Grae.” ani Harold sa akin.
Tutol man ang loob ko’y wala na rin akong nagawa kundi ang tumalima sa sinabi niya.
“I already reviewed this. Just take note for the minimal tweaks we observed and send to me your revisions. Prioritize this one, Mr. Lucero. We will commence the construction of Azalea Suites, ASAP.”
“My team will polish it, Sir.”
Tumango lamang siya. Mas lalo akong namamangha sa kanya. He’s always sure of all the things he say. Hindi siya natitibag agad. Lahat ay may kasiguraduhan.
Sa akin naman siya ngayon bumaling. “I’ll introduce you after this meeting, Grae.” Bulong niya.
Pinisil ko ang kanyang braso. No. I don’t think I can handle it.
Ngunit bago pa ako makapagprotesta ay narinig ko na ang boses ng matandang katabi niya.
“This is not the right time, Alfie.” matigas na sabi niya.
Mabilis na nilingon siya ni Alfie. Irritation etched on his face. Tila hindi niya nagustuhan ang narinig niya mula sa kanyang ama.
“No one will stop me from doing this, Papa.” Matigas na sabi niya rito.
“Walter Zarragosa is here, Alfonso!” mababa ngunit madiin ang boses si Mr. Simon Villanueva.
I get it. He didn’t want everyone to know that I am Alfie’s wife. Whatever his reasons may be, I would try my best to understand it.
Tanggap ko naman. In fact, ito naman ang una kong naging desisyon, ang tumanggi sa kanya. Pero kapag sa iba na pala nanggaling ang pagtutol, pakiramdam ko, nakakahiyang malaman na konektado na ako sa pamilya nila.
Kinuha ko ang atensyon ni Alfie. I caressed his arm, making him feel calmer.
“Tama ang Papa mo, Alfie. This is not the right time for this thing.” Segunda ko.
“But how about...” pinutol ko iyon sa kanya.
Wala na rin siyang magawa nang ako na ang tumutol. I looked at him like I’m throwing sharp daggers on him. Mabuti na lang at hindi niya nahalata na kahit ipakita ko ang katigasan ko sa mga oras na ito, hindi ako natinag ng emosyon ko.
“Fine. If that’s what you want.” Tanging nasagot niya sa’kin.