HINDI KO maipaliwanag ang sayang nararamdaman lalo na nang mabungaran ko ang magandang sikat ng araw habang kayakap-- napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil buong akala ko ay kayakap ko pa rin si Toph. At pagkalabas ko pa lamang ng kuwarto ay bumungad na sa akin ang masarap na almusal na nasa lamesa. Ham and egg sandwich ang nakahain sa lamesa, habang nagtitimpla siya ng tsaa. Hindi raw kasi healthy ang kape sa buntis, sabi niya. Iba talaga kapag doktor ang mapapangasawa mo. "O, gigisingin pa lang sana kita. Breakfast is ready," nakangiting bungad niya. Napangiti rin ako at sandaling pinisil ang kaniyang baba pagkalapit ko pa lamang sa kaniya. "Thank you, parang wala lang hang over, ah?" At sandaling napataas ang kilay niya bago pa man ako paulanan ng halik sa pisngi at labi saka

