Grae
They became busy for today. Binaklas na nila ang malaking tent na itinayo nila para sa kasal. Sila Papa, Greg, at Alfie naman ay nagpunta sa bukirin. Kami lang ni Mama at Gio ang naiwan ngayon sa bahay habang kumakain ako ng santol na may suka na binudburan ng kaunting asin.
“Magpigil ka nga, Ate! Pang-ilan mo na ‘yan, oh!” saway sa akin ni Gio.
Kasalukuyan kong binabalatan ang pang-limang santol ko. I ignored him and continued peeling it using a knife. Maingat ko iyong binalatan dahil baka masugatan ako.
“Sasakit ang tiyan mo diyan, Ate. Isusumbong kita kay Mama!” dagdag niya.
Ngumuso ako sa narinig ko. Ngayon lang naman ako ulit naglambing ng pagkain pero heto’t pinipigilan pa ako.
“Last na ‘to, promise!” I said.
He tsked. Iniwan niya ako roon. I was busy munching my snack when they arrived. Pagod na pagod dahil nilakad nila galing sa bukirin habang tirik ang araw. Kung sila Papa lang, sanay na sila. Pero itong asawa ko, mukhang hindi. Pero tingin ko naman ay kaya niya iyon. Of course, he doesn’t want to look like a baby in front of my father.
He sat beside me while looking at the fruit that I’m eating. Kinuha ko ang bimpo na nakapatong sa kanyang balikat at pinunasan ang namuong pawis sa kanyang noo at leeg.
“You want more of that, hon?” nguso niya sa santol na hawak ko.
Nakangiti akong umiling sa kanya. “Last na ito. Naparami na ako ng kain eh.”
He looked at the direction where my father and my brother went to. Papunta iyon sa kusina. Lumingon din ako ng bahagya roon at nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, mabilis siyang nakanakaw ng halik sa akin!
Namilog ang mga mata ko sa kanyang ginawa. He chuckled when he saw my reaction. Hinampas ko ang kanyang dibdib habang kagat ko ang aking labi. I giggled, too.
We looked like teenagers sneaking for a make out in our living room!
He held my chin. “We’ll return to Manila this afternoon.”
Kibit-balikat akong tumugon sa kanya. “Okay. Si Gio pala, paano?” I asked.
“Hindi na pumayag si Papa na unang plano natin. But he agreed that we’ll support his studies. Mabuti na lamang at pumayag siya.”
I pouted. “Sino’ng makakasama ko kapag tumigil na ako sa pagta-trabaho?”
“Don’t worry about that. May apo ang isa sa mga kasambahay namin sa mansyon. Pwede ko siyang pakiusapang tumira sa atin habang nasa trabaho ako.” Nakangiting sabi niya.
“Ikaw na ang bahala.” Nakangiting sagot ko.
Alfie became busy until noon. Puro tawag sa opisina ang inasikaso niya. Nakaharap siya ngayon sa kanyang laptop habang nasa kubo namin siya sa ilalim ng puno ng mangga. Heto naman ako’t nakasandal lamang sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip at mataman siyang pinagmamasdan.
He’s a busy man. Siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya para magpatakbo sa negosyo nila. Oo nga’t katuwang niya ang kanyang kapatid ngunit siya pa rin ang madalas nilang kailanganin sa opisina.
Naramdaman kong may presensya na papalapit sa likuran ko pero hindi ko iyon gaanong binigyan ng pansin. I was looking at my husband intently habang nakikipag-usap sa kanyang cellphone at nakaharap ngayon sa kanyang laptop.
“Ganyan ba talaga ‘yan kaabala sa trabaho, anak? Mula kaninang umaga ay hindi iyan natigil bago sila nagtungo sa bukirin.” Dinig ko ang boses ni Mama sa aking likuran.
I sighed. Bumaling ako kay Mama bago ko ibinalik ang tingin ko sa aking asawa.
“Siya ang pinaka-boss, ‘ma. Wala tayong magagawa. Maswerte na nga lang po at nagawa pa naming habaan ang bakasyon namin hanggang ngayong araw.” Sagot ko.
“Naaasikaso ka ba niya, anak? Baka naman---“
“Hindi po siya nagkulang sa akin, Mama. Mabait na tao ang pinakasalan ko. Mahal niya po ako.” Putol ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking balikat. “Oh, siya. Lapitan mo na’t ayain mo ng mananghalian. Ano’ng oras ng alis niyo mamaya?”
“Alas tres daw po ng hapon.” Ani ko.
Nang tinungo na ni Mama ang papuntang kusina ay nilapitan ko na si Alfie. He didn’t notice my presence nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Naka-focus lamang ang kanyang atensyon sa laptop.
Niyakap ko siya sa kanyang likod. I felt him stiffened at itinigil ang ginagawa niya. Lumuwang ang aking ngiti at lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
“Kain na tayo, Alfie.” Yaya ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking kamay at nilingon niya ako. “I’ll just finish this, babe. Mauna na kayo.”
I pouted. “Si Mama na kasi ang nagyaya. Hindi ka ba pwedeng huminto sandali? It’s past twelve noon already.”
Bumuntong hininga siya bago tumango sa sinabi ko. Inayos ko ang aking pagkakatayo para hintayin na siya’t sabay na kaming papasok sa loob ng bahay.
We ate lunch together with my family. Magana ang lahat sa pagkain. Sinulit namin ang salu-salo bago kami naghanda para makabalik sa Maynila. Pagkatapos mananghalian ay naging abala naman kami sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Ang mga regalo na natanggap namin ay iniwan na namin kila Mama. Naging abala rin sila sa pag-aayos ng mga pabaon nila sa amin pauwi.
Nang sumapit ang oras ng pag-alis namin ay nagpaalam na kami sa kanila. I was a bit emotional because I haven’t seen them for a while and yet we have to return to Manila immediately. Hindi pa ako masyadong nakapag-enjoy sa bakasyon namin pero hindi rin naman namin pwedeng ipagpaliban ang pag-alis. I could have ask Alfie that I’ll stay here but I know that he would not allow me, too.
Sumakay ulit kami sa kanilang private plane. Naging maayos naman ang biyahe namin pabalik ng Manila. Sinundo kami ng isa sa kanyang mga driver at inihatid sa kanilang building kung nasaan ang kanyang unit. Inasikaso lang ako sandali ni Alfie at nang masiguro niyang maayos na ako ay muli siyang nagpaalam sa akin.
“I’ll just go to the library, hon. Will you be okay here? You should rest.” Aniya. Magkatabi kami ngayon sa kanyang kama habang marahan niyang hinahaplos ang aking ulo.
Tumango ako sa kanya. He kissed me on my forehead before he left me in our room.
Hindi ko makuha ang tulog ko. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko pero hindi ako inaantok. Marahil ay ngalay lamang itong nararamdaman ko dahil sa naging biyahe namin.
Naisipan kong i-text si Lizette.
Ako:
Zette, nakabalik na kami rito sa Manila.
Ilang sandali lamang ay nag-reply siya.
Lizette:
Good! Let’s celebrate, Mrs. Villanueva!
I scoffed. Nagtipa ako ng reply.
Ako:
May trabaho ako hanggang sa biyernes. Libre ako sa Sabado. :)
Wala pang isang minuto ay nag-text siya ulit.
Lizette:
Sakto! Day off namin ni Cholo. Isama mo na rin ang asawa mo.
Ako:
Okay. :)
Ibinaba ko na ang cellphone ko at muling nag-muni-muni. Tatlong buwan na akong buntis ngayon. Napapansin ko na rin ang ilang pagbabago sa katawan ko. Hindi ko na maisuot ang ilang damit ko. Puro dress na lamang ang pwede sa akin. Isa pa, bumibigat na ang timbang ko dala ng napalakas na rin ang kain ko. Isabay pa minsan ang mga food cravings. Gusto ko rin maghinay-hinay sa pagkain kaya lang ang hirap magpigil.
Lalo na ngayon dahil maraming ipinabaon ang mga magulang ko ng gulay, karne, at prutas. Marami akong pagpipilian sa mga iyon at paniguradong hindi na naman ako papapigil sa kakakain.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Tutal ay hindi ko na rin naman makuha ang tulog ko, magluluto na lang ako ng hapunan namin ni Alfie. It’s almost six in the evening. Saktong-sakto lang ang oras para sa pagluluto ko.
Iniwan ko ang kwarto ni Alfie at tinungo na ang kusina. Nakasara ang pintuan ng library. Nilapitan ko iyon para sana katukin siya pero nang makalapit na ako sa pintuan ay dinig ko ang malakas na boses niya. May kausap yata siya sa telepono.
I shrugged my shoulders and decided to go to the kitchen and cook. Dahil may nakita akong repolyo at karne ng baka sa mga ipinabaon sa amin nila Papa, magluluto na lamang ako ng nilagang baka.
Nagsaing na rin ako ng bigas sa rice cooker. Sinimulan ko ang pag-aayos at paglilinis ng mga sangkap. Nang maisalang ko na ang kaldero sa kalan ay muli akong nangalay. Bahagya pang sumakit ang likod ko dahil sa ngalay.
Ang dali ko namang mapagod. Kakaunti lang naman ang ginawa ko pero ibang klaseng pagod na ang naramdaman ko. Maybe I should address this to my OB-Gyne on my next check-up.
Isinandal ko ang aking likod sa likuran ng dining chair. Medyo hinihingal din ako. Kinalma ko lamang ang aking katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Ganito pala ang magbuntis, ang selan. Mabilis pang mapagod.
Oo nga’t napag-aralan ko ito noong nasa kolehiyo pa ako pero hindi ko aakalain na ganito pala ito kahirap.
I killed my time by checking and scrolling my newsfeed on my f*******:. Nang magsawa ay humirit din ako ng isang laro sa online game.
I checked the food if it’s cooked now. And when it’s okay, naghain na rin ako sa mesa. Inayos ko na rin pati ang plato at kubyertos bago ako muling bumalik sa library.
Hindi pa ako kumakatok ngunit dinig ko na naman ang boses ni Alfie mula sa loob. This time, it’s louder than before.
“Look, Papa. I cannot leave my wife here. Send Martin, instead.” Aniya.
Bakit kaya? Saan ba siya pinapapunta ng kanyang ama?
Hindi ko pa nga pala name-meet ang Papa niya. Pero ang sabi niya ay nakauwi raw ito ngayon kasama ang kanyang kapatid na babae. Nagtataka nga ako dahil ang alam ko’y tatlo lamang silang magkakapatid at puro mga lalaki pa.
Inihilig ko ang aking ulo sa pintuan para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko gawain ang makinig sa usapan ng may usapan pero kung hindi ko iyon maririnig at malalaman, baka hindi lang ako patulugin nito sa kakaisip.
“My wife is pregnant. I still have to consult to her doctor if she can travel.” Sandali siyang natigil bago muling nagsalita. “It’s not even in my schedule! Why don’t you go for it, instead?” iritado niyang pagkakasabi.
Ako na yata ang pinag-uusapan nilang mag-ama. Hindi ko alam kung saan siya pinapapunta ng kanyang ama pero tingin ko ay tungkol iyon sa negosyo. Kung iniisip naman niya ako dahil sa kanyang pag-alis, pwede naman niya iyong puntahan. I’ll be fine here alone. Hindi niya kailangang mag-alala ng husto dahil una, pumapasok naman ako sa opisina sa umaga at pangalawa, kaya ko naman ang sarili ko at hindi ko na kailangan ng makakasama.
Mukhang dumagdag yata ako sa iisipin ng asawa ko. Hindi niya na magampanan ng maayos ang trabaho niya dahil sa kundisyon ko.
Nag-desisyon na akong iwan na lamang siya roon at hintayin na lamang siyang matapos sa ginagawa. Nagtungo ako sa sofa at binuhay na lamang ang TV para aliwin ang aking sarili.
Pero lumilipad pa rin ang isip ko sa mga narinig ko. Saka ko lamang napagtanto na ikinasal na kami’t lahat-lahat ay hindi pa niya ako ipinakilala ng pormal sa kanyang pamilya. He never brought me to their mansion. Not that I wanted to go there because of the experience but to meet his family. I understand that his father is already based in the U.S. pero ‘di ba? He could have talk to me or to my family before our wedding.
Iwinaksi ko ang mga naiisip kong negatibo sa aking isip. Marahil ay ganito lang talaga ang buhay ng mga mayayaman. Parating abala sa trabaho. Nagpapalago ng negosyo. Tutal ay umuwi na rin naman ang Papa niya, sigurado naman akong hindi palalagpasin ni Alfie na hindi ko siya makilala.
I am already his Mrs. Gracielle Marie T. Villanueva. Sooner or later ay malalaman din iyon ng publiko.
Isinandal ko ang aking ulo sa sofa. Medyo namimigat na iyon sa kakaisip ng kung anu-ano. Nakakaramdam na rin ako ng pagkaantok ngunit kailangan naming maghapunan.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa kanyang library. Agad na nabaling ang paningin ko sa gawi na iyon. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha ng madatnan niya ako sa living room. Agad siyang lumapit at tumabi sa akin.
“I thought you’re sleeping?” he asked.
Umiling ako. “Hindi ako madalaw ng antok, eh.” Sagot ko.
Tumango siya bago tiningnan ang oras sa kanyang wristwatch.
“What do you want to eat? I’ll just order our food, hon. Hindi na ako nakapagluto eh. I’m sorry.”
Ngumiti ako bago ko hinawakan ang kanyang braso.
“I already cooked our dinner. Tara---“
“You did what?” Putol niya sa sinabi ko. Magkasalubong na ngayon ang kanyang mga kilay.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Saka ko lang naalala na ayaw niya palang gumagawa ako ng mga gawaing-bahay.
Hindi naman mabigat na gawain ang magluto, ah? Saka hindi ko naman pwedeng iasa na lamang palagi sa kanya ang lahat. Ayokong isipin niyang inaalila ko siya sa sarili niyang pamamahay. Isa pa, paano na lamang kapag naiwan akong mag-isa rito? Eh ‘di sino ang magluluto ng pagkain ko? Sino’ng maglilinis ng unit niya? Sino’ng maglalaba ng mga maruruming damit?
He continued. “I told you, Grae. No home chores for you. Ilang beses---“
Tumayo na ako at hinatak na ang kanyang kamay para matigil na siya sa pagsasalita.
“Oo na, sorry na. Kumain na tayo. Kanina pa ako naghain.” Yaya ko sa kanya.
Wala na rin siyang nagawa at nagpatianod na sa paghila ko sa kanya.
Nang marating namin ang kusina, muli niyang ininit ang ulam dahil lumamig na ang sabaw nito. He told me to sit in the chair. Uupo lang at wala ng ibang gagawin kundi ang maghintay lamang.
Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon ng basagin ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Alfie…” panimula ko.
Tinapos niya ang pag-inom ng tubig bago siya bumaling sa akin. “Yes, hon?”
“Narinig ko ang usapan ninyo ng Papa mo sa loob ng library.” Ani ko.
Ibinaba niya ang baso sa mesa. Pumirmi na roon ang tingin niya at dahan-dahan siyang tumango. Nakuha ko ang atensyon niya nang ibinaba ko ang kutsarang hawak ko at hinawakan ko ang kanyang kamay. Nakita kong nalipat ang kanyang tingin roon bago siya nag-angat ng tingin sa akin.
“Sorry.” Tanging nasabi ko.
Umiling siya. “You don’t have to be sorry. You are my wife.”
“Pero hindi pa rin dapat ako nakinig sa usapan ninyo.”
He heaved out a deep sigh. Humigpit ang paghawak niya sa akin.
“He wants me to meet our clients abroad.”
“Eh ‘di puntahan mo sila.” Sagot ko.
“No way I’m gonna leave you here.” Matigas na pagkakasabi niya.
“Magiging okay naman ako rito. Saka hindi ka naman magtatagal doon, ‘di ba?” muli kong tanong sa kanya.
Inabot ko ang kanyang mukha para haplusin ang kanyang panga. I felt his growing stubble on his face. He only clenched his jaw in response to my touches. Nginitian ko siya ulit. Iyong ngiting nagbibigay ng kasiguraduhan.
“I’ll be fine. Iisipin ko na lang na late kang makakauwi kaya hindi kita makakasama sa gabi at maaga kang pumasok sa trabaho kaya hindi kita naabutan sa tabi ko paggising ko sa umaga.”
He shook his head and pursed his lips for disapproval.
I have to convince him to attend to that meeting. Siguradong isa iyon sa malalaking kliyente nila sa kanilang negosyo. Kapag ipinagpaliban niya iyon ay malaking kawalan nila iyon.
“Isasama na lang kita.” He suggested.
I chuckled. “Hindi pwede. Trabaho ang pupuntahan mo ro’n.”
“I’d die thinking and worrying about you if you’ll not come with me! Kung isasama man kita, atleast I can take care of you.”
Umiling ako. “Iyan ang isa sa dahilan ko kung bakit hindi ako pwedeng sumama sa’yo.” Sabi ko.
Nangunot ang kanyang noo.
I continued. “Hindi ka makakapag-trabaho ng maayos. Dadagdag pa ako sa iisipin mo. Ako naman ang makokonsensya niyan kapag hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo dahil sa akin.”
Tumayo na ako tinungo ang kanyang likuran. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang katawan.
“I can call Lizette and tell her to stay with me while you’re away.” Pangungumbinsi ko.
Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko. Tila naninimbang sa kanyang magiging desisyon.
Muli akong nagsalita. “Kailan at saan ba ‘yang pupuntahan ninyo?” tanong ko sa kanya.
Inihilig ko ang aking mukha sa kanyang balikat. Inabot niya iyon at hinalikan ako sa aking pisngi bago niya ako sinagot.
“Monday, next week. Sa Singapore.” Sagot niya.
I kissed his cheeks and smiled at him.
“We’ll pack your things ahead of time, ‘kay?” I said.
Humugot siya ng malalim at ibinuga niya rin iyon ng marahas.
“Damn it…” he murmured. “I’m going to miss you so much.” Aniya bago niya ako hinarap at muling siniil ng halik sa aking labi.