Chapter 29

1338 Words

"F-faster, Hanna! O, my god!" natatarantang tugon ko. Naroon pa rin kami at patuloy na sinusuyod ang exit ng kabuuan ng St. Delfin Hospital. At huli na nang mapagtanto kong nakahawak na ako sa may braso niya. Kaya mabilis kong inalis 'yon at saka nagpatuloy sa pagtakbo. Subalit narinig ko naman ang pagdaing niya, "Ah! Aray!" Nakahawak siya sa kaniyang tiyan na sandaling ipinag-alala ko. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang kabaitan ko sa kaniya, gayong nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan namin. Napatango siya bagama't nakaingit pa rin ang kaniyang mukha. "Medyo kumirot lang, kaka-raspa lang kasi, e." Umikot ang paningin ko at kahit medyo malabo ang aking paningin sa aming dinadaanan ay naaninag ko kung saan palabas ang mga tao. Subalit hindi sinasadyang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD