Grae “Ano? Tulog na naman?” manghang tanong ko sa kapatid kong si Gio pagkarating ko sa bahay namin. Tumango si Gio habang nanonood ng anime sa TV. “Opo ate. Pagkauwi niya galing sa ospital para dalhan ka po ng pagkain, natulog ulit.” “Kumain na ba siya?” dagdag tanong ko sa kapatid. Umiling ito. “Hindi pa, ‘te. Tinawag ni Mama pero ang sabi susunod na lang daw siya.” Sagot niya. Galing ako sa trabaho. Nag-tricycle na ako pauwi dahil hindi ako nasundo ni Alfie sa ospital. He’s been like this for a couple of days. Hindi naman ako nagrereklamo pero nadadalas ang pagkaantukin niya. Or maybe he’s just exhausted working all day. He’s been hands-on, kahit na nandito siya ngayon sa amin. Hindi niya pinababayaan ang pamumuno sa trabaho. Kaya nga lang, kung minsan, kahit

