HINDI KO maintindihan ang mga sumunod na araw sa akin. Para bang hindi pa rin ako tapos maglihi kahit nasa second trimester na ang pagbubuntis ko. Hindi ko alam dahil ultimo ang amoy ng damit ni Toph ay hinahanap ko at madalas ay nagde-demand ako sa kaniya na 'wag nang tanggapin ang ilang pasyente dahil gusto ko siya palaging nakikita. Kahit pa rito na siya umuuwi palagi sa apartment ay mas gusto ko pa rin na sabay kaming uuwi. Kaya isang araw ay hindi namin naiwasang magtalong dalawa. Nakabusangot kasi ako nang madatnan niya ako sa may salas habang hinihintay siya. "O, bakit ganiyan ang itsura mo? Is there any problem?" Pero imbes na sagutin siya ay napatagilid lamang ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago pa siya lumapit at tumabi sa akin. "Sab,

