♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ I COULDN'T ask for more. Trevor has been the perfect boyfriend anyone could wish for. Sobrang sweet, caring at thoughtful. Araw-araw niyang ipinaparamdam sa'kin kung ga'no ako ka-special sa kanya. Alam kong ang cheesy na ng mga sinasabi ko, pero hindi ko alam kung pa'no ko ide-describe ang saya na naramdaman ko sa nakalipas na tatlong buwan. Yes, three months na kaming official. It still felt surreal. Para akong nakakulong sa loob ng isang fairytale book. But reality was far better than fiction. "Sige, tumawa ka!" hamon ko sa kanya nang sinundo niya ako sa bahay. "Who said I'm going to laugh?" aniya pero halata naman sa mukha ang pagpipigil ng tawa. "Mas mukha kang tanga kaya wala kang karapatang pagtawanan ako." Nagkaro'n ng Halloween Party an

