Sabrina NAKAHANDA SA may lamesa ang mga pagkaing in-order namin sa isang Italian restaurant. Matapos ko kasing matanggap ang mensahe ni Travis ay nagdesisyon akong makipagkita sa kaniya, upang linawin sa kaniya ang lahat. At ayokong palampasin ang sandaling ito para malaman niya ang buong katotohanan, para na rin sa aking peace of mind. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Travis.. sabihin mo nga sa akin, bakit apektado ka sa pagkawala ng anak ni Hanna?" Pinandilatan niya ako ng mata bago pa man siya sumagot sa akin, "Naaawa lang ako sa kaniya, Sab.. at siyempre-- anak ko 'yon.." Napailing ako sa sinabi niya at nakita ko ang kaniyang pagtataka. "Sinabi niya na pala sa'yo na anak mo ang dinadala niya? Kailan pa?" tanong ko dahil gusto ko lang malaman kung ano pa ba ang dapat kong itama

