♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ MINSAN nakakatakot maging masaya kasi baka kung ano na naman ang kabayaran ng saya na iyon. Happiness felt like something you couldn't get for free... and it scared me. We texted each other regularly mula no'ng umuwi kami galing Siargao. Minsan naman ay tumatawag siya kapag wala siyang trabaho. Honestly, ang saya-saya ko. Feeling ko abot-kamay ko na ang hinahangad kong better ending para sa amin. Ronnie's wedding finally came. Isa iyong beach wedding na ginanap sa isang famous resort. We went there one day before the wedding at may kanya-kanyang rooms ang lahat ng parte ng entourage. I was stunned when I saw Cassandra when I opened my room. It turned out na siya pala ang makakasama ko sa kwarto since may dalawa namang beds do'n. "Hi," she greeted m

