♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ THE play ended successfully. Halos lahat ng nasa audience ay naiyak sa tragic ending niyon. Nag-standing ovation ang lahat ng nasa loob ng theater, including me. Disregarding the fact that I was jealous the whole time, na-impress talaga ako sa play. And I was so proud of Trevor. Words couldn't express how happy I was for him. Our eyes met and I gave him a huge smile to make him know na proud na proud ako sa kanya. He mouthed the word thanks at kinilig naman ako. "Asus, hanggang dito ba naman, maglalandian pa rin kayo?" biro ni France at siniko ako. "Napansin mo pala?" "Pa'no ko hindi mapapansin, eh kulang na lang mag-hugis puso ang mga mata mo. Ikaw na talaga ang in love." Muli kong itinuon ang atensyon ko sa stage kung saan nakatayo ang mga a

