♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ ALAM mo 'yong pakiramdam na kahit ga'no mo kagustong humakbang palayo sa isang tao, hindi mo pa rin maiwasang umatras at bumalik sa mismong tao na dapat mong layuan? 'Ewan ko kung ano ang problema ng mundo sa'kin at sa pagmu-move on ko. I was trying so hard to recover pero bakit parang napaka-imposibleng mangyari n'on? "Tama ba 'tong gagawin ko?" nag-aalalang tanong ko kay France na nasa loob ng kwarto ko. Pinagmasdan niya ako na nakaharap sa full-length mirror at ilang beses sinisiguro kung maayos ba ang hitsura ko. "It's just dinner, 'wag mong i-overthink." "Yeah, dinner." I gave a frustrated sigh. "Dinner with my ex na hanggang ngayon mahal ko pa rin pero kailangan kong kalimutan dahil hindi niya ako pinili. So yeah, maybe it's just dinner. Bu

