♥️♥️♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️♥️♥️ TINAWAGAN ko si Trevor kinagabihan because I wanted to check if he was okay. Well, duh. Obviously, he wasn't okay kasi natanggal na siya sa school paper at muntik pa siyang ma-suspend. "Kailangan ko pa palang malagay sa gano'ng sitwasyon bago mo ako pansinin," pabirong sabi niya sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangisi siya. "Not a good joke, Trevor." "Sorry. I'm just glad na concerned ka pala sa'kin." "Hindi mo dapat ginawa 'yon." "Why not? We both know na wala namang mali sa isinulat ko. Masyado lang conservative ang school natin. They act like their saints as if wala silang mga kasalanan." "Alam kong tama lahat ng sinabi mo do'n sa article. Pero ni-risk mo ang pagiging editor-in-chief. Pati ang pagiging valedictorian

