Grae Kapapayag ko pa lang sa gusto niyang mangyari, rito na agad siya sa bahay tumuloy. Hindi ko alam na dala niya na pala ang ilang mga gamit niya. At ang sinasabi niyang office table para sa ise-set up na opisina sa loob ng kwarto ko, agad niya ring pinaayos. Pinaghandaan talaga niya ang pagba-bakasyon niya rito. Sa tingin ko, kahit hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari, ipipilit niya pa rin ang sarili dito sa amin. Dahil pagbaba namin galing sa kwarto, abala na pala silang lahat. Naroon din ang ibang kamag-anak namin. Parang may okasyon kung magsidayo rito sa bahay. Iyon naman pala, nagpatawag ng simpleng piging ang asawa ko. I shook my head and looked at him. Kasunod ko lamang siya sa hagdan. My brow arched when I saw a ghost of smile on his face. He looked

