Chapter 50 ALEXANDER Kanina ko pa hinahanap ang cellphone ko subalit hindi ko makita. "Pare, nakita mo ba ang cellphone ko?" tanong naman ni Nathan sa akin. "Hinahanap ko na nga rin ang cellphone ko, eh! Tawagan ko sana si Lander na dalhan niya ako rito ng damit," tugon ko kay Nathan. Pareho kaming napakamit ni Nathan sa aming ulo. "Baka kinuha nang tigre?" wika naman ni Nathan. Napapailing na lang talaga ako sa sinapit namin ni Nathan. Nagsibak na nga lang kami ni Nathan ng kahoy. Tinuruan ko na lang siya kung paano magsibak, Subalit para kaming ewan talaga sa suot namin. Nagising naman ng maaga si Mama Lina, kaya pinakain ko muna ito at tinimplahan ng gatas. Hindi pa nga namin nakalahati ang pagsibak ng kahoy. Paano ba naman kasi si Nathan takot na takot tagain ang kahoy. "Gusto

