CHAPTER 1: DREAM
MADALING-ARAW na, ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Lirah. Namamahay pa siya sa bagong tahanan—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Habang nakahiga siya sa higaan sa madilim na silid, may kung anong bumabagabag sa kanya, para bang may nagmamasid sa bawat galaw niya.
Dalawang linggo na siyang naninirahan sa mansyon ng mga Mirabeles. Ang kanyang lola, si Delia, ang mayordoma roon, at kamakailan lamang ay tinawagan siya nito sa probinsya. May isang katulong daw na biglang umalis at hindi na bumalik. Sa halip na maghanap pa sa agency, iminungkahi ng kanyang lola na siya na lang ang kunin. Dahil apo siya ni Delia at kilala ng mga amo ang kanyang lola, madali siyang natanggap.
Mula pa siya sa Leyte. Pansamantala niyang isinantabi ang pag-eenroll sa susunod na pasukan upang makatulong sa kanyang mga magulang—lalo na para sa pag-aaral ng bunso niyang kapatid na si Lorli.
Isang magsasaka ang kanyang ama na si Nardo, samantalang nasa bahay naman ang kanyang ina na nagtatahi. Simple ang kanilang pamumuhay—hindi marangya, ngunit sapat at payapa. Kontento na siya roon.
Noong una, tutol ang kanyang ama sa pagpunta niya sa Maynila. Baka raw hindi niya kayanin ang trabaho. Ngunit nagpumilit si Lirah, at sa huli ay napapayag din niya ang kanyang mga magulang.
Sa unang tapak niya sa mansyon, ang Señora Margarett Mirabeles mismo ang kumausap sa kanya. Hindi niya maitatanggi ang kaba at hiya nang harapin ito. Akala niya’y masungit at mataray ang Señora, ngunit taliwas sa inaasahan niya—ito’y mabait at palangiti.
Mayroon itong dalawang anak na lalaki—parehong binata at pawang mga barako. Ang panganay ay nasa Amerika at doon naka-base. Wala pa raw asawa ang dalawa.
Ang asawa ng Señora ay pumanaw noong nakaraang taon dahil sa atake sa puso. Habang ikinukuwento nito iyon, napansin ni Lirah ang lungkot sa mga mata ng ginang kahit pilit nitong pinananatili ang ngiti. Natural lamang iyon. Mahal nito ang asawa, at ang mawalan ng mahal sa buhay ay hindi kailanman madali.
Madali namang natutunan ni Lirah ang mga bilin at tungkulin niya sa mansyon. Nariyan si Lola Delia upang gumabay sa kanya. Sanay din siya sa gawaing bahay. Noong nasa probinsya pa siya, halos lahat ng gawain ay siya na ang gumagawa.
Maliban lamang sa paglalaba.
May allergy siya sa sabon panlaba. Noong minsang subukan niyang maglaba, nagkasugat-sugat ang kanyang mga palad at inabot ng halos isang linggo bago tuluyang gumaling. Mabuti na lamang at agad siyang nadala sa klinika.
Mula noon, mahigpit na ipinagbawal ng kanyang ina ang paglalaba—maging ang paghawak man lang ng sabon panlaba.
Ipinaalam niya ito kay Señora Margarett, at tiniyak naman nito na huwag siyang mag-alala dahil may nakatalaga na sa paglalaba. Ang magiging trabaho raw niya ay ang paglilinis ng buong bahay at ng silid ng isa sa mga anak nito.
Nakita na niya ang mga larawan ng magkapatid.
Halos mawalan siya ng hininga sa sobrang gulat—kahit sa litrato pa lamang, kitang-kita na ang mala-diyos na kagwapuhan ng mga ito.
Ang panganay ay si Franco Mirabeles.
At ang bunso—si Diego Mirabeles.
Hindi niya maipaliwanag, ngunit habang tinititigan niya ang larawan ni Diego, isang kakaibang kilabot ang gumapang sa kanyang katawan. May kung anong bumabalot sa titig nito—parang kayang tumagos sa kaluluwa niya.
Napakaamo ng mukha. Matangos ang ilong, perpekto ang hugis ng panga, at may bahagyang bigote sa gilid ng pisngi pababa sa leeg na lalo lamang nagdagdag sa kaakit-akit nitong anyo.
Ngunit naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang biglang may kumalabog sa kung saan.
Paglingon niya, halos atakehin siya sa puso.
Nakasalubong niya ang mga mata ng lalaking kanina lamang ay nasa litrato—si Diego.
Nakatayo ito sa pintuan ng silid nito, tila papasok, ngunit napahinto nang makita siyang nasa hallway habang pinagmamasdan ang mga larawan.
Hindi ito nagsalita. Gaya ng mga nakaraang araw, saglit lamang siyang tinignan bago tuluyang pumasok sa silid.
Bumangon si Lirah mula sa higaan. Uhaw na uhaw siya, kaya nagpasya siyang pumunta sa kusina.
Ngunit pagdating niya sa pinto ay napahinto siya.
Bukas ang ilaw.
May tao.
Akala niya’y si Lola Delia—madalas kasi nitong tingnan kung maayos na ang lahat bago matulog. Ngunit nang tuluyang pumasok siya, muli siyang natigilan.
Hindi ang kanyang lola ang naroon.
Kundi si Diego.
Nakatayo ito habang kumakain, hawak ang plato sa kaliwang kamay. Napahinto rin ito nang mapansin ang presensya niya.
Bigla siyang nahiya—lalo na nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napakapit siya sa laylayan ng kanyang shorts at pilit na hinila pababa, kahit alam niyang imposible iyon. Kalahati ng kanyang hita ay lantad sa harapan nito.
“It’s late. Aren’t you asleep yet?”
Napatalon ang kanyang puso. Ngayon lang niya narinig ang boses nito—malalim, mababa, at nakakayanig.
“P-po?” alanganin niyang tanong.
“Tsk. Maganda nga, pero bingi.”
“Po? Ano po iyon, Senyorito?”
Mahina kasi ang boses nito—parang bumubulong.
Ipinatong nito ang walang lamang plato sa mesa.
“Bakit gising ka pa?” ulit nito.
“Ah… eh kasi po, namamahay lang po ako. Hindi po ako sanay na mag-isa sa kwarto. Sa amin po kasi, tabi-tabi kaming natutulog—”
“Go to sleep. Now.”
Naputol ang kanyang sasabihin.
“Iinom lang po muna ako. Excuse po.”
Lumapit siya sa kabinet para kumuha ng baso ngunit hindi niya pala abot.
Napabuntong-hininga siya. Bukas na lang siya iinom.
Ngunit nagsalita muli ang kanyang amo.
“Here. Take this.”
Lumingon siya at nakita niyang inaabot nito ang sariling baso.
“Wag na po... hindi na po ako nauuhaw.”
Ngunit biglang hinawakan ni Diego ang kanyang kamay at pinahawak sa baso.
"Bukas ipapalipat ko ang mga lagayan diyan sa baba. Para hindi ka mahirapan kapag nauuhaw ka sa madaling-araw.”
Tahimik niyang ininom ang tubig. Matapos, hinugasan niya ang baso pati na rin ang plato nito.
Wala itong reklamo. Nakatayo lang sa gilid, pinagmamasdan siya.
“Okay lang po, Senyorito. Nakakahiya naman po.”
“Call me Diego.”
“Po? Pero amo ko po kayo…”
“So? Follow what I ordered. Call me by my name.”
“O-okay po… Senyorito—este, Diego.”
Sumilay ang munting ngiti sa labi nito.
Mas lumapad ang ngiti nito.
“Again.”
“Diego, Diego, Diego! Okay na po ba?”
“Yes. But it would be nicer if you say it with emotions.”
“Bubuyog ka po ba? Bulong ka nang bulong.”
Kumunot ang noo nito.
“K-Kung wala na po kayong kailangan, matutulog na po ako.”
At tuluyan na siyang umalis.
Pagdating sa silid, agad siyang nahiga—ang puso niya’y parang tambol sa lakas ng t***k.
Totoo ba iyon? Nag-usap ba talaga sila?
At inutusan pa siyang tawagin ito sa pangalan?
Hanggang sa makatulog siya, hindi nawala ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi.
________
Diego POV
***********
Hindi mapigilan ni Diego ang mapakagat sa labi habang inaalala ang nangyari sa kusina. Mag-uuma na, ngunit dilat na dilat pa rin siya.
Matinding pagpipigil ang kanyang ginawa upang hindi lamukusin ang dalaga ng halik.
Ayaw niya itong biglain.
Hindi puwede.
Simula nang makita niya si Lirah mula sa balkonahe habang nagdidilig ito ng mga halaman sa hardin, alam na niya agad—she belongs to him.
Inaari na niya agad ang dalaga.
Ngunit bata pa ito—marahil ay disi-otso o disinuwebe lamang. Siya ay dalawampu’t siyam.
Kaya minabuti niyang maghintay.
Tahimik niya itong pinagmamasdan kahit saang sulok ng mansyon. Maging ang silid nito ay lihim niyang mino-monitor.
At ngayon, habang mahimbing itong natutulog… nakangiti pa.
He smiled.
Ano kayang panaginip nito at tila masaya ito habang tulog?
Could it be him?
Gusto na niya itong puntahan at paghahalikan.
Pero hindi puwede.
Not now.
Soon.
“Soon… you’ll be mine, Lirah, baby.”
Mahinang sambit niya sa sarili.
He promised.