Chapter 52 Eunice "Olivia, Kumuha ka ng baso at plato sa bahay ni Tiyay mo. Sabihin mo na rin kay Tiyoy mo na kumain na. Magtimpla ka na rin ng juice. May biniling yelo diyan si Tiyoy mo," utos ni Tita sa akin at bumaling naman siya kay Adely. "Ikaw Adelia, ilagay mo na rito ang kaldero sa gitna ng lamesa at magsalin ka na sa bowl ng sabaw at karne. Tawagin ko lang ang dalawa para makakain na. Baka nagugutom na sila at alas-dose na ng tanghali." Nagtungo na ako sa bahay ni Tiyay at Tiyoy. Sakto na nagpapahinga si Tiyoy sa sala. "Tiyoy, kakain na po tayo. Luto na po ang pagakain. Kukuha lang po ako ng mga plato," sabi ko kay Tiyoy. "Sige, Iha. Ako na ang magdadala ng plato," alok ni Tiyoy sa akin. Si Tiyoy na ang kumuha ng plato saka dinala na sa kubo. Kumuha naman ako ng pitsel a

