Chapter 25 Eunice Maaga akong nagising upang maghanda ng aking almusalin, subalit nawalan ako ng gana na lutuin at kainin ang mga groceries na nakatambak sa ref na pinabili niya sa kasambahay nila sa Mansion. Masama pa rin ang loob ko na pinagdadamutan niya ako ng pagkain na dala niya kahapon. Nakita ko na may natira pa sa turon na may malagkit na kanin na ginawa namin ni Nathan kahapon. Iyon na lang ang kinain ko. Kahit ang gatas na binili ni Alexander sa akin para sa amin ng baby ko ayaw kong timplahin. Maliban sa pangit ang lasa pangit pa ng ugali ng bumili. Tubig na lang ang pinaris ko sa kinain kong turon. Pagkatapos kong kumain naligo na ako at nagbihis. Sinuklay ko ang aking buhok at lumabas ng aking silid. Nakita ko naman si Alexander sa sala nagkakape. Mukhang wala siyang bala

