Chapter 17 Eunice “Sigurado ka na hindi mo ako type?’’ taas kilay na tanong ni Alexander sa akin. “Hindi, bakit naman ako magkakagusto sa isang katulad mo na arogante at masungit pa?’’ daretsahan kong sagot sa kaniya dahil totoo naman na masungit siya. Tumawa siya ng pagak sa sinabi kong iyon. Kumibot ang labi niya na kinuha ang mga pinamili ni Manang. “Ano ka abnormal?” tanong niya sa akin at suminyas siya na kunin ko ang mga natirang supot na nasa lamesita. “Dalhin mo rito sa kusina ang mga ‘yan.’’ Nagtungo na siya sa kusina pagkatapos niya akong utusan. Laglag ang aking balikat na kinuha ang natirang supot. Dinala ko na iyon sa kusina. Puno ang bilog na lamesa ng mga supot na pinamili ni Manang. Mabuti naman at may stock ng pagkain, kaya hindi na ako mamoroblema pa. “Abnormal ka

