MIYERKULES NG umaga at hindi ko inaasahang bubungaran ako ni Moriah ng isang bonggang pabati. "Good morning to our soon-to-be bride, Ms. Sabrinaaa Celesteee!" aniya na pinahaba pa sa pagbigkas ang pangalan ko. Hindi ko mapigilang matawa, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa reaksyon ng mukha niya. Samantala'y nakitawa na lang din ang iba sa aming mga nurses doon. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi matapos namin kainin lahat ni Toph ang nasa lamesa. Kagabi lang talaga ako nabusog ng husto kaya naman binalikan ko ang pangyayari kagabi. "Toph.." tawag ko sa kaniya nang sandaling sumakit ang tiyan ko. "O?" sagot niya habang nagliligpit ng mga pinagkainan namin. "Natatae ako, pisti!" sigaw ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. "Okay lang 'yan, ilabas mo lang.. mahal pa

